Chapter 48

136K 1K 132
                                    

Zenia's POV

2:30 na. Uuwi na kami mamaya pero may possibility na mag stay padin ako dito sa hospital kapag sinumpong uli. Wag naman sana. 

Wala akong kasama dito sa room. Sila Ross at sila Kriston, umuwi muna para makapag pahinga. Si lalola naman, umalis saglit para mawidthraw ng pera. Si Justin, nasa CR.

Lumabas na si Justin sa CR. Aww! Fresh loooook!

"Oh, gising ka na pala." Bati sakin ni Justin habang nagpapatuyo ng buhok. Naligo siya.

"Ammm, Justin. Bakit kayo nagbreak ni Ella non? Magkwento ka naman." Bigla ko natanong. Nagulat siguro siya. Hindi ko din alam kung bakit ko yun natanong eh. 

Madalas kasi, ako lang yung nagkwekwento sakanya pero siya? Super seldom lang.

Umupo siya sa tabi ko.

"Kinwento na ni Kriston sayo yan diba?" tanong niya sakin.

"Oo pero hindi ko kasi gaano maintindihan. Sabi kasi ni Kriston, nakunan daw si Ella tapos Six months after your break up, lumipat kayo sa school? Pero, third year lang si Ella non? Eh bakit fourth year nadin si Ella ngayon? Ang gulo."

Nakakapagtaka din kasi talaga. Sabi ni Ella, third year daw siya nun? Tapos, fourth year siya ngayon? Edi ba nag stop siya because she got preggy?

"Ang alam ko nag homestudy nalang siya kasi ayaw niya na pumasok nun dahil sa balita na nagpa-abort siya. Nagbreak kami nun ni Ella pero after mga two months, di ko na siya pinakekelaman. Sila na nun ni Jeff, ang alam ko. Lagi ko sila nakikia sa campus non. Ewan ko bakit bigla nalang nawala si Ella bigla."

"Ah, so ahead ka ng one year sakanya?" Okay! Ako na madaming tanong.

"Oo, hayaan mo nayun. Basta, magulo eh pero okay naman na ngayon. Ang mas importante is yung present. Tama na yung past." Tama nga naman. Let's just leave the past were it supposed to be. Let it be a history.

"Ahh. okay." Hindi na ako nakasagot. Parang ayaw nadin ni Justin na pagusapan yun eh.

"Okay ka na ba? Labas na tayo dito." sabi niya habang nakahawag sa may chin ko then kiniss niya ko sa lips. Awww. Justin! 

"Oo. Gusto mo na talaga lumabas? Sorry ah." Sabi ko. Okay, para akong nagtatampo. So what? Gusto ko lang na lambingin niya ko.

"Sus. Ano ka ba naman! Syempre gusto na kita makasama sa bahay niyo. Di kita matabihan dito matulog eh." 

"Whoooo. Sabihin mo kasi kung nagsasawa ka na sakin." Bigla naging seryoso yung mukha niya tapos lumapit siya sakin.

"Yan ba iniisip mo? Di ako magsasawang mahalin ka Zenia. Di ako magsasawang alagaan ka." He said then he kissed me on the forehead. Medyo, napanatag yung loob ko sa sinabi niya.

Secret Admire [Published under Viva Psicom]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon