SDTR: Prologue

362K 5.9K 326
                                    

SDTR: Prologue

Eroplano? Kotse? Himpapawid? Kalsada?

Sabi nila kapag natapatan ng eroplanong nasa himpapawid ang kotseng sinasakyan mo habang tinatahak ang kalsada, pwede ka daw humiling.

At yung kahilingan na daw na yon ay makakasigurado kang matutupad.

Kailan ko nga ba sinubukang humiling sa ganoong paraan? August 2, araw ng birthday ko, 18 years old ako, at gaya ng sinasabi ng karamihan, isa na akong ganap na dalaga. Pero yun na yata ang pinaka hindi ko nagustuhan na birthday sa buhay ko.

Dahil nung araw na din yon, naghiwalay sila Mama at Papa. Nasa sasakyan ako ni Mama nung mga oras na yon, papunta kami sa Antipolo kung saan nakatira ang Lolo at Lola ko. Panay ang tingin ko sakanya dahil ayaw huminto ng luha ni Mama, para bang may sirang gripo ang mga mata niya.

Hinawakan ko ang kamay ni Mama nang humawak siya sa gear knob, "Ma.." Yan lang ang tanging lumabas sa bibig ko.

"Anak, promise me na hindi ka mag aasawa ng katulad ng Papa mo." Humihikbing aniya, masakit sa pakiramdam na ang pamilyang nakita kong punong puno ng saya at pagmamahal sa loob ng labing walong  taon ay mabubuwag sa isang iglap lang.

Nagkaroon ng affair si Papa, noong una ay hindi naniniwala si Mama sa mga tsismis na kumakalat dahil alam niyang maraming naiinggit sa pamilya namin.

Isang text message ang sumira sa pamilya namin, text message na naglalaman ng address kung saan nakatira si Papa at ang babae niya sa tuwing sasabihin niyang may out of town siya para sa business. Birthday na birthday ko iyon ang matatanggap kong greetings mula sa hindi ko kilalang numero. Pinuntahan namin iyon, at nakita namin ni Mama ang isang napaka gandang dalaga na mukhang halos kaedad ko lang yata, yakap yakap siya ni Papa at hindi ko kayang sikmurain na sa isang bata niya ipinagpalit ang Mama ko.


Posible pa kayang magkaroon ako ng isang masayang pamilya na punong puno ng saya at pagmamahalan? Posible kayang may makilala akong hindi katulad ni Papa?


Ibinaba ko ang glass window ng sasakyan at saka sumilip ako doon habang nakapangalumbaba ako, bumilis ang tibok ng puso ko nang mapansin kong nakatutok ang isang eroplano sa kotseng sinasakyan ko, mabilis kong ipinikit ang mata ko at hindi ko alam kung bakit lumabas sa utak ko ang isang kahilingan na kailanman ay hindi ko inaasahang hihilingin ko.

"Sana, makahanap ako ng isang lalaking hindi katulad ni Papa...yung mamahalin ako ng totoo at ako lang."

At nung kinagabihan ng araw na yon nakilala ko ang isang Ethan Luke Cando...

Somewhere Down The Road (Published under Pop Fiction/Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon