LWAV 11

23.3K 836 202
                                    


Dedicated to Miles Pangan 💓 shoutout ulit sa TeamSawi.

Chapter 11: Darryll is....

Naglalakad kami ni Darryll ngayon papasok, Buhat buhat niya ang bag ko at pinapayungan niya pa'ko. May napapatingin sa'kin dahil ang sweet at caring niya sa'kin.

Siya itong bampira pero hinahayaan niya na maarawan ang konting bahagi ng katawan niya para lang hindi ako maarawan.

Pagkarating namin sa school nagulat ako nang may nag-aabang sa'kin na banda ro'n at si Wade ang nasa gitna at kumakanta siya, hinihintay talaga nila ang pagdating ko.

Kumakanta siya ng Introducing me by Nick Jonas. Kaya nanatili akong nakatayo sa tapat niya habang nakangiti siyang kinakantahan ako, ang gwapo niya atsaka ang ganda ng boses niya.

Nang matapos ang kanta, lumapit siya sa'kin at kinuha ang bag kong nasa lapag nalang. Hindi ko napansin si Darryll, asa'n siya?

"Hatid na kita sa room niyo, sayang ay hindi ako section 1, section 2 lang ako, hindi kita kaklase. Sana kaklase nalang kita." sabi niya habang naglalakad kami papuntang room.

"Edi mag-aral kapa mabuti para ma-move ka sa section 1, anytime naman pwede kang i-move sa section namin." sabi ko.

He smiled atsaka tumitig sa'kin na animo'y may dumi ako sa mukha ko, Kaya bahagya akong umiiwas ng tingin. Kahit pinagtitinginan na kami ng mga tao.

Pagdating namin sa room, nakita ko ro'n si Darryll na pula ang mata, nagbubutil rin ang pawis niya, sobrang diin ng titig niya kay Wade na pwede niya na itong patayin ano mang oras.

"Sige na Wade, salamat sa pag-hatid." sabi ko at kinuha na ang bag.

"Mamaya sama ka sa'kin lunch, gusto kita kasabay kumain." sabi niya at ngumiti.

Umupo na ako sa tabi ni Darryll, rinig na rinig ko ang sunod sunod niyang pag-hinga na animo'y hinihika, kahit dalawa na ang aircon sa classroom pinagpapawisan siya.

"Okay ka lang?" sabi ko at hahawakan na sana ang balikat niya pero bigla niya akong hinawakan sa kamay.

"Bakit ansakit dito?" turo niya sa dibdib niya, "Nabibigatan ang dibdib ko kapag nakikita kitang kasama si Wade at kanina parang tuwang tuwa ka pang kinakantahan ka niya." sabi niya.

"Uulitin ko ulit, may gusto ka ba sa'kin?" sabi ko.

"If you don't know the answer, then you're fuckin' numb." sabi niya at dumiretso ng tingin sa board.

Living With a Vampire | ✓Where stories live. Discover now