CHAPTER FORTY-TWO

6.8K 149 56
                                    

[DAMON’S POV]

“What happened?” Tanong sakin ni Kathy nang makabalik ako nang hospital. I told her everything. She was surprised and at the same time, she was happy. She even cried when I told her about Kurt and Sthep. Kung swerte si Kathy kay Sthep ... ganun din naman siguro si Sthep kay Kathy.

“Damon ... what if – what if wala tayong happy ending? Magpapasalamat ka pa din ba sa relasyon na meron tayo?” Tanong niya sakin.

“Oo naman. Yung mahalin mo lang ako kahit wala na yung relasyon ... sobrang nagpapasalamat na ako.”

She smiled.

“Ako din. Yung mahalin mo lang ako ... okay na ko do’n.” Out of the blue, bigla na lamang niyang hinawakan ang kamay ko. “So even without ‘us’, without our relationship we could still be happy right? We could still be thankful ... just by ... just by merely having each other.”

“Y-yeah.” Hinalikan ko ang kamay niya habang nakawak sa kamay ko.

“Unti-unti na akong nanghihina Damon. Unti-unti nang bumabagsak ang katawan ko. Itong mga to?” Sabay angat niya sa host na nakakabit sa kanyang kaliwang kamay mula sa dextrose. “Balewala lahat ng ‘to. Wala ‘tong silbi sakin ... wala tong nagagawa para sakin. I need miracle!. Not this kind of stuffs. I need to be normal! I want to be human!”

Umiyak na naman siya.

Alam na alam ko kung anong nararamdaman niya coz I felt the same way too when I was still a devil like her. Masisisi mo ang lahat nang bagay sa mundo dahil sa sitwasyon mo. Kung bakit ikaw pa. Kung bakit hindi na lang sila. And Kathy is not used to it.

Honestly ... I regret loving her.

Kung hindi ko siya minahal ... hindi niya sana mararanasan ang mga bagay na ‘to. Kung hindi ko siya minahal, hindi siya magiging demonyo. Sa ganoong paraan, wala akong ibang pamimilian kundi ang mapunta sa impyerno. Nang ako lang, ako lang mag-isa. I regret everything ... not because I will not have Kathy in the end – but because I love her so much now.

“Nandito lang ako Kathy ... hindi kita iiwan.” Palagi ko na lang sinasabi sa kanya yun kahit ang totoo, hindi pwedeng hindi ko siya iiwan. Kapag dumating yung time na kailangan na niyang mamatay dahil sa kasunduan – wala na akong magagawa kundi ang manatili sa lupa nang wala siya.

“Hanggang kailan Damon?” She stared at me. Yung mga mata niya na palagi na lang basa ng mga luha. Yung mga mata niya na hindi na ngumingiti para sakin. Yung mga mata niya na walang ibang nakikita at pinagkukunan nang lakas kundi ako.

“Forever.”

“It’s a lie. No one could stay with someone forever. You know that.”

“Devils believe in lies. So you must believe me.”

“I do.”

I hugged her.

It’s the least I could do.

“Damon ... gusto ko nang umalis sa lugar na ‘to. Umalis na tayo dito.”

“Sige.” Nakangiti kong sabi sa kanya.

“Ngayon na.”

“Kakausapin ko ang doctor mo. Pagbalik ko – aalis na tayo. Okay?”

She nodded.

“Stay here. I’ll be back.”

Umalis ako para kausapin ang doctor na naghahandle sa kanya.

Habang naglalakad ako sa hallway ay napadaan ako sa isang ward. Nakakita ako nang isang babaeng umiiyak habang nakatitig sa isang pasyenteng naka-tabon nang kumot. Nagmamakaawa ito.

The Devil's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon