Epilogue

21.6K 398 190
                                    


Epilogue: The Final Message and Saying good bye.

Aubrey's POV

Paglabas ko ng bahay, pumaloob sa aking isipan kung paano o ano ba ang ipinaparating ng bawat nangyayari at maging ang sulat na iyon.

Hindi ko alam kung bakit ko nararamdaman ang kalungkutan sa mga oras na ito, pero ang nasa isip kong dahilan nito ay si Teylan. Pakiramdam ko—. 

Umiling ako atsaka ngumiti ng mapait, pinipilit ko naman kasi kalimutan si Teylan eh. Pero bakit gano'n, bakit?

Bakit ba ako nagiinarte, ang aga-aga?! Huminga ako ng malalim atsaka inilabas ang kung ano mang itong mabigat na nakadagan sa dibdib ko.

Pagkarating namin sa office ni Darryll, para akong nawalan ng lakas nang nakita ko si Teylan.

THIRD PERSON'S POV

[ INSERT NIYAO DE AI, METEOR GARDEN 2001 OST ]

Dumapo ang mga mata ni Teylan kay Aubrey, na mas lalong nagpatigil sa sistema ng dalaga. Parang may tumutusok na kung ano sa puso niya na hindi niya mawari kung ito ba ay pagkasumamo o pagkalungkot.

Hindi nito mawari kung ano ba ang dapat maramdaman kay Teylan. Hindi nito namalayan na tumulo na lamang ang luha niya sa kakatitig kay Teylan. Umiwas ng tingin si Teylan at mabilis na bumalik sa ginagawa.

Naglakad si Aubrey sa kaniyang upuan habang hinahayaan pa rin ang mga luhang bumuhos. Pinipilit niyang hindi maiyak pero sa kasamaang palad, hindi niya na ito kinaya.

Hindi niya alam pero bigla siyang napatingin kay Teylan at pinipilit niyang ngumiti sa lalaki. Gusto niya sanang sabihin na namimiss na niya ang lalaki ngunit naisip niya na, sasabihin din ba ni Teylan na 'I miss you too?' o mananatili itong nakatikom ang bibig at hahayaan na lamang si Aubrey.

Pinunasan ni Aubrey ang kaniyang luha at tumango-tango, sa pagiintindi na magiging maayos din ang lahat. Magiging masaya rin siya at si Teylan.......ngunit sa ibang babae.

She believes, happiness isn't something you find. It is a feeling that you must create upon yourself, it's either you'll create it by yourself or you'll create it with the help of the other people.

Nang pumatak na ang lunch nila, bigla nalang siyang hinila ni Teylan papalabas ng office at dinala sa pinaka hindi mataong parte ng building nila.

"Anong problema?" nakangiting saad ni Aubrey na parang wala siyang nararamdamang sakit sa kaniyang puso.

Nanatiling nakatuon ang titig ng binata sa dalaga. Kung iisipin, titig palang ni Teylan ay nakakabaliw na para kay Aubrey ngunit, mas pinipili niyang pagmasdan ang mga magagandang mata nito kaysa malungkot.

"Volim te i nedostajat cu vam. čuvaj se." sabi ng binata sa linguaheng Bosnian.

Niyakap ni Teylan si Aubrey at hinalikan ito ng matagal na matagal.

Nagtaka ang dalaga dahil hindi niya ito naintindihan kung ano ba ang sinasabi ng binata. Pero ang nasa isip lamang ng binata ay hindi niya alam kung paano at paano na.

Ngumiti siya sa dalaga at iniwan si Aubrey ro'n na nakatulala, iniisip kung ano nga ba ang kaniyang sinabi.

Walang buhay na tinahak ng dalaga papalabas sa kwartong iyon at dumiretso sa office.

"Pinapabigay ng Teylan na iyon, binasa ko konti." sabi ni Darryll kay Aubrey.

Tumingin si Aubrey sa isang sobreng mukhang naglalaman ng isang sulat. Napakunot ng noo si Aubrey ng noo at iniabot ang sulat.

Dahan-dahan niya itong binuklat.

Hi Aubrey! Unang-una, gusto kong malaman mo kung gaano kita kamahal. Kung gaano kahirap sa'kin na ibigay ka sa ibang lalaki, siguro iniisip mo na napakasama ko? Alam ko, napaka makasarili ko at hindi kita iniisip pero alam kong matatapos din ang lahat. Hindi man ako ang lalaking para sa'yo, atleast naiparamdam ko sa'yo kung gaano ka ka-spesyal na babae para sa'kin. Gusto na kitang pakasalan pero nang lumiwanag sa nakikita ko ang mangyayari, mas pinili ko nalang na magparaya. Hindi ko alam kung maiitindihan mo ba ang mangyayari pero mas maganda kung hindi mo na aalamin dahil ayoko! Bleh!

Tey-lan.

Iniwan ng tanong na 'Anong nangyayari?' si Aubrey. Tumingin si Aubrey kay Darryll na magsalita ito.

"Nasa isang madesyertong lugar si Teylan at nasa harapan niya ang isang lalaking mukhang hindi tao." sabi ni Darryll at bahagyang ngumiti.

"Dalhin mo ako ro'n." sabi ni Aubrey.

Pumikit ang dalaga at hinawakan ni Darryll ang noo niya. Pagkadilat niya ay kitang kita niya na si Teylan.

"Huwag mo ng idamay ang kapatid ko, bobo ka ba o sadiyang duwag ka lang talaga?" sabi ni Teylan.

"Ayon sa propesiya, itinakdang mawala lahat ng mga Jhirebivc." sabi ng kausap niya na hindi mawari kung ano nga ba ito.

Ang Jhirebivc ay mga kalahating lahi at hindi pure vampire.

"Pero dahil mukhang bampira na ang iyong kapatid, mukhang ikaw nalang? Kapag hindi nasunod ang propesiya, mawawasak ang buong pamilya mo kahit nasa kabilang buhay na. I guess you know that." sabi nito at tumawa.

"Paano pag napatay kita?—" sabi ni Teylan ngunit napatigil siya nang mabilis na kumilos ang lalaking nasa harap niya ay tinusok ang malaking espada nito mula sa tiyan ni Teylan papunta sa likuran nito.

Napatakip ng bibig si Aubrey, unti-unti siyang sumigaw. "Teylan!" sabi nito at humahagulgol na umiiyak.

Mabilis na sinakal ni Aubrey ang lalaking ito, nang namukhaan ay napangisi ito.

"Ikaw pala, Wade." sabi ni Aubrey at puti ang dalawang mata maging ang mga kamay nito.

Pumapaloob ang puting aura sa buong katawan ni Aubrey at halos hindi mo na siya makikilala dahil sa itsura niya.

Sasaksakin na sana ni Wade si Aubrey ngunit, biglang napatigil ito dahil sa kapangyarihan na binibigay ni Darryll.

Tinititigan lang nito ang espada ngunit nananatili itong nakatigil. Mabilis na pumunta si Darryll kay Wade at hinila ang ulo nito.

Wala pang isang minuto, natalo na ni Darryll si Wade. Dahil nakasaad sa propesiya na mamatay si Teylan, kahit na malakas ito kinakailangan niyang mamatay.

Everyone that were born as Jhirebivc has the fate of dying and their lives will be worthless because they are not pure.

Ngumiti si Teylan hanggang sa unti-unti ng sumarado ang mga mata nito.

Ang huling nasa isip niya ay ang babaeng nagngangalang....

Aubrey Leona, ang babaeng minahal niya ng sobra-sobra.

___






Living With a Vampire | ✓Место, где живут истории. Откройте их для себя