CHAPTER SEVEN

20.2K 233 33
                                    

[KATHY'S POV]

Natulala ako habang pinagmamasdan ang mansiyon na nasa harapan ko. Lalo na nang pumasok kami ni Damon sa loob. Kahit na gaano kalaki itong tignan sa labas, simple lang ang interior design nito.

"Sakit mo na ba yan?" Tanong ni Damon sakin.

"Ha?"

"Lagi ka na lang nakatulala eh."

Hindi na ako nagsalita. Nilibot ko na lang ng tingin ang buong bahay. Madaming paintings pero kahit isang family picture, wala akong nakita. Noong high school kami, bihira ko lang makita ang parents ni Damon. Minsan nga yung maid lang nila ang present tuwing Family Day.

Maid? Wait, bakit parang wala siyang maid?

"Wala ka bang ibang kasama ditto?" Tanong ko.

"May nakikita ka bang ibang tao bukod sa ating dalawa?"

Minsan talaga dapat hindi na ako nagtatanong. Wala rin naman akong nakukuhang matinong sagot sa kanya.

"Pwede ba akong humingi ng tubig?"

Tumingin muna siya sakin bago niya ako iniwang mag-isa sa sala. At wala pang limang minuto ay nakabalik na siya, dala ang isang basong tubig na hiningi ko. Ngumiti ako at nagpasalamat.

"So, kumusta naman ang klase mo?" Hindi ako sanay na si Damon yung nagtatanong sakin, o yung nag-oopen up ng topic na pwede naming pag-usapan. Kaya naman ng magkwento ako sa kanya kung anong nangyari sa araw ko, ibinigay ko na yata yung best ko.

"Sinadya akong tapunan ng tubig nung isang classmate kong babae kanina."

Nahuli ko si Damon na ngumiti, yung parang nagpipigil sa pagtawa? Ito yung kauna-unahang araw na nakita ko siyang ngumiti ulit. "Kaya pala ganyan ang itsura ng damit mo." Sabi niya.

"Natuyo na lang kasi yan sa hangin." Saka ko bahagyang pinagpagan ang bahagi ng damit ko na nabasa.

"Anong ginawa mo dun sa babae? Sinampal mo ba?"

"Sampal agad?" Medyo ikinagulat ko ang tanong niya pero siguro ganon talaga ang mga lalaki, initial reaction na nila yung manapak agad. "Hindi naman ako marunong makipag-away. Ayoko kasi ng gulo."

"What's the reason?" Tipid niyang tanong sakin.

"Ikaw."

Hindi siya nagsalita. Tumayo siya at lumakad malapit sa hagdanan. "Magbihis ka. Ang dumi mo."

"Saan ako magbibihis?"

"Kung gusto mo ditto sa living room, okay lang."

Inirapan ko siya. Akala ko maayos ko na siyang makakausap. Medyo bastos pa rin pala.

Ibinaba ko ang baso ng tubig na hawak-hawak ko at lumapit ako sa kanya. Nang makalapit na ako ay bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Para akong nakuryente kaya agad ko iyong hinila.

Muli, ngumiti siya.

"Alalayan lang kita. Hindi nakakabuntis yon." Sabi niya sakin.

"E-ewan ko sa'yo. Kaya kong umakyat ng hagdan kahit hindi mo hawakan ang kamay ko." Sobrang nakakakaba pala kapag hinawakan ng taong mahal mo ang kamay mo. Nakakapaso.

"Okay." Tapos nauna na siyang umakyat sakin. Sumunod ako.

Nakakalimang hakbang pa lang ako sa hagdan ng bigla akong natalisod. Dahilan para mahulog ako mula sa ikalimang baitang ng hagdanan hanggang sa ibaba. Ewan ko ba! Kung kailan nagtatapang-tapangan ka, tsaka ka naman nagmumukhang tanga. Nakakainis!

Nakita ko na lang na tumatakbo si Damon palapit sakin. "Shit!" Salubong ang kilay niya habang inaalalayan akong tumayo. "Ang tigas kasi ng ulo mo eh!" Pagkasabi niya noon ay bigla na lang niya akong binuhat.

"I-ibaba mo 'ko!" Hindi ko alam kung utos ba yon para sa kanya o pakiusap. Oo, gusto ko siya at gusto ko 'to pero mamatay ako dahil hindi na ako makahinga. Ang hirap huminga kapag sobrang lapit sa akin ni Damon.

"Eh kung inihuhulog na lang kaya kita? Wag kang malikot! Mahuhulog tayo pareho!"

Tumahimik ako.

Nang makarating kami sa taas ng bahay ay pumasok kami sa isang malaking silid. Dahan-dahan niya akong inilapag sa kama.

Lumuhod si Damon.

Yumuko.

Kinuha ang paa ko at hinilot.

Napangiti ako habang pinagmamasdan ko siya. Then something caught my attention. May napansin akong maliwanag sa kanang kamay niya.

Tinitigan ko yung mabuti pero hindi ko makita kung saan nanggagaling yung liwanag.

"Hoy."

Siguro mga isang milyong beses ko dapat ipaalala sa kanya na hindi hoy ang pangalan ko para lang tumigil siya sa kaka-hoy sakin.

"Dito ka lang. Kukuha ako ng damit mo."

Lumabas siya ng silid pagkatapos ay bumalik siya na may dala-dalang damit. Pero sa halip na iabot niya sa akin iyon ng maayos ay inihagis niya iyon sa akin. "Magbihis ka na. Dito lang ako sa labas." Saka niya isinarado ang pintuan.

Nakapagpalit ako ng damit. Lalabas na sana ako ng marinig ko ang pag-vibrate ng phone ni Damon. Naiwan niya pala ang phone niya sa side table ng kama.

Kurt calling ...

"Damon!" Tinawag ko siya. Agad namang bumukas ang pintuan.

"What?"

Itinuro ko ang phone niya. Kinuha niya iyon saka siya muling lumabas ng silid sabay hila ng pintuan. I tried to follow him and open the door pero naka-lock yon sa labas.

Bakit ganoon na lamang ang reaksiyon niya sa tawag na 'yon?

Maya-maya'y bumukas muli ang pintuan.

"We have to go." Sabi niya.

"Ha? Bakit?"

"Basta."

Hindi ko alam kung bakit kailangan naming umalis. Ang alam ko lang kailangan kong magtiwala sa kanya. After all, siya naman ang dahilan ng lahat kung bakit ko ginagawa ang lahat ng 'to. I know, time will come na maiintindihan ko rin ang lahat. Maiintindihan ko rin si Damon.

Dinala niya ako sa isang restaurant na ilang kilometro rin ang layo mula sa kanila. "Alam kong gutom ka na." Sabi niya bago niya pinatay ang makina ng kotse.

Bumaba siya at saka siya umikot sa side ko upang alalayan akong bumaba ng sasakyan.

Pumasok kami sa restaurant at naupo sa pinakadulong table. Pipigilan pa sana siya ng isa sa mga crew kasi reserved ang table na tinungo namin pero hindi siya pinansin ni Damon.

"May problema ba?" Tanong ko sa kanya. Sa itsura pa lang kasi ng pagmumukha niya alam kong may problema.

"Wala."

"Pwede mo namang sabihin sakin kung may problema eh."

Walang anu-ano'y tinapik niya ang table. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya, halos masira na kasi ito.

Nagtingin ang mga tao sa paligid namin but Damon didn't give a damn.

"Kumain ka na." Medyo mahinahon niyang sabi sakin.

Dati, kapag galit siya – galit talaga siya. Hindi siya kikibo o magsasalita. Pero ngayon, nakikita kong sinusubukan niyang pigilan ang galit niya. Hindi ko alam kung parte ba yon ng agreement namin o talagang sinusubukan niyang magbago.  

The Devil's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon