CHAPTER THIRTEEN

19K 229 39
                                    

[DAMON'S POV]

"Kathy ..." Pabulong kong tawag sa pangalan niya. "... I know that this is wrong and stupid. Gusto lang kitang makita. Hindi ako kuntentong titigan ka lang mula sa malayo kapag nasa school tayo. And you should've seen your face when you're trying to hide your eyes from me."

I was talking to her while she was peacefully sleeping. Ilang beses ko na bang ginagawa 'to? Almost one week na yata.

This became my favorite place every night. Makita ko lang si Kathy na ligtas at maayos na natutulog, masaya na 'ko.

My devil star hurts as hell but I don't give a damn. It was nothing compared to Kathy's smile when she's with Erick. And it hurts me even more to think that I was the one who could've make her happy but I made her miserable instead.

"Hmmmm..." Bahagyang umungol si Kathy. Magigising na naman yata siya. That damn magazine is so accurate. How did they know that someone could stare at you at night while you were asleep?

Umikot si Kathy sa kabilang bahagi ng kama.

"I guess I have to go. You need more time to rest." Dahan-dahan akong yumuko at hinalikan siya sa pisngi. "Goodnight my queen."

Walang anu-ano'y biglang dumilat ang mga mata niya. At kung gaano kabilis yon ay ganoon din ako kabilis na naglaho sa silid niya.



Nakangiti akong nakabalik sa mansiyon.

Ngayon alam ko na ulit kung ano ang pagmamahal. It was a sacrifice. I can give her the power to destroy me or let me rephrase that, I gave her the power to destroy me. And that's exactly what she just did.

"Saan ka galing?" Tanong ni Kurt na hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala.

"Nagpahangin lang."

"Hindi nga ikakaila, demonyo ka nga." He replied.

Napangiti ako. "And I love being a devil."

Pagkasabi ko noon ay biglang nilamon ang buong paligid ng liwanag. Liwanag na nakakasilaw. Halos hindi namin maimulat ni Kurt ang mga mata namin.

Nang unti-unting mawala ang liwanag na yon ay isang imahe ng tao ang unti-unting nabubuo sa hangin. Then all of a sudden, there was Erick. He was standing right in front of us.

"Hindi ko ginustong pumunta ditto ng walang permiso, pero hindi ko rin gusto ang ginagawa mo Damon." Agad niyang sabi.

Bahagya akong ngumiti.

"I'm not in the mood to argue with you Erick."

Dahan-dahan siyang lumapit sakin. Sumenyas ako kay Kurt na hayaan niyang makalapit si Erick sakin.

Kasingbilis ng kidlat ang mga sumunod na nangyari. Bigla na lamang lumapat ang kamao ni Erick sa mukha ko. Halos umikot ang ulo ko sa lakas ng suntok na yon.

Hindi ako lumaban. "Nakakaselos ba ang pagiging demonyo ko?" Tumawa ako ng malakas.

Muli, nakatanggap na naman ako ng suntok mula sa kanya. Mas masakit iyon kaysa sa una pero hindi ko ininda iyon.

"Stay away from her! Let her live a normal life!" Halos lumuwa ang lalamunan ni Erick sa pagsigaw sa akin. Nakalimutan yata niyang nasa teritoryo ko siya. At ditto, di hamak na mas malakas ako kaysa sa kanya.

"Kahit patayin mo ako ngayon, hinding-hindi ko lalayuan si Kathy. Paano ko pa maibabalik si Julia kung bibitawan ko siya?" Pang-aasar ko. I want to bring the best out of him. Even angels get pissed off.

The Devil's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon