LWAV 7

26.1K 958 188
                                    


Chapter 7: Something

Aubrey's POV

Hindi ko alam pero naramdaman ko nanaman ang maging empty, ewan ko ba, bakit ko nga ba ito nararamdaman? Nasanay naman na akong mag-isa, alam ko naman na ang mga tao ay papasok sa buhay mo tapos aalis din, so bakit pa ako nalulungkot na parang anytime pwede akong iwan ni Darryll? Siguro nasanay kasi ako, well, wala naman akong magagawa kung hindi tanggapin.

Huminga ako nang malalim, bago tanggalin sa isip ko ang mga kalungkutan thoughts na iyon. Nag-aabang ako nang sasakyan ko pauwi, wala akong kasama dahil wala naman si Darryll, may pupuntahan daw sila ni Lannie, so maybe I'll just go work and home, this is my life, it is so boring, kaya walang mag-iistay sa buhay ko kung hindi ang mga fictional character sa isip ko o sa imagination ko.

Kaya minsan tinutuon ko nalamang ang utak ko sa pag-babasa ng mga stories, Ngayon lang ulit ako di nagbasa dahil may kasama ako. Pero ngayon, mawawala na siya, I'll be alone again then I'll start to read again.

Nang makasakay ako, imbis na sa bahay, ay dumiretso nalang ako sa palengke para magtrabaho na ka'gad.

"Hello Kuya Jewe—" napatigil ako nang wala nang tao ro'n at bakante na ang pwesto nila.

Nang naalala ko ang ginawa ni Darryll kay Kuya Jewel, malamang sa malamang ay aalis talaga sila rito, pati ang kaibigan niya.

Dumaan nalang ako sa 7/11 at bumili ng isang ice cream at umupo sa loob. Sakto ay si Kuya Neil ang bantay, siya lang kasi ang close ko sa lahat ng nagtatrabaho dito.

"Mukhang malungkot ka ata." sabi niya at umupo sa harap ko.

"Eh kasi Kuya Neil, may isang lalaking dumating sa buhay ko tapos mukhang aalis na siya ngayon, parang nasanay lang kasi ako na kasama ko siya tapos, sa isang iglap, mawawala siya." sabi ko.

"Alam mo baby aubs, wala ng loyal ngayon, lahat manloloko na, akala mo totoo pero hindi naman, iiwanan karin at sa huli, ginagamit ka lang pala." sabi ni Kuya Neil.

"Yeah, totoo iyan kuya Neil, minsan naiisip ko kung ano kaya kung, may mga kaibigan ako, tapos hindi na ako mag-isa gano'n, ano kayang pakiramdam maging masaya?" sabi ko.

He just smiled at tumayo na dahil may dumating na costumer, nag-wave nalang ako sakaniya bago ako umalis, dala-dala ko ang binili kong ice cream para sa'kin mamaya, forsure hindi naman na uuwi riyan si Darryll dahil kasama niya si Lannie.

Pag-uwi ko, ayoko sanang maniwala sa expectation ko pero totoo nga, wala talaga siya eh. I just smiled atsaka nilagay sa ref ang ice cream ko.

Umupo ako at sinulat sa diary ko ang to-do list ko for tomorrow dahil kailangan ko nanaman mag-apply ng trabaho. Wala na ang pinagtatrabahuhan ko, patay na.

· Find a Work
· Look for new books
Quote for today: It is okay to be alone, atleast I am not surrounded by fake people.

I sighed before closing my diary, pinatay ko na ang ilaw at humiga na sa kama ko. Namiss kong humiga sa kama, naamoy ko pa si Darryll sa bedsheet, I'll change it tomorrow, ayokong naalala ko siya, baka masaktan lang ako at medyo mainis.

Pumikit na ako at natulog, hindi ko na siya iisipin. Sana bukas, maging okay na ang lahat para sa'kin at makakuha na ako ng trabaho ulit para sa'kin.

_

Pagkagising ko, nag-inat ako at kinapa ang cellphone ko. Tiningnan ko ang orasan, It's already 8 o'clock in the morning.

"Darryll? Pasensya na nakatulog ako sa kama." sabi ko habang nakapikit pa nang bahagya.

Living With a Vampire | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon