CHAPTER SIX

21.5K 273 66
                                    

[KATHY'S POV]

Maaga akong pumasok. Dating gawi, hinintay ko ulit si Damon sa tindahan kung saan ko siya hinihintay tuwing umaga. Umiinom ako ng softdrinks habang hinihintay siya. Sanay na kasi ako ng ganito, softdrinks talaga sa umaga. Ang weird ba?

Tinignan ko ang oras sa phone ko, almost an hour na ako ditto pero wala pa rin siya. As usual, late na naman siyang darating. Kung hindi one hour, mga one hour thirty minutes.

Pero okay lang naman sakin. Mas okay nga 'to kasi naghihintay ako dahil pinaghihintay niya ako. Hindi kagaya noong high school kami na naghihintay ako ng hindi niya alam. Basta, ayokong matapos ang araw ko noon nang hindi ko siya nakikita. Okay lang na walang baon basta hindi siya absent.

"Kanina ka pa?"

Lumingon ako at ngumiti sa kanya. Kung ganito ba naman kasi ka-gwapo ang hihintayin mo, matiyaga ka talaga maghihintay.

"What's with the smile?" Tanong niya sakin.

"Wala." Kinuha ko ang bag ko saka muling ngumiti sa kanya. "Tara na?"

Nanatili siyang nakatayo. Kaya naman nilapitan ko siya at kinuha ang bag na dala-dala niya. Pero nang hihilahin ko na ito, hindi niya ito binitawan.

"Ano na namang problema mo?" Nagtataka kong tanong sa kanya.

Hindi siya sumagot. Basta na lang niya hinila ang bag niya na hawak-hawak ko. Dahilan para mapilitan akong lumakad palapit sa kanya.

"I'm your slave, right? Let me help you with your bag." Saka niya kinuha ang bag ko.

Ngumiti lang ako pero deep inside, nagkakagulo na ang mga internal organs ko sa sobrang kilig.

"Hey! Ano pang itinatayo-tayo mo diyan? Tara na!" Tawag niya sakin. Patakbong lakad ang ginawa ko para mahabol siya. Then something caught my attention. I saw his right hand – closed fist.

Galit ba siya?

Labag ba sa loob niya yung ginagawa niya?

Bawiin ko na lang kaya yung slave-thingy?

"Uhm, Damon ..." Malambing kong sabi. Hindi siya nagsalita kaya lalong lumakas ang kutob ko na labag sa loob niya ang mga ginagawa niya ngayon. "P-pwede naman nating itigil 'tong master-slave thing na 'to kung talagang ayaw mo."

Sa halip na sumagot siya ay inagaw niya ang softdrinks na hawak-hawak ko.

"HEY!" Sinubukan kong habulin ang pinakamamahal kong softdrinks pero huli na, naitapon na ito ni Damon sa basurahan.

"Ang aga-aga, softdrinks ka kaagad." Sermon niya sakin.

'Lord, kung nananaginip lang po ako. Please hayaan niyo na lang po ako matulog habangbuhay.' Bulong ko sa aking sarili.

Kahit kailan ay hindi pa siya naging concern kahit kanino, maging sakin. Di ba nga wala naman siyang ibang inisip kundi ang sarili niya?

"Sayang naman." Kunwari'y nanghihinayang ako sa softdrinks maitago ko lang yung kilig na nararamdaman ko.

"Ibibili na lang kita mamaya kung gusto mo. Wag lang ngayon. Alas otso pa lang ng umaga nakasoftdrinks ka na kaagad."

Lihim na lang akong napangiti.

Nang marating namin ang Room 308 kung saan magsisimula ang pinakaboring na subject na naimbento sa mundo, Math, ay saka lamang niya ibinalik ang bag ko.

"Dito lang ba ang room mo ngayong araw?" Tanong niya.

Tumango ako. "Ikaw?"

"Wala akong klase. Pumasok lang ako dahil sa'yo."

The Devil's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon