CHAPTER NINE

20.1K 233 51
                                    

[DAMON'S POV]

"Anong ginawa mo Damon?!" Hindi ko alam kung bakit galit na galit ako sa sarili ko. She needs to die. Pero bakit parang ayoko? Bakit parang hindi ko kaya?

Bigla akong nakaramdam ng takot kanina nung muntikan na siyang masagasaan ng bus. Bigla akong nag-alala sa kanya. Bigla akong nakaramdam ng galit. Galit, dahil alam kong hindi iyon aksidente.

"Ahh!" Biglang kumirot na naman ang devil star sa kamay ko. May nagawa, inisip o nasabi na naman yata akong taliwas sa kagustuhan ng itim na anino.

"Master..." Mula sa kung saan ay sumulpot na naman si Kurt. At dahil sa halu-halong emosyon na nararamdaman ko, patakbong lumapit ako sa kanya at agad ko siyang sinakal at isinandal sa pader.

I was about to break his damn neck pero parang may biglang pumigil sakin na gawin iyon.

Binitawan ko siya.

"Bakit mo ginawa yon?!" Singhal ko sa kanya.

Ngumisi lang si Kurt sa akin.

"Magsalita ka!"

"Ang alin Master? Yung tumawid na aso? O yung kaskaserong driver?" Saka ito bumulanghit ng tawa. "Habang pinoprotektahan mo ang babaeng yun ... lalo lang siyang mapapahamak."

"Hindi ko siya pinoprotektahan!"

"Aminin mo man o hindi Master, hindi mo maitatago ang pag-aalala mo sa babaeng yon."

Isang malakas na suntok ang isinagot ko sa sinabing iyon ni Kurt.

"AHHHHHH!" Bigla akong napahawak sa kamay kong may marka. Parang sinusunog iyon sa sobrang sakit. Napayuko ako.

"Ano kayang sasabihin ni Kathy kapag nalaman niya ang totoo?"

"SHUT UP!"

"No – you shut up! Listen to me Damon ... HINDI KA PWEDENG MAGMAHAL! Dahil isa kang DEMONYO"

Pagkasabi ni Kurt ng salitang yon ay biglang umapoy ang markang yon sa

kanang kamay ko. Napasigaw ako sa sobrang sakit. Hindi lang yon ang parteng nasusunog, pakiramdam ko pati kaluluwa ko nasusunog na rin.

"AHHHHHHHHH! Ayoko naaaaaaaaaaaaaa!"

Hanggang kailan ba ako pahihirapan nito?

"Iiwan muna kita Master. At sana sa pagbalik ko, alam mo na ang dapat at hindi mo dapat gawin."

Unti-unti siyang naglaho.

Gumapang ako habang humihingal. Kinailangan ko pang humawak sa upuan bago tuluyang nakatayo.

I need to see Kathy. I need to find her.

[KATHY'S POV]

Nakita ko na lang ang sarili ko sa kalagitnaan ng napakaraming tao. Maraming nanunuod, nagaabang sa mga grupong magpeperform.

Unti-unti na akong naiinip. Hanggang sa nagsalita ang moderator. Medyo nabuhayan ako ng dugo. Lalo na nang nagsimulang magperform ang bawat grupo.

Ilang grupo pa ang nagperform hanggang sa nagsimulang tumugtog yung Teach me how to dougie.

Napalunok ako ng makita ko si Erick kasama ang grupo niya. Lalo na nang magsimula siyang sumayaw. Napanganga na lang ako.

Panandalian kong nakalimutan si Damon. Sa mga oras na to, ang tanging nakikita at naiisip ko lang ay si Erick. Ang galling-galing niyang sumayaw! No wonder why these girls are screaming their heart out.

"Go Erick!"

"I love you Erick!"

Then I just found myself smiling.

Bago natapos ang sayaw ay lumapit si Erick sakin. Pagkatapos ay iniabot niya ang isang rosas na kanina pa pala nakatago sa likuran niya. Pawisan siya pero nakangiti siya sakin.

Ngumiti rin ako sa kanya bago ko yon tinanggap.

Parang nanalo na rin ako nang manalo ang grupo nila Erick. Hindi na mawala ang mga ngiti sa labi ko. Then I suddenly realized, pwede naman pala akong maging masaya.

"Nag-enjoy ka ba?" Nakangiti niyang tanong sakin.

"Oo naman." Ewan ko ba. Hindi ko mapigilan ang mga ngiti ko. "Water?" Alok ko sa kanya.

Kinuha niya ang bottled water na inalok ko saka siya uminom.

"Let's go. I'll take you home."

Hindi ko na namalayan pa ang oras. Hatinggabi na pala. Masyado na yata akong nalunod sa mga nangyari ngayong araw para hindi na mapansin ang oras. And I don't regret being with Erick tonight.

"Kathy!"

Lumingon ako. Kahit malayo ay kitang-kita ko ang facial expression ni Damon. Galit siya.

"Let's go home!" Ma-awtoridad niyang sabi sakin sabay hila sa kamay ko.

Pero natigilan siya nang hindi ako binitawan ni Erick.

"You're hurting her." Sabi ni Erick kay Damon.

"Wala kang pakialam."

Nagpalitan ang tingin ko sa kanilang dalawa.

"Ako ang kasama ni Kathy. Ako ang maghahatid sa kanya." Pagmamatigas ni Erick.

Kagat-labing umiwas ng tingin si Damon kay Erick saka muli niyang ibinaling ang tingin niya ditto. "I don't care." Saka niya ako bahagyang hinila.

"TAMA NA!" Buong lakas kong hinila ang magkabilang kamay ko mula sa pagkakahawak nilang dalawa. "Uuwi akong mag-isa!"

Tumingin ako sa kanilang dalawa ng masama bago ako tuluyang lumakad palayo.

Nang marating ko ang kalsada upang mag-abang ng masasakyang taxi pauwi ay saka lamang ako nakahinga ng maluwag. Buti na lang hindi nila ako parehong sinundan.

Hindi ko alam kung paano nalaman ni Damon kung nasaan ako. Hindi ko din alam kung bakit parang bigla akong napagod na maging sunud-sunuran sa kanya. Ang alam ko lang, gusto kong bigyan ang sarili ko ng chance na maging masaya. Gusto kong pahalagahan ng isang tao. Gusto kong itrato ako na parang isang prinsesa at hindi isang basura.

Nang makauwi ako sa boarding house ay agad akong dumiretso sa kama. Sobrang nakakapagod ang araw na 'to. Gusto kong magpahinga muna saglit bago magpalit ng damit at matulog.

Pipikit na sana ako ng may marinig akong kaluskos sa bintana. Hindi ko na sana papansin yon pero bigla iyong lumakas. Tumayo ako at lakas loob na sinilip ang pinanggagalingan ng kaluskos.

Nakita ko ang isang lalaki. Hindi ko na napansin kung ano ang ginagawa niya o kung paanong nakaakyat siya sa bintana ng kwarto ko. Dahil halos magkandarapa ako sa paglayo at pagbalik sa kama ko.

Kinuha ako ang phone ko at agad na tinawagan si Sthep. Pero hindi ito sumasagot.

Hanggang sa nakita ko ang lalaki na dahan-dahang pumapasok sa kwarto ko mula sa bintana.

"Lumayo ka sakin!" Napapikit na lang ako sa takot.

"It's me – Damon."

I slowly opened my eyes. And then I saw him, standing right in front of me.

Binato ko siya ng unan. "Nakakainis ka!" Mangiyak-ngiyak kong sabi. "Ano bang ginagawa mo ditto?!"

"I just want to make sure that you're safe."

Nung mga oras na yon – tumigil ang lahat ng bagay. Tumigil ang mundo ko sa pag-ikot, ang orasan, ang hangin ... ang tibok ng puso ko.

Bigla akong nawalan ng malay.

d

The Devil's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon