LWAV 48

8.8K 333 150
                                    


Chapter 48: These three, I cannot understand them 


Aubrey's  POV 

Umirap ako sa kawalan at tinabig ang mga kamay nilang nakalahad sa'kin. "May towel akong dala sa bag ko, Hindi ko na kailangan ng towels niyo." sabi ko at pinunsan ang mukha ko gamit ang towel na kinuha ko sa bag ko.

"Pero mas kailangan mo ako." sabi ni Teylan at tumawa.

"Baka mas kailangan mo itong suntok 'ko." sabi ko at ngumiti ng peke.

"So let's eat first guys, let's go!" sabi ni Phoenix.

Inakbayan ako ni Phoenix pero bigla akong hinila ni Teylan, Iniwanan lang ni Teylan si Phoenix ng isang ngiti. 

"Uy may dumi ata kamay mo Aubrey." sabi ni Darryll at kinuha ang kamay ko kaya napatingin ako.

Bigla niya akong hinila, "Joke lang." he smiled atsaka hinawakan ang kamay ko habang naglalakad.

Napakunot ang noo ko, ano bang problema nitong mga ito? Nagco-compete ba sila tapos ako ang reward? Hinayaan ko nalang si Darryll hawakan ang kamay ko hanggang sa makarating kami sa restaurant.

"Table for four please." sabi ni Phoenix sa lalaking malapit sa door.

"Yes sir, this way." sabi niya at iginaya kami papunta sa isang pwesto na may apat na upuan.

Nauna akong umupo at nag-unahan sila sa upuan sa tabi ko. Kaya andaming tumingin kasi para silang batang nag-aagawan sa nagsaboy ng tigpi-piso.

"Ako nauna rito!" sabi ni Darryll.

"AKO!" sabi ni Phoenix.

"Ako ang mahal, kaya ako ang katabi alis!" sabat naman ni Teylan.

Napapikit ako nang madiin at huminga nang malalim. Nilipat ko ang isang upuan sa tabi ng inupuan ko kanina at ako ang na-upo ro'n sa kabila. "Kayong tatlo, upo riyan." sabi ko na parang sinasaway ang mga alaga ko....na aso joke. 

Nakasimangot silang umupo sa tatlong upuan. Pinagtabi ko silang tatlo at ako ang nasa harapan nila. "Para kayong mga bata! Ikaw Darryll, akala ko mas matured ka pa sa kuya mo pero hindi pala! Ikaw Teylan! Hindi na ako magtataka kung sasakyan mo ang mga laro nila." sabi ko at inirapan siya.

"At ikaw naman sir, Pati ba naman ikaw sir? Jusko." sabi ko at hinilot ang sintido ko,

"Sorry po." sabay-sabay nilang sabi.

"Kapag kayo ay nagkulit pa, uuwi na ako!" sabi ko at inirapan sila.

Biglang lumapit ang isang babae na may hawak na papel. "May I take your order sir, madame?" sabi niya at ngumiti.

Tumingin kami sa menu na nakahain sa amin. "Anong gusto mo?" sabay-sabay nilang sabi.

Kaya nagkatinginan kami ni ate, na-shookt ata siya sa kagandahan ko chos. 

"Ano raw gusto mo teh?" bulong niya.

"Teka lang ah." bulong ko sakaniya.

"Gusto niyo talagang umuwi ako? Pagbilang ko ng lima at hindi pa kayo nakakahanap ng order niyo aalis na ako." pagbabanta ko.

Nagmadali silang umiwas ng tingin at naghanap ng gusto nila. 

"Isa, Dalawa, Lima!" sabi ko kaya halos napasigaw silang tatlo.

"WATER NALANG!" sabay-sabay nilang sagot.

Kinagat ko ang i-babang labi ko para pigilan ang pagtawa ko, natatawa ako sa itsura nila na sobrang nagmamadali. 

Living With a Vampire | ✓Where stories live. Discover now