LWAV 1

80K 1.7K 879
                                    


Chapter 1: Meeting

Aubrey's POV

Naglalakad ako ngayon pauwi, I'm a working student, ulila at naninirahan sa isang bahay na kasya lang ay ako.

Nagtatrabaho ako sa palengke as a distributor of gulay, oo, high school palang kasi ako at 17 years old palang so hindi pa 'ko pwede sa mga restaurants.

Mabuti nalang ay isa akong scholar sa school ko, nagagawa kong mag-aral at the same time nag tatrabaho.

It's already, 11pm, napagabi kasi ang pag deliver ko ng gulay! Hectic ang schedule mga ate, kaya naman medyo nalate ng uwi.

Dala-dala ko ang ice cream ko, para may kakainin ako for midnight kasi gutumin ako, di bale na kung mabubusog ba ako sa ice cream o hindi, basta mahalaga ay hindi flat ang ilong ko.

Nasa kalagitnaan na ako ng mga puno nang may natanaw akong kabaong, ano 'yon? Baka may nag iikot ng patay tapos nalaglag 'yong kabaong? Ay charot, impossible naman 'yon.

Dahan-dahan akong lumapit, may pa usok siya, at medyo mahamog na rin.

Ano kaya ito, baka naman si dracula 'to tapos kainin ako! Napaatras ako nang bumukas 'yong kabaong.

At bumangon ang isang lalaking ugh, ang gwapo. dahan-dahan siyang tumingin sa'kin at isang kurap ko lang ay nasa harap ko na siya.

Nang natitigan ko siya, kulay pula ang mga mata niya at sobrang gwapo talaga lalo na sa malapitan, kamukha niya si taehyung.

"Sino ka?" sabi niya sa malaki niyang boses.

"Bakit mo tinatanong?" sabi ko.

Nagulat ako nang sakalin niya ako kaya natakot ako, "Nagugutom ako!" sabi niya at lalapit na sana sa leeg ko kasi dinikit ko sa pisngi niya ang malamig na ice cream kaya napa-atras siya.

"Wag mo akong kainin, masarap ako pero wag muna, kaya ito nalang kainin mo." sabi ko at binuksan ang isang ice cream.

Para siyang inosenteng ngayon lang nakakita ng ice cream, kaya napakunot ako ng noo. Saan nang-galing na planeta ito, at nakatopless pa, at may pa-abs. Naka pantalon siya na may red at black.

Dinilaan niya ang ice cream at bigla niyang kinagat, hinintay ko lang siya matapos kumain at sarap na sarap siya.

"Ano kuya, makaka alis na ako ah?" sabi ko at lalagpasan na sana siya pero bigla siyang napunta sa harap ko.

Ay wow, ang bilis niya naman maka punta sa harap ko, napansin kong hindi na kulay pula ang mga mata niya.

"Dalhin mo ko tao, sa lugar na maari akong magpahinga." sabi niya sa malaki niyang boses.

"Luh? wala kang pamilya, wala kang tutulugan sa bahay ko." sabi ko at ngumuso.

"Are you disobeying me, do you want me to cut your head off?" sabi niya at namula bigla ang mata at lumabas ang pangil.

Living With a Vampire | ✓Where stories live. Discover now