LWAV 50

8.1K 293 70
                                    


Chapter 50: Only

Hindi ako nakagalaw sa sinabi ni Teylan. Paanong nakita niya ang— pero hindi na rin pala ako magtataka kung babantayan niya ako. Napayuko ako at niyakap si Teylan. Tumulo nalang ang luha mula sa mga mata ko.

"Bakit ganito, just one hug. Kumakalma ang buong sistema ko?" he whispered. 

"I'm sorry Teylan." sabi ko at mas hinigpitan ang yakap ko.

Nagulat ako nang bigla niyang tinanggal ang pagkakayakap ko sa'kin. "Pumasok na tayo sa meeting room, baka mapagalitan pa tayo." sabi niya at hindi man lang tumitingin sa'kin. 

Nauna na siyang pumasok sa loob, dahil nabuksan niya na ang pinto hindi na ako nagprotesta sa ginawa niya. Pinunasan ko ang luha ko at pumasok na rin.

Pagpasok namin napangiti sa'kin si sir. 

"Good Idea, I want you and that girl to manage that cafe." sabi ni Mr. CEO

"Ako po?" sabi ko.

"Yes, sabi niya na ikaw raw ang nag-suggest ng idea na ito, so good job." sabi ko.

"Ah, thank you sir." sabi ko.

"And that boy, I want him to also manage or maybe help you." sabi niya.

Nag-bow si Teylan at ngumiti. "That's all, We will discuss later the contract." sabi ni Mr. CEO at tumayo na.

"Thank you sir." sabi ni Phoenix.

Pagkalabas nila, nagulat ako nang bigla akong yakapin ni Phoenix. "Thank you so much! Ito talaga ang pinaka-goal ko!" sabi niya at sobrang higpit nang yakap sa'kin.

"Ah..ha ha! You're welcome." sabi ko at bahagyang tinapik ang balikat niya. 

"Ah. Sorry, nadala lang ako." sabi niya at ngumiti.

"It's okay sir, alam ko namang masaya ka dahil nagawa mo iyong goal mo at sorry kanina dahil kay Teylan. May iniisip lang siya siguro." sabi ko at napakamot ng ulo.

Napatingin ako kay Teylan na sobrang lungkot ng mukha. I want to hug him gosh, pero mamaya na at sana mayakap ko siya dahil kanina hindi niya ako hinayaan na yakapin siya.

"It's okay, for now mag-enjoy nalang ulit tayo rito dahil bukas uuwi na rin tayo." sabi ko. 

Tumango ako at sabay-sabay na kaming lumabas ng meeting room. Hindi ko nga alam kung kaya kong mag-enjoy tapos si Teylan malungkot at ako pa ang dahilan kung bakit siya malungkot. 

Pagpasok namin sa room ay hinubad lang ni Teylan ang damit niya at humiga agad. Napatingin ako kay Darryll nang magsalita siya, "Ano, kamusta iyong meeting?" sabi niya at ngumiti.

"Okay naman, nakuha na ni Phoenix iyong client at mukhang mag-uusap ata sila about do'n sa contract kaya humiwalay siya sa'min ng daan." sabi ko.

"That's great, so gusto mo mag-swimming?" sabi niya pero nakatuon ang pansin ko kay Teylan.

"Ah, ayoko muna Darryll mainit pa kasi masyado." sabi ko at ngumiti.

Tumango-tango siya, "Sige I'll leave you both muna para makapag-usap." sabi niya kaya napangiti ako.

"Thank you." sabi ko.

Dahan-dahan akong naglakad papunta kay Teylan. Nakapikit lang siya at yakap-yakap ang unan ko. "Teylan?" sabi ko.

"Sorry na hmmm?" sabi ko at niyakap siya.

Nilalambing ko siya habang nakangiti. "Teylan! Sorry na please hmmmm?" sabi ko at hinalikan ang pisngi niya kaya napadilat siya at napatingin sa'kin.

"Sorry na, hmmm? Bati na tayo sige na please?" sabi ko at nagpa-cute pa.

Ginaya ko iyong napanuod ko na nagpapa-cute sila sa camera, hinalikan ko ulit ang pisngi ni Teylan at ngumiti.

Kinagat niya ang ibabang labi niya, para siyang nagpipigil ng ngiti. Dumiretso ako sa leeg niya at sinusubukan kong kilitiin siya gamit ang labi ko. 

"You're not making me smile Aubrey, you're seducing me." sabi niya kaya napa-angat ang ulo ko.

"Nagso-sorry lang naman ako kasi ayaw ko sad si Baby Teylan, hmm?" sabi ko at tumawa.

Tinitigan niya ako atsaka napangiti, napa-iwas siya nang tingin atsaka tumikhim. Naging seryoso ulit ang ekspresyon niya pero tinadtad ko siya ng kiss sa pisngi. 

"Sorry na please?" sabi ko at pinindot ang tagiliran niya kaya napa-inda siya.

"Stop it." sabi niya agad dahil mukhang alam niya na kikilitiin ko siya, shocks ang cute cute ni Teylan.

Nagulat ako nang bigla niya akong pinatungan, "Yiee, bati mo na ako?" sabi ko at bahagyang piniga ang magkabila siyang pisngi.


He gave me a smack, "The man named Teylan is the only one who can kiss you." he said and gave me a smack again. "I'm the only one you're supposed to say I love you to." he said.

He kissed me again, "The man named Teylan is the only one who is allowed to touch you." he said and kissed me once again, "And Lastly.." tinitigan niya ako ng mabuti, "You can only moan my name and It is Teylan not Darryll. If you kiss, hug, moan his name, say I love you to Darryll, I will punish you." he smirked atsaka ako hinalikan ulit. 


Living With a Vampire | ✓Where stories live. Discover now