CHAPTER THIRTY-EIGHT

10.6K 198 60
                                    

[JULIA’S POV]

Almost 3 months kong nakasama si Damon. At sa loob nang halos tatlong buwan na iyon, naging masaya ako. Kahit paano ay nakasama ko siya nang hindi niya naaalala si Kathy – nang ako lang ang naaalala niya. Gustuhin ko mang maging permanente iyon pero ... hindi maaari. Dahil katulad ko ay gagawin rin ni Kathy ang lahat para kay Damon.

Okay na sana ang lahat ...

Hanggang isang araw ay nagising na lamang ako mula sa isang magandang panaginip – isang magandang panaginip na akala ko ay hindi na kailanman magwawakas.

“Magpahinga ka na muna kung sumasakit ang ulo mo.” Sabi ko kay Damon.

“Are you sure?” Tanong niya sakin. Inaaya ko kasi siyang mamili para sa birthday ko. Simula kasi nung mawala ako sa tabi niya, ngayon ko lang ise-celebrate ang birthday ko na kasama siya.

Ngumiti ako. “Yeah – it’s okay with me. Go and get some rest.” Hinalikan ko siya sa pisngi.

Hindi ko napigilan ang sarili kong hindi lumuha. Pinilit kong pigilin iyon pero hindi ko nagawa eh. Nakita pa rin iyon ni Damon.

“Is there something wrong?”

Umiling ako. “W-wala ‘to. Don’t mind me.”

Hinawakan ko ang mga kamay niya at inihaplos iyon sa aking pisngi. Pinilit kong ngumiti. “You know that I love you ... right?”

Ngunit hindi siya sumagot. Nanatili akong nakangiti.

“Pwede mo bang sabihing mahal mo ako? Kahit ngayon lang?” Pakiusap ko sa kanya.

“I love you.”

Hindi ko na napigilang umiyak. Para akong isang batang inagawan nang pinakapaboritong laruan. Hindi ko kayang mawala si Damon pero kailangan ko siyang bitawan. Hindi dahil mahal ko siya o may mahal na siyang iba. Kundi dahil alam ko, na hindi na ako ang taong makakapagpasaya sa kanya. Hindi ako ang taong para sa kanya.

Sobrang hirap.

Hindi ko siya minahal nang sobra-sobra para lamang ibigay sa ibang babae. Pero anong magagawa ko? Kung impyerno nga hindi sila kayang hadlangan ... ako pa kayang isang tao?

“You know what? That was the sweetest thing I’ve heard from you. Ilang beses ko bang narinig yon? Nung high school tayo, almost everyday. Every second pa nga yata ... damang-dama ko ‘yon noon Damon. At ako ang pinakamasayang babae noon. Hindi dahil sakin ka. Hindi dahil mahal mo ako. Kundi dahil, napapasaya kita. Mahal mo pa rin naman ako kahit bilang kaibigan hindi ba?”

Tumingin siya sakin nang diretso. “Anong nangyayari sa’yo? May sakit ka ba? M-mahal naman kita ah.”

Alam mo kung anong masakit sa salitang ‘mahal kita’? Yun ay kapag sinasabi yon sa’yo nang taong mahal mo kahit alam na alam mo sa sarili mong iba ang mahal niya.

Masakit.

Sobrang sakit.

“Good. And I love you too ... so much. I love you most. I love everything about you. I love your smell, your lips, your eyes. I love every part of you and every pieces of you. Sobrang mahal kita Damon. If there is one thing in this world that I would like to have for the rest of my life? It would be you – only you. Kahit mawala na lahat sa akin. I would do anything just to see you happy. Kahit na ... kahit na ba hindi ako ang dahilan nang mga ngiti mo – ayos lang! Basta makita kitang masaya ... masayang-masaya na din ako para sa’yo.”

“W-why are you saying this to me? Are you breaking up with me?”

“Hindi. Gusto ko lang sabihin yon sa’yo. Gusto ko lang marinig mo yun mula sakin.”

The Devil's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon