CHAPTER THIRTY-ONE

16K 292 179
                                    

[DAMON'S POV]

“I want you to be mine. Will you be my girlfriend Kathy Bernardo?”

Yun ang mga salitang binitawan ko habang nakaluhod sa harapan ni Kathy. Hawak-hawak ko ang isang box na may laman na singsing. Hindi ko na palalampasin pa ang pagkakataong 'to. Gusto kong maging akin siya. Gusto ko siyang protektahan. Gusto ko siyang alagaan … at higit sa lahat, gusto kong gawin yun lahat ng may karapatan.

“D-Damon …” Nakaramdam ako ng kaba kasabay ng pagkirot ng marka sa kamay ko. Tiniis ko ang hapdi at kirot na iyon. Hindi ko hahayaang maging hadlang iyon sa lahat ng plano ko. Sa totoong nararamdaman ko para sa babaeng nasa harapan ko ngayon.

“Ayaw mo ba?” Nanatili akong nakaluhod habang pilit na nakangiti pa rin sa kanya.

“Oo. Ayoko.”

Para akong binuhusan ng tubig na may yelo tapos binuhusan ng kumukulong tubig tsaka ginarote ng sampung beses sabay pinatalon mula sa pinakamataas na building. Para niya na akong pinatay sa sagot niya. Pinatay ng paulit-ulit.

Napakagat labi ako.

Yung saya at kaba na nararamdaman ko kanina ay unti-unting napalitan ng mga tanong. Tanong na unti-unting nagiging galit.

Tumayo ako.

“This isn't happening." Hindi ko alam kung sinasabi ko yon sa sarili ko o sinasabi ko iyon sa kanya.

“You know what, you have to go." Seryoso ang tono ng boses niya. "Salamat sa mga 'to"

"Minsan ang hirap mong intindihin." Sabi ko sa kanya bago ako tumalikod at lumapit sa bintana para lisanin ang silid niya. "Ito na ang una't huling gagawin ko 'to Kathy. So you better give me a good answer now. If you're planning to change your mind."

Nagkibit balikat lamang siya.

Tatalon na ako sa bintana ng –

“Oo. Ayokong humindi sa’yo …" Mahina iyon pero sapat na para marinig ko.

"Mahal na mahal kita Damon.”

Sukat ng marinig ko yon ay bigla akong nahulog mula sa kanyang bintana hanggang sa lapag ng kinatatayuan ng bahay nila.

Sorry. Minsan hindi maiiwasan na maging palpak at lampa rin ang isang demonyo.

Literal akong nahulog.

Nahulog dahil sa kanya.

“Damon!” Nag-aalala niyang sabi habang nakasilip sa bintana. “Okay ka lang? Ba’t ka tumalon?”

“Ano ako tanga? Bakit naman ako tatalon?" Pasigaw kong sagot sa kanya. "Hindi ko narinig yung sinabi mo. Pakiulit."

“Sabi ko ayoko.”

“Ahhhh. Nabali ata yung spine ko." Pagkukunwari ko.

Bakas sa mukha niya ang pag-aalala at pagkataranta. Nakalimutan yata niyang demonyo ako.

“Wait! Bababa ako! Bababa ako!” Bigla siyang naglaho sa bintana.

Gusto kong matawa kay Kathy. Siguro'y sobrang nagi-guilty siya sa pagkakahulog ko dahil sa ginawa niyang iyon.

Maya-maya’y biglang bumukas ang pinto sa baba.

“Sorry... Sorry talaga. Alin ba ang masakit?” Nag-aalala niyang tanong sakin nang lapitan niya ako.

“Eto oh.” Sabay turo ko sa dibdib ko.

“Kailan pa naging spine yan Damon?” Inirapan niya ako. Saka niya ako bahagyang itinulak.

The Devil's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon