CHAPTER TEN

19.6K 242 52
                                    

[KATHY'S POV]

"Kathy ... gising."

Naramdaman ko ang mahinang tapik sa balikat ko. I slowly opened my eyes and I was surprised to see Sthep.

"Anong ... anong ginagawa mo ditto?" Tanong ko kaagad sa kanya.

"Nag-aalala kasi ako sa'yo. Hindi ko nasagot yung mga missed calls mo kagabi."

Umupo siya sa gilid ng kama.

"Si Damon ..." Yun lang ang tanging nasabi ko.

"Oh? Anong meron kay Damon? Ginahasa ka ba? Ay thank you Lord! Nang mabawas-bawasan naman ang kabaliwan mo sa lalaking yon!"

Natawa ako bigla sa sinabi niya, "Sira! Hindi."

"So ikaw ang gumahasa? Ganon?" Automatic kong nahampas ang braso niya. "Sinasabi ko na nga ba eh! Yang mga mukhang anghel na ganyan, yan talaga ang mga rapist!"

Tumawa kami pareho sa sinabi niyang yon. Ang sarap-sarap talagang magkaroon ng baliw na kaibigan.

"Seryoso, anong meron?" Tanong niya sakin.

"Wala naman. Naisip ko lang na tama ka. Baka nga sinasayang ko lang ang oras ko kay Damon."

Biglang naging seryoso ang ekspresyon ng mukha ni Sthep. Pero yung mga mata niya, nagtatanong kung 'bakit'. Sino ba naman kasi ang hindi mabibigla? Yung taong pinangarap at lihim na minahal ko for six years ay bigla kong kakalimutan?

"Anong nakain mo?"

"Yung katangahan ko. Busog na busog nga ako eh." Pabiro kong sagot sa kanya.

"Yung totoo? Nagdo-droga ka ba?"

Tumawa ulit ako ng malakas. Ang hirap maging seryoso kapag comedian ang bestfriend mo.

"Ano ka ba! Natauhan lang ako. May tao kasing nagpa-realize sakin na masarap palang pahalagahan, yung itrato ng tama? Haaaay ... feeling ko nakalaya ako sa pagkakakulong ko ng ilang taon!"

"Sino naman yang taong yan?"

"Si Erick." Nakangiti kong sagot sa kanya.

I told him everything about Erick. Kung ano ang pagkakaiba niya kay Damon. Napaka-gentleman niya. Napakabait. May konsiderasyon sa nararamdaman ng iba. Saglit ko lang siyang nakasama pero parang ang tagal ko na siyang kilala.

"Finally, nagising na rin sa bangungot ang bestfriend ko." Niyakap ako ni Sthep. I know, she has been waiting for this for a long time. "Sana naman hindi ka na guluhin pa ni Damon."

"Balak kong kausapin siya. Gusto kong malaman niya na nandito pa rin ako kahit na ... kahit na hindi na kami magiging katulad ng dati." I don't know if I was just trying to convince myself that I should and I could be happy without him. Because honestly, a part of me was still holding on and hoping that we could be more than this.

[ERICK'S POV]

It's already ten o'clock in the morning. Alas otso ang usapan namin pero hanggang ngayon wala pa siya. Napabuntong hininga ako. Why did I ever trust this guy?

Maya-maya pa'y may pumaradang kotse sa harapan ko. Iniluwa ng magarang sasakyan na yon ang taong kanina ko pa hinihintay.

Tinanggal niya ang eye glasses na suot niya.

"Stay away from her." Agad niyang sabi sakin.

"Hindi ko pwedeng gawin yon. Lalo na't alam ko namang ginagawa mo lang ang lahat ng to dahil kay Julia." I paused. "Damon, hindi mo na maaring ibalik ang taong matagal ng patay!"

The Devil's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon