CHAPTER FIFTEEN

18K 227 31
                                    

[KATHY'S POV]

"Grabe yung ginawa ni Damon kahapon 'no?" Bakas pa rin sa mukha ni Sthep ang pagkamangha sa ginawang pagkanta ni Damon kahapon. "Kinilabutan ako! Grabe ... bumalik lahat ng ala-ala ko nung high school. Nung sinasamahan kitang panuorin siya, natatandaan mo ba?"

"Yes ... hindi ko makakalimutan yon." Sagot ko sa kanya.

"Ay ... bakit parang ang lungkot mo?"

I can not really hide what I truly feels when I'm with her. Ang lakas ng radar ni Sthep pagdating sa akin.

Nakakalungkot kasing isipin na dati, ako lang ang kinakausap ni Damon. Samantalang ngayon, halos lahat kinakausap at pinapansin niya maliban sakin.

"Affected ka ba sa mga kinikilos ni Damon ngayon?" Tanong niya sakin.

Umiling ako.

Alam kong alam niyang nagsisinungaling ako. Kaya naman huminto siya sa paglalakad at humarap siya sakin. Hinagod niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

"Based on your gestures and facial expression, oo, hindi ka nga affected. Sobrang affected ka lang." Sabay irap niya sakin.

Tumalikod siya at nagpatuloy sa paglalakad. Alam kong gusto niyang kalimutan ko na talaga si Damon, kaya nagagalit siya sakin everytime na nakikita niya na apektado pa rin ako. Pero hindi naman ganoon kadaling gawin yon, di ba? Hindi ganoon kadaling kalimutan ang taong pinangarap mo, ang taong una mong minahal.

"Sthep naman eh!" Patakbong habol ang ginawa ko para maabutan ko siya. Nawala sa isip ko na nasa kalsada pala kami.

Isang mahabang pagbusina ng sasakyan ang sumunod kong narinig.


"KATHY!!!"



Bago pa man ako mawalan ng malay ay naramdaman kong may humawak sa braso ko at humila sa akin.



Nagising ako sa liwanag ng paligid.

Nasa langit na ba ako?

Patay na ba ako?


"Kathy ..." Boses yon ni Sthep.

"N-nasaan ako?"

"Nandito ka sa ospital. Muntik ka ng masagasaan kanina."

Biglang bumalik sa isip ko ang mga nangyari.

May rumaragasang jeep patungo sa direksiyon ko. Alam ko, mamamatay na ako kanina. Alam kong babangga sa akin ang jeep na yon dahil hindi na ako nakakibo sa kinatatayuan ko. At alam ko rin na kahit iliko ng driver ang manibela, tatamaan at tatamaan pa rin ako.

Pero biglang may humila sakin at niyakap ako mula sa likuran. Ramdam na ramdam ko yun bago ako mawalan ng malay.

Tinignan ko ang magkabila kong braso.

At hindi ako nagkamali – may pasa ako sa magkabila kong braso na dulot ng mahigpit na pagkakahawak ditto.

"Okay ka na daw sabi ng Doctor. Hinimatay ka lang daw kanina. Malamang daw sa sobrang kaba at takot."

Hindi ko pinansin ang sinabing iyon ni Sthep, "Imposible."

"Ha? Anung imposible?"

"Alam ko ... alam kong masasagasaan ako kanina." Pagkukumbinsi ko sa sarili ko.

The Devil's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon