CHAPTER THIRTY-NINE

10.7K 216 77
                                    

[KATHY’S POV]

Okay na ang lahat.

Bumalik na ang ala-ala ni Damon.

Bumalik na ang nararamdaman niya para sakin.

Meron na siyang normal na buhay, dahil isa na siyang tao.

Kami ni Sthep, back to normal na din.

Isa lang naman ang nawala sa ayos.

Isa lang ang hindi normal.

Iyon ay ang pagiging demonyo ko.

“Mukhang malalim ang iniisip nang prinsesa ko ah?”

Nakipagkita ako kay Erick. Masyado pa kasing mabigat ang sitwasyon para pag-usapan namin ni Damon ang pagiging demonyo ko.

“Mahirap ba?” Tanong ko sa kanya.

Naisip ko bigla, kung si Erick nga nagawang makipagkasundo sa itim na anino para lang mahalin ko ... ako pa ba? Ako pa na alam ko namang mahal ako nang taong pag-aalayan ko nang buhay ko.

Naisip ko – hindi mali ang ginawa ko.

Ginawa ko lang ang alam kong tama.

Hindi para sakin, kundi para sa lahat.

In some ways, being a devil helped me a lot. Una, nasabi ko ang gusto kong sabihin sa mga taong pinagkimkiman ko nang sama nang loob. Hindi naman siguro masamang makasakit ka nang damdamin nang ibang tao lalo na kung totoo at makakagaan naman iyon nang pakiramdam mo. And besides, alam kong maiintindihan at naiintindihan nila ako. Pangalawa, kahit paano naranansan ko ang mga bagay na kahit minsan ay hindi ko naransan sa buong buhay ko. Katulad nang mga nang-aapi at minamaliit ako. I’ve gained their respect. All my life, wala na akong ginawa kundi matakot at umiyak. Pero dahil sa anim na kasalanan, natutunan kong matagpuan ang tapang ko. Natutunan kong lumaban.

“Mahirap. Sa simula, nakakapanibago.” Inabutan niya ako ng inumin. “Ikaw, kumusta ka? Kumusta yan?” Sabay tingin siya sa kanang kamay ko.

“Okay lang. Okay lang ako.” Pagsisinungaling ko.

“Hindi ka ba nahihirapang mag-adjust?”

“Hindi.”

Pero ang totoo’y nahihirapan na ako.

Nahihirapan ako sa sitwasyon.

Kung dati kasi, ako ang pinoprotektahan ni Damon ... ngayon, responsibilidad ko na ang protektahan siya. Sa itim na anino at pati na rin kay Erick. Ngayon, ako naman ang gagawa nang mga bagay na ginagawa niya noon.

Ako na.

Ang tanong ko lang, kaya ko kaya?

“Bakit mo ba kasi ginawa yun? Bakit kailangan mong ialay ang sarili mo para lang sa taong yun? Ano bang mapapala mo kung maalala ka niya? Sa ginawa mong yan Kathy ... hindi pa rin kayo magiging masaya. Alam mo kung bakit?”

“Bakit?”

“Kasi nandito ako. At hanggang nandito ako ... hindi ko kayo hahayaang maging masaya. Hindi ko hahayaang mapunta ka sa kanya. Kasi sa akin ka Kathy. Sa akin ka.”

Walang kagatul-gatol na sinabi ni Erick iyon sa pagmumukha ko. Katulad ko ay desperado din siya. Desperado din siyang makuha ang pag-ibig na inaakala niya ay para sa kanya.

Kung ako nga hindi sumuko ... siya pa kaya?

“Please Erick ... tama na. Ano din ba ang mapapala mo kung sa’yo ako mapunta?” Halos nagmamakaawa na ang tono nang pananalita ko. Gusto kong ipaintindi sa kanya na mali na ang mga ginagawa niya at mga balak pa niyang gawin. Pero mukhang mahihirapan ako. Dahil ang isang taong bulag sa pag-ibig ay hindi marunong makinig at hindi rin nakakakita ng tama o mali.

The Devil's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon