LWAV 56

7.9K 256 117
                                    


Chapter 56: Plain 

Aubrey's POV

Wala na finish na. 

Hindi na kami ni Teylan, Feeling ko may mga bagay na nawala sa'kin at hindi lang iyon maliit na bagay parang nawala ang kalahating ako. Matagal ko rin kasi nakasama si Teylan kaya nalulungkot din ako dahil aalis na siya, hindi lang sa bahay maging sa buhay ko.

Pero siguro totoo nga ang sinasabi nila na hindi lahat ng inaakala nating para sa isa't isa ay para talaga sa sa isa't isa, iyong iba pinagtagpo lang pero hindi talaga sila hanggang dulo. Mayroon namang pinagtagpo pero hindi naman naging kayo mas masakit iyon.

Minsan maiisip natin kung tatanggap pa ba tayo ng panibagong tao sa buhay natin, kung darating din naman iyong araw na iiwanan nila tayo. Pero kailangan nalang natin tanggapin na hindi lahat ng tao nananatili at walang taong gano'n, lahat umaalis kasi walang permanente sa mundo.

If a person stayed with your for a long time, it means you are important for them and that's what matters most. We don't need to look at their wrongs but instead let us look on what they did good and as much as possible give back also to let them feel that they are special. 

Hindi ba mas masaya na lahat ng tao nagkakaisa, walang riot, walang kaguluhan na nagaganap sa mundo. Pero hindi laging andiyan ang love, kailangan din nito mawala paminsan-minsan para maramdaman naman natin kung paano magalit at malungkot sa bawat nangyayari. 

Ang point is, you don't have to be perfect para lang may taong manatili. If you are important and special for them, no matter how dirty or pluperfect they will accept your flaws because that makes us a human and that's love.

Let's not define love on what we feel, let us use our mind to give the love because most of the time, when we are using our hearts to give love we are giving it on a wrong person but if we use our mind to think who deserves the love you'll give and that's thinking right. 

Pumasok ako sa office nang walang bahid na sakit sa puso, hindi man lang sumimangot or nalungkot. Bakit ka malulungkot sa isang bagay na mawawala rin? Dapat advance tayo mag-isip para hindi tayo nasasaktan at nagiging broken hearted.

Maybe my life would be plain kung iiwanan na ako ni Teylan, but what's the catch? Life will goes on anyway with or without him. Umupo ako sa desk ko at nakangiti akong hinarap ako desk ko, tinanggal ko ang mga picture namin ni Teylan at diniretso ito sa basurahan. 

Ang memories niyo ng ex mo mananatili pero hindi mangingibabaw, okay?

As of now, pinapa bantay lang naman sa'kin ni Phoenix ang cafe na pinatayo namin do'n sa may island na pinuntahan namin at maayos naman ang takbo nito. 

"Good Morning Aubrey." sabi ni Kyla at may dala pang coffee at mukhang ibibigay niya sa'kin.

"Good Morning." sabi ko and I smiled urbanely.

"Coffee?" sabi niya.

"No thank you, I don't need it. Matagal na akong gising sa katotohanan na kapag may nahanap kang ibang babae, ibe-break mo na iyong girlfriend mo and that's amazing." I said and rolled my eyes to show 'bato-bato sa langit ang matamaan guilty'. 

Tumawa lang siya, "Bakit nakipag-break sa'yo 'yong boyfriend mo?" sabi niya at umupo na.

"So nakakatawa iyon, gusto mo ako magpainom sa'yo ng kape?" sabi ko with full of sarcasm.

"Nako ikaw talaga Aubrey, palagi kang masungit tumanggap ka naman ng fresh air. Nagiging bitter kana eh." sabi niya at ngumisi.

"You know what, my business are mine and your business are yours, you have no right to intrude to my life so you better back off and mind your own fucking business." I winked with a lots of sarcasm.

Halatang natahimik siya sa sinabi ko, huwag niyang sinisira ang umaga ko at baka ma-sample-an ko siya at makita niya ang hinahanap niya. 

"Please don't argue here." sabi bigla ni Teylan.

"So dapat sa labas kami mag-argue, hindi dapat kami tumigil?" I sarcastically said.

"Pilosopo ka noh?" sabi ni Kyla.

"Sorry darling, I speak fluent sarcasm and if you don't want it then stop intruding." I solemnly said.

I don't know why you are becoming fiercer when you are deciding to be strong, is that a combination?

Lumipas lang ang oras na nago-organize lang ako ng mga gagawin ng mga assigned staff sa cafe, kaysa puntahan maari namang ayusin online. Sa dami ng shop ni Phoenix, malamang ay aabutin ako ng uwian kaka-organize. 

Tumayo na ako at kasabay no'n ang pagtayo ni Kyla at Teylan. Hindi ko sila binalakin tingnan dahil alam kong nakatingin sa'kin si Teylan.

Tingin-tingin pa s'ya, sinayang niya ako kaya riyan na siya sa Kyla niya. Kinuha ko ang coat ko at ang bag ko. Pumunta ako ng employee's log at nagsulat ng out. 

At maybe sa inaasahang pagkakataon ay sabay-sabay kaming sumakay ng elevator at binasag ko naman ang katahimikan.

Pero nagdalawang isip ako dahil oo nga pala, alam ni Teylan ang mga mangyayari sa hinaharap kaya alam niyang pagkatapos ng isang linggo mabubuhay ulit si Darryll. Siguro'y naisagawa na niya ang reincarnation, wala naman akong alam do'n kaya bahala na siya.

"Hatid na kita." sabi ni Teylan.

Napatigil ako dahil hindi ko naman alam kung sinong kausap niya, pero naglakad nalang ulit ako dahil alam kong hindi naman ako iyon. Nang makarating ako malapit sa kalsada naghihintay ako ng tricycle pauwi, narinig ko biglang nagsalita si Kyla.

"Hatid ka riyan, wala ka namang kotse!" sabi niya at tumawa.

"Bakit kailangan ko ba ng kotse para ihatid ka pauwi?" sabi ni Teylan.

Sus, iiwanan ka rin niyan. Ako nga iniwanan, ikaw pa.

"Ikaw Aubrey, sinong kasama mo pauwi okay ka lang ba?" sabi ni Kyla kaya lumingon ako sakanila.

"Kaya ko mag-isa, hindi ko kailangan ng mga pekeng tao sa buhay ko para lang ihatid ako." I smiled with a lots of sarcasm once again.

I don't need you, Teylan. 


Living With a Vampire | ✓Where stories live. Discover now