LWAV 46

9.4K 324 93
                                    


LWAV 46: Doing?

Aubrey's POV

Tinitingnan 'ko ang paligid, ito talaga ang lugar na iyon. Ito ang lugar na pinuntahan namin ni Papa, bigla ko tuloy na-miss si Papa. Kahit may nagawa siyang masama sa'kin, hindi ko parin maitatanggi sa aking sarili na mahal na mahal ko siya.

Wala namang sigurong anak na hindi nila minahal iyong anak nila 'di ba? Nasa isang restaurant kami ngayon sa isang hotel dito sa island. Maaliwalas ang paligid, maganda, at may bumalik na mga ala-ala. 

"Sobrang tulala mo ata Aubrey?" sabi ni Teylan bigla sa harapan ko.

Napatingin din si Phoenix sa'kin dahil mukhang 'kanina' pa sila nakamasid sa'kin. "Ah, wala naman. Dito lang kasi kami pumunta ni Papa noong birthday ko." sabi ko at ngumiti.

"So where's he?" sabi ni Phoenix.

"Wala na sila ni Mama." sabi ko at ngumiti ng mapait.

"Oh, I'm sorry." sabi niya.

Ngumiti lang ako. Sakto naman ay dumating na ang order namin na kare-kare  and barbecue. May weird taste ata si Phoenix at pinagsama ang kare-kare at barbecue pero mukhang masarap naman kung iisipin.

"So, ano ba talagang plano mo sir?" sabi ko kay Phoenix.

"May aalis na kasi rito na negosyante, so I am planning nga 'di ba na magtayo ng cafe." sabi niya at sumimsim ng lemonade.

"Hmmm okay, pero I think mas the best kung magtayo ka ng juice bar kaysa cafe pero pwede rin naman like starbucks for some chilling 'di ba?" sabi ko at ngumiti.

"That was fantastic idea, why don't we just combine it?" sabi niya.

"Yeah, sounds good. The more unique it is, the more customer will going to be interested." Teylan said with his baritone voice. 

"Right. Thanks for the idea Aubrey, that was brilliant." he smiled.

"It's nothing." sabi ko at ngumiti pabalik.

Nang matapos kaming kumain ay naglakad na kami papunta sa aming room. "So, sino ba ang magkasama sa room?" sabi ni Phoenix.

"Well probably kami ni Aubrey." agad na sabi ni Teylan.

"Okay, if you want to." sabi ni Phoenix at ngumiti. 

Pero dahil masungit talaga itong si Teylan, hindi niya pinansin ang ngiti ni Phoenix. Binigay na n'ya sa'min ang susi ng room namin ni Teylan.

Humiga agad ako sa kama. Nakakapagod ang biyahe, pagkarating kasi namin dito sa island kumain agad kaming tatlo. Kaya gusto ko na talagang humiga kanina pa.

Napatingin ako kay Teylan nang hinubad niya ang damit niya, napansin niya atang nakatingin ako kaya ngumiti siya. "Do you need something babe?" he chuckled.

"Anong babe?!" I cringed. 

Pagkasuot niya ng shirt ay tumabi siya sa'kin. "Bakit anong masama sa babe huh?" he laughed.

"Ang corny mo Teylan!" sigaw ko dahil cringe overload.

"Simula ngayon tatawagin na kitang babe, huh babe? Okay lang ba sa'yo?" he laughed.

Tumawa ako ng malakas dahil I cannot handle the cringe level. For Pete's sake, oh my god! Gusto kong magwala dahil sa pagtawag niya sa'kin ng paulit-ulit ng babe!

"Osige na nga babe, payag na ako." sabi ko at pinipigilan ang tawa.

"Parang napipilitan ka ata babe?" sabi niya with his husky voice.

Living With a Vampire | ✓Where stories live. Discover now