CHAPTER FIVE

650 19 2
                                    

[DANIEL'S POV]

Paulit-ulit kong itinatanong sa sarili ko kung bakit ko nasabi ang mga bagay na yon kay Kathy. I mean, I want to save her from dying by staying away from her. Pero anong ginawa ko? I made her stay. Ang laki tuloy ng problema ko ngayon.

"Damn!" Sabay hampas ko sa manibela ng kotse ko.

"Master ..." Walang anu-ano'y biglang may makapal na usok na lumabas mula sa aircon ng kotse. At unti-unti, naging hugis tao ito na nakaupo sa front seat. "Hindi mo kailangang mag-alala. Ano lang ba ang buhay ng babaeng yon kumpara sa buhay ni Julia?"

Hindi ako nagsalita. Ano ba ang pagkakaiba ni Julia kay Kathy? Ano bang pagkakaiba ng babaeng minahal ko ng limang taon sa babaeng halos hindi ko pa nga masyadong kilala? Wala. Wala dahil wala na akong maramdaman. I don't know how to differentiate love from hate anymore. For me, everything is just the same. Pero dahil alam kong maraming pangarap si Julia para sa sarili niya at sa kanyang pamilya, gusto ko siyang ibalik.

"Simple lang naman ang hiniling ng itim na anino. Ang lumayo ka sa mga taong pwedeng maka-impluwensiya sa'yo sa pagiging masama. Kasi kung hindi, alam mo na ang pwedeng mangyari."

I pull the sleeve of my jacket. I stared at this thing we call – the devil star. It looks like a tattoo but it's not. It glows and it hurts whenever I do something good or whenever I feel something I shouldn't feel. Tulad kanina, nung hinabol ko si Kathy at humingi ako ng tawad. It hurts as hell.

"Kaya naman bago pa mangyari yon, nakaisip na ng ibang paraan ang itim na anino. You know, you can't escape death and so as your Father." Patuloy pa rin na pagsasalita ni Kurt.

"What do you mean?" Tanong ko sa kanya.

"He asked me to tell you that he wants Kathy down there, in exchange for Julia's soul." Sabay tawa nito ng malakas. Mas malakas pa yata sa wangwang ng ambulansiya. Nakakabingi.

"Ano pa ba ang gusto niya? Di ba't may kasunduan na kami? Ako ang kapalit ng kaluluwa ni Julia! Ako ang kapalit para maging tao siya, di ba?"

"Kung hari nga pwedeng mag-bend ng rules ... tatay mo pa kaya." Nakangisi niyang sabi sakin.

"Bakit kailangang si Kathy pa? Bakit? Hindi ba kayo naaawa-" Biglang kumirot ang markang iyon sa kamay ko. Halos mawalan ako ng ulirat habang tumitindi ang sakit.

"Master, ang katulad mo hindi maaring maramdaman ang ganyang emosyon." Pagkasabi niya noo'y biglang siyang naglaho. Hinimas ko ang kamay ko.

Alam kong mahirap paniwalaan ang mga nangyayari sakin. Kahit ako, hindi ko naisip na magiging ganito lahat. Maayos naman ang lahat dati. Lahat-lahat noong nandito pa Julia. Noong hindi pa nawawala ang mga taong mahahalaga sa akin dati.

"Damon, saan ka mag-aaral after ng graduation natin?" Tanong ni Julia.

"Ako? Tinatanong pa ba yun? Eh di sa school kung saan nandun ka."

Ngumiti siya. Siya na yata ang babaeng nakilala ko na may pinakamagandang ngiti sa lahat. Ngiti pa lang kasi niya – sumasaya na ko.

"Nakakainis ka naman eh! Yung totoo!"

"Totoo naman yun ah ... gusto ko sa school na makakasama kita. Kahit magkaiba tayo ng kurso ... gusto ko, ganun pa din sa dati – sabay tayong kakain, sabay tayong uuwi. Ayoko kasing sayangin ang oras ... gusto ko bawat oras kasama kita."

Natahimik siya.

"Oh bakit? Ayaw mo ba?"

"Hindi naman ... natatakot lang ako."

The Devil's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon