LWAV 37

12K 470 128
                                    


Chapter 37: Bed

Aubrey's POV

Nagulat ako nang biglang nag-salita si Teylan, "No, Ma'am Hindi ako matutulog sa kwarto rito sa taas. Kung maid din ako, dapat do'n din ako matulog sa baba." sabi ni Teylan habang nakatingin sa'kin pero napunta ang tingin niya kay Lyka nang nagsalita ito.

"Why, ayaw mo ba rito?" sabi ni Lyka.

"Huwag niyo agad ipakita sa'kin ang tunay mong kulay Ma'am, at isa pa may girlfriend na ako." sabi niya at tumingin sa'kin.

Kaya tumingin tuloy si Lyka sa'kin, "Oh..really?" sabi niya at ngumisi.

"I am sorry Ma'am but I won't let you do those things on me again." sabi ni Teylan at bumaba na.

Agad din kaming bumaba dahil nakatingin sa'kin na matalim si Teylan. Ngumiti agad ako kay Teylan nang nakita ko siya, I really trust him alam kong hindi niya iyon magagawa sa'kin at mukha naman talagang malandi iyong Lyka na iyon.

He hugged me, at mas lalo akong napangiti sa binulong niya.

"I love you."

Dumiretso na kami sa maid's quarter, pinakita namin kay Teylan ang kwarto at napangiti naman siya.

"Malaki naman pala ang double deck, tabi nalang tayo riyan sa baba dahil mukhang wala naman ng bakanteng higaan." sabi niya kaya napangiti ako.

"Okay, tabi nalang tayo." sabi ko.

"Okay lang ba iyon Manang Portia?" sabi ni Teylan.

"Okay lang naman, dahil kita namin ang pagyayakapan niyo." sabi ni Manang Portia at balak pa atang mangutya.

Tumawa naman kami, "Osiya, magsibalik na tayo sa trabaho natin." sabi ni Manang Portia.

Nagsibalikan naman agad silang lahat, at kami naman ay magsisimula na rin sa aming pagtatrabaho.

"Hello, ako nga pala si Jessica. Katulong ako ni Darryll sa kusina." sabi niya at ngumiti, iniabot niya na rin ang apron kay Darryll.

Dumiretso na sila sa kusina. Pupunta na sana ako sa living room nang biglang sumulpot si Lyka.

"Aubrey will be the gardener for today, and Teylan you're going to accompany me, mag-shoshopping ako." sabi ni Lyka at mukhang nakabihis na.

Living With a Vampire | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon