CHAPTER ELEVEN

19K 220 69
                                    

[KATHY'S POV]

"Chum ... kilala mo ba yung lalaking yon? Yun oh ... yung naka-blue ng jersey?" Tanong ko sa bestfriend ko.

Naglalakad kami sa hallway ng makita ko ang lalaking yon na nakatayo sa isang gilid at may hawak-hawak na bola. Ewan ko ba ... bigla akong napahinto at pinagmasdan siya mula sa kinatatayuan ko.

"Si Damon?"

Napangiti ako. Damon pala ang pangalan niya.

Transferee student kasi ako. Samantalang si Sthep, grade five pa lang yata nag-aaral na sa school na'to.

"Ang gwapo niya 'no?"

I am very open to Sthep. Lahat ng tumatakbo sa isip ko, sinasabi ko sakanya. She was my walking diary aside from being a supportive bestfriend.

"Oo naman. Kaya nga bagay na bagay sila ni Julia eh."

Hindi ko naiwasang hindi manghinayang. Napakaswerte naman ng Julia na yon.

"Hindi naman 'sila'. But they were partners kasi since grade school. Kapag muse si Julia, escort naman yang si Damon. Noong lumaban nga si Julia ng Miss Campus, si Damon ang escort niya." Kwento pa ni Sthep sakin.

Pinahid ko ang mga luha ko habang dahan-dahan akong humahakbang palayo mula kay Damon.

"Kathy please ..."

Hindi ko alam kung isang malaking joke lang ang lahat. Hindi naman April's fool day ngayon pero sana nagbibiro lang si Damon. I believe in heaven and hell but I just can't believe that Damon was a devil.

I am with the devil.

"L-lumayo ka sakin!" Pasigaw kong pakiusap sa kanya.

"Hindi kita sasaktan ..."

But I don't trust him anymore. Ngayon nahanap ko na ang sagot sa mga tanong ko. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit ganoon si Damon. Pero hindi ko kayang magmahal ng demonyo. Hindi ko siya kayang tanggapin.

"Sinungaling ka!" Halos lumuwa ang lalamunan ko sa pagsigaw. "Anong ginawa mo kay Julia? P-pinatay mo ba siya?!"

"Hindi ako mamamatay tao ..."

"Wag mo na akong paikutin Damon! Tama na please ..." Pakiusap ko sa kanya.

"Damn!" Sabay suntok niya sa pader. "Hindi ko alam kung bakit ba ako masyadong nagiging concern sa'yo. I don't even know why I am here begging you to stay."

Huminto siya sa paglapit sakin. Nakahinga ako ng maluwag.

"Kung alam ko lang, sana noong gabing gusto kang patayin ng mga demonyong yon ... hinayaan na lang kitang mamatay." He paused then he stared at me. "Pero bakit hindi ko na lang kaya ituloy yon?"

A devilish smile flashed on his face. His eyes were red as blood. And I can't stand his aura. I felt so weak.

Nag-unahan ang mga paa ko sa paghakbang palayo. Gusto kong tumakbo pero hindi ko magawa. Ano bang laban ko sa isang demonyo?

'Lord, please help me.' Pagdadasal ko sa isip ko.

"Natatakot ka na ba Kathy?" Nakangisi niyang tanong sakin.

"Damon please ..." Halos wala ng boses na lumalabas sa bibig ko.

"Alam mo bang kayang-kaya kong gawin ngayon ang dapat matagal ko ng ginawa sa'yo? Lalo na ngayon ... walang tao. Walang makakaalam. Walang makakakita at higit sa lahat, walang makakarinig sa'yo."

Patuloy pa rin ako sa pag-atras, "No Damon, please ..."

At sa pag-atras ko, napasandal ako sa pader. Dead end. There's no way I could escape him.

Hindi ako makahinga.

"Kayang-kaya kitang patayin ngayon Kath para mabawi ko si Julia ..."

This time, ga-hibla na lang ng buhok ang layo niya sakin.

Napapikit ako.

"... pero hindi ko gagawin yon kasi hindi ko kaya."

Naramdaman ko na lamang ang mga braso ni Damon na nakayakap sa akin. Hindi ko maigalaw ang katawan ko but I felt so relieved. God knows how much I've been dreaming this. Hindi ko na naman napigilang hindi mapaiyak. Hindi niya lang alam kung gaano ko siya gustong yakapin kahit na takot na takot ako sa kanya.

"Damon please ..." Pakiusap ko pa rin kay Damon.

"I'm sorry Kath ... sorry for making you feel this way. Alam ko, hindi ako normal kagaya ng ibang tao pero kaya kitang protektahan at alagaan ng isang daang beses kaysa sa kanila. Just let me ... just trust me."

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon ko.

Hindi ako makapagsalita.

Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin.

Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin.

"Get off of her!"

Mabilis na bumitaw si Damon mula sa pagkakayakap niya sakin. Then I saw Erick from a distance.

"Ganyan ba kayong mga demonyo? Manyak?"

Tumakbo ako palapit kay Erick. Agad naman niya akong kinulong sa kanang braso niya. Hindi ko alam kung paano niya nalamang demonyo si Damon. O kung paano niya nalaman kung nasaan kami. Ang alam ko lang, mas ligtas na ako ngayon. Hindi na ako natatakot.

"Ganyan din ba kayo? Mahilig talagang maki-alam?"

"Sabi ko naman sa'yo eh ... hindi ko hahayaang may gawin kang masama kay Kathy. Hanggang nandito ako, hindi mo magagawa ang mga binabalak mo."

"Then I guess I just have to let you take care of her."

Pagkasabi niya noon ay tumalikod siya at iniwan na kami ni Erick. Lumakad na rin kami palayo ni Erick sa lugar na yon. Pinilit kong pigilan ang sarili kong lumingon. I know He has a better plan for me. I know I'll be fine without a devil beside me.



"Sorry, late akong dumating. Nasaktan ka ba?" Tanong ni Erick ng marating namin ang gate ng boarding house na tinutuluyan ko.

"Okay lang. Ang mahalaga, hindi tayo nasaktan pareho."

"Magpahinga ka. Alam kong napagod ka sa mga nangyari ngayong araw na to."

Pinilit kong ngumiti sa kanya.

"Thank you Erick."

Ngumit siya sakin. "As long as I'm here, I'll protect you my princess ..."

Pumasok ako sa loob ng boarding house. Napaupo ako sa sofa sa sobrang pagod. Pakiramdam ko naubos lahat ng lakas ko sa katawan sa sobrang takot kanina. Kung panaginip lang lahat ng to, please ... sana magising na ako.

The Devil's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon