LWAV 59

12.2K 256 49
                                    


Chapter 59: Moved

Aubrey's POV

"Anong sinasabi mo? Kumain kana dahil babalik pa ako sa office." sabi ko at bahagyang sinamaan siya ng tingin.

"Sungit mo, may sinasabi lang ako dahil naguguluhan ako." he murmured something.

"Ano? Lakasan mo!" paghahamon ko sakaniya.

"Wala! sabi ko kumain na tayo." sabi niya habang nakasimangot.

Nang matapos kaming kumain, para akong nangisay nang maramdaman ko ang malamig na kamay ni Darryll na humawak sa kamay ko.

"Ano ba? Why are touching my hand?" sabi ko at binawi ang kamay ko.

"Pakiramdam ko kasi nahawakan ko na ito dati, parang..... aish! bakit hindi ko maalala?" sabi niya at napakamot ng ulo.

"Alam mo, huwag mo na alalahanin. Ang mahalaga ngayon is makabalik ako ng office dahil baka ma late ako." sabi ko at tinaasan siya ng kilay.

Pagka balik namin ni Darryll, parang nadikit ang mata ko kay Teylan dahil nakita ko sa mga mata niya kung gaano siya kalungkot. Alam kong may iniisip siya, pero hindi alam ni Kyla.

Bahala na sila, I will mind my own business. If that's their issue, I won't laid my interest on them. Mas gusto ko nalang na mas maging masaya kaysa malungkot atsaka andiyan naman si Darryll, I still have him.

Atleast, hindi  pa rin ako nag-iisa pero kung minsan hindi ko maramdaman na may kasama ako dahil parang bata itong si Darryll.

"Aubrey, bakit ka nakatayo lang diyan?" sabi ni Darryll.

"At nakatingin ka pa sa lalaking iyon? Ganun mo ba siya kagusto?" sabi niya pa.

"Vampires like you won't understand this kind of matter, mas maganda kung huwag kang nakiki-elam sa mga bagay-bagay 'cause you know, nakakamatay ang pagiging chismoso." I laughed and tapped his shoulder.

Bumalik na 'ko sa upuan ko at hindi ko napigilan ang pagsulyap ko muli kay Teylan.  Kinagat ko ang ibabang labi ko nang nakita kong nakatingin din pala siya.

Bakit pakiramdam ko, sobrang bigat ng nararamdaman niya? Okay lang kaya siya, baka hindi siya tinatrato ng maayos ni Kyla?

Pumatak ang uwian. Napatingin ako nang biglang tumayo si Kyla at kasunod no'n ay si Teylan.

Napatingin ako kay Darryll na mahimbing ang tulog sa gilid ng desk ko. Tumayo ako upang kausapin si Teylan.

"Teylan." sabi ko kaya napatingin silang dalawa.

Feeling niya naman siya si Teylan.

Tinaas niya ang kilay niya, "Pwede ba tayong mag-usap?" sabi ko.

Nagkatinginan si Kyla at Teylan, "No, you cannot." sabi ni Kyla at hinila si Teylan.

"Saglit lang please." sabi ko kaya napahinto sila.

Teylan sighed, dahil tumaas baba ang kaniyang likod.

"What's your concern?" sabi ni Teylan habang andito kami sa terrace.

"Okay ka lang ba? Bakit parang malungkot ka?" sabi ko.

"I'm not, may naiisip lang ako pero wala ka ng kinalaman do'n." sabi niya habang nakasuksok ang mga kamay sa bulsa ng coat niya.

"Teylan, simula pagkabata na tin magkakilala na tayo kaya huwag mo akong niloloko baka gusto mong ilaglag kita riyan." sabi ko at seryosong tinuro ang labas ng terrace.

"I am okay Aubrey, I have Kyla she comforts me. but thank you for your concern but I don't really need it." sabi niya at umalis na sa harapan ko.

Pinanuod ko ang likod nilang dalawa ni Kyla habang naglalakad papalayo sa'kin.

Huminga ako ng malalim at napatungo. Bakit pakiramdam ko makakaramdam ako ng matinding pagkalungkot?

"Anong ginagawa mo riyan, iniwanan mo pa ako? Nakakatakot naman do'n, akala ko iniwanan mo na ako." biglang sulpot ni Darryll.

Ngumiti ako, "Nag pahangin lang saglit eh, tapos iiwanan kana agad! Ikaw talagang bampira ka nababaliw ka nanaman, tara na nga umuwi na tayo." sabi ko at tumawa.

"Hindi ako baliw, baka ikaw papahangin ka sarado bintana nung terrace." sabi niya at dumila.

Ay, oo nga. Kahit saan talaga ang tanga ko, pati ang pagpiling mahalin si Teylan kahit hindi naman na ako mahal.

Naglalakad kami ni Darryll sa ilalim ng gabi, bahagyang basa pa ang daan at may iilang taong dumaraan sa aming paligid. Malamig ang simoy ng hangin, siguro'y sa kadahilanang bumuhos ang ulan kanina.

"Alam mo, huwag kang malungkot kung may umaalis sa buhay mo kasi darating talaga tayo sa puntong kailangan natin mag-isa dahil may kailangan tayong matutunan. Sabi nga nila 'di ba, kung may aalis, may darating." sabi niya at ngumiti sa kalawakan.

"Mahirap sabihin ang mga katagang iyong sinasambit sapagkat hindi lahat ng bagay ay diraan sa mabilisang paraan bagkus may mga bagay na kinakailangan mong resulbahin gamit ang oras." sabi ko.

"Okay, so hindi ko naintindihan ang sinabi mo dahil masyadong malalim." sabi niya.

Pagkarating namin sa bahay, nakaramdam ako ng kakaibang presensya. Parang may ibang tao rito na hindi dapat naandito sa—

"Say good bye." sabi ng isang lalaki at tinutukan ako ng baril sa ulo.

Narinig ko ang malakas na putok ng baril at natumba ako sa sahig, nakita ko si Teylan na nakahandusay sa sahig at may saksak sa dibdib at ang huling nakita ko ay si Darryll na ginigising ako.

"Aubrey! Aubrey!"

"Aubrey! Gumising ka!" sabi ni Darryll.

Binuksan ko ang mga mata ko at nilibot ang paningin ko. Maliwanag na at nasa kwarto na ako. "Anong nangyari kagabi atsaka bakit ka ba sumisigaw?" sabi ko.

"May ipis sa lababo!" sabi niya.

Nalukot ang mukha ko at mukhang mahahampas ko itong bampirang ito ka-aga-aga eh. "Ano ka ba? Kaya mong pumatay ng tao pero ipis lang hindi mo pa kaya." sabi ko at inirapan siya.

Kumuha ako ng tsinelas at pinatay ang ipis. "Teka, ano ba kasing nangyari kagabi?" sabi ko.

"Pagpasok natin ng bahay, nakatayo ka lang diyan sa tapat ng pinto tapos bigla kang natumba." sabi niya.

Pero paanong naging panaginip ko iyon? Tsaka totoo ang pakiramdam ko pero paanong hindi iyon nangyari?

"Pumunta ba si Teylan dito kagabi?" sabi ko.

"Hindi, hindi ko siya papasukin dahil bawala ang mga hayop dito." sabi niya at ma-awtoridad pa ang kaniyang pag kakasabi.

"Ah talaga, gusto mong pakain ko sayo 'yong ipis?" sabi ko at inirapan siya.

Nag-asikaso na ako dahil papasok pa ako, paglabas ko ng kwarto biglang may inabot sa'kin si Darryll.

"Ano ito? may pangalan mo." sabi niya.

Envelope. Paano napunta rito ang sulat ni Darryll sa'kin bago siya namatay?

"Sulat mo ito sa'kin bago ka mamatay." sabi ko.

"Pabasa." sabi niya kaya inabot ko ito sakaniya.

Habang binabasa niya palungkot nang palungkot ang mukha niya hanggang sa napatingin siya sa'kin.

"Bakit walang nakalagay?" sabi niya.

Napakunot ang noo ko, "Huh?" sabi ko at kinuha ang papel.

"Say good bye."

Napalunok ako nang mabasa ko ang mga katagang iyon. May kakaiba talaga ngayon, pakiramdam ko may ibang mangyayari nanaman.

__





Living With a Vampire | ✓Where stories live. Discover now