CHAPTER TWENTY-ONE

17.3K 237 72
                                    

[DAMON'S POV]

Damon please, tulungan mo ako ...

Narinig ko na lang bigla ang boses ni Kathy. But as much as would love to goa and see her, I can't. I have to keep my promise, I have to ignore her. Besides, Erick would always be there for her. She needs an angel, not a devil like me.

"Bakit tahimik ka?" Tanong ni Julia habang nakatitig sakin.

Nakakabaliw hindi ba?

Pagkatapos akong ipagtabuyan ni Kathy, heto si Julia ... buhay at humihinga sa harapan ko. Hindi ako makapaniwala na muli siyang binuhay ng itim na anino. Sabi nga ni Kurt, walang imposible pagdating sa kanya.

"Hindi pa rin kasi ako makapaniwala na kasama kita ngayon." Sabi ko sakanya habang pinagmamasdan ko ang maamo niyang mukha.

Ngumiti siya. "Nandito ako dahil kailangan mo ako. Alam kong hindi na tayo katulad ng dati, hindi ka na katulad ng dati. Alam kong mayroon na diyang iba, alam kong hindi na ako." Sabay turo niya sa dibdib ko.

"Hindi mo na kailangang isa-isahin sakin lahat ng yan."

"I'm sorry. Ang sinasabi ko lang naman, ngayong nandito na ako. Sana naman, tigilan mo na ang pag-iisip sa babaeng yon."

Natigilan ako. "Will you stop it?"

Tumahimik siya saka siya umiwas ng tingin sa akin. Hanggang sa ang mga ngiti niya ay unti-unting napalitan ng luha.

"You have no idea what I've been through. Hindi mo alam kung gaano kasakit ang paulit-ulit na masunog sa impyerno. Hindi mo alam kung gaano nakakatakot doon." Umiiyak niyang sabi. "Akala ko, magiging okay na ang lahat dahil sa wakas, nakaalis na rin ako sa nakakakilabot na lugar na yon. Hindi pa rin pala. Mas masakit pala yung malaman na yung taong mahal na mahal ko, may mahal ng iba. Ang sakit-sakit ... sana pinatay mo na lang ako ulit Damon." Sumbat niya sakin.

Lumapit ako sa kanya saka ko siya niyakap. I know this wasn't enough to take away her pain. But it's the least that I can do. Coz I can't give her my love anymore ... I can't give the love she deserved.


"Master ..."

Hindi na ako nagugulat pa sa pabigla-biglang pagsulpot ni Kurt. I'm getting used to it.

"What's up?" Tanong ko habang dahan-dahan akong bumibitaw kay Julia.

"Pwede ba kitang makausap?" Saka niya ibinaling ang tingin niya kay Julia. Nakuha ko ang ibig niyang sabihin.

"I'll talk to Kurt for a minute, if you don't mind."

Tumango muna siya sa akin bago niya kami iniwan ni Kurt sa sala.

"Someone just gave up something for someone." Sabi ni Kurt sakin.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Hindi ako nagkulang ng paalala sa'yo Master."

"Geddemmit!" Bulyaw ko kay Kurt. "Sabihin mo na lang sakin kung anong gusto mong sabihin!"

"Isa ng demonyo si Erick, Master."

Si Kathy ...

Hindi ko na hinintay pa ang mga susunod niyang sasabihin. Agad akong umalis ng mansiyon.



Nang makarating ako ng school ay agad kong hinanap si Erick. Nilibot ko ng tingin ang buong paligid. Nangangamoy impyerno, mukhang may nangyaring hindi maganda.

The Devil's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon