LWAV 4

31.1K 1K 479
                                    


Chapter 4: Kuya Jewel

Aubrey's POV

Nanahimik kami ni Darryll sa isang gilid ng bahay, wala kasi kaming magawa kung hindi pakinggan ang tahimik na bahay.

Malamang ay binabasa niya lang ang nasa isip ko, dahil chismoso siya, charot lang baka mamaya awayin ako bigla.

"What's chismoso?" sabi niya at kumunot noo habang naka indian sit sa kama ko.

"Wala iyon Mr. Vampire, ang mahalaga nabubuhay tayo ng naayon sa takbo ng mundo at hindi sa kung anong takbo ng imahinasyon ng ibang tao sapagkat tayo ay nabubuhay hindi para sa sarili lamang—"

"I'm sorry, Wala akong naintindihan sa sinabi mo, para kang nag-rarap." sabi niya at nakakunot ang noo.

I laughed at umupo sa tabi niya, "Kwentuhan nalang tayo tutal wala pa naman tayong ginagawa." sabi ko.

"I don't like stories, lalo na siguro ang storya mo." sabi niya.

"Ang rude mo, sampalin kita diyan eh!" sabi ko at umirap.

Hindi niya ako sinagot dahil mukhang wala nanaman siya sa mood niya, kakaiba rin itong bampirang ito.

Pero wala rin namang pinagbago no'ng ako palang mag-isa kaysa ngayon, kasi tahimik din naman ako, at kung di kumakanta, natutulog lang ako.

Naisipan nalang namin lumabas ni Darryll kaysa malugmok sa bahay, pumunta kami sa school, at i-eenroll ko siya.

Bahala na sa school supplies, andiyan naman si Kuya Jewel, pwede naman utangan ko muna siya.

"Bakit tayo nasa school?" sabi niya at tumingin sa'kin.

"I-eenroll kita, para hindi ka mag-isa ro'n sa bahay habang nasa school ako, next week pasukan na ulit, saglit lang naman ang sem'break." sabi ko.

"Okay, just don't leave me, ayokong malayo sa'yo." sabi niya.

Hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya kung dapat ko ba iyon lagyan ng kung ano or wala.

Pumunta kami sa office at ayon inenroll ko siya, kunwari ako si Mommy Aubrey, tapos mas matangkad pa sa'kin ang anak ko.

Living With a Vampire | ✓Where stories live. Discover now