LWAV 25

13.6K 513 74
                                    


Chapter 25: Mansion

Aubrey's POV

Pagkagising ko, binuksan ko pa ang bintana pero leshe gabi parin, kaya lumabas nalang ako ng kwarto at nakita kong nagkakape si Teylan, gosh naka sando lang sya.

Napatingin siya sa'kin habang kumakain, "Hindi mo man lang ako hinintay!" sabi ko at umupo sa harap niya.

"Bakit kita hihintayin?" sabi niya at nagpatuloy sa pagkain.

Aba, ang sungit ah. Bugbugin ko 'to. "Sungit mo naman, bakit gwapo kaba?" sabi ko at ngumisi

Hindi niya ako sinagot at kumakain lang, sungit talaga! Ayaw ko talaga sa lalaki ang masungit gosh! Akala mo naman kung sino, ang bait bait mo tapos susungitan ka.

"Nasayo na ang power mo na isa, pwede mo na iyon magamit, pero limang beses lang, kapag napatawa mo si Morgan additional powers." sabi niya at seryoso parin.

"So, pwede akong lumabas?" sabi ko.

"Malamang." sabi niya at sumimsim ng kape.

"Okay, samahan mo ako." sabi ko.

"No, bakit kita sasamahan marami pa akong gagawin." sabi niya at tumayo na.

"Hatid mo ako sa bayan!" sabi ko.

Tumitig muna siya sa'kin bago nagpakawala ng malalim na pag-hinga, "Fine." malamig niyang tugon at hinawakan niya lang ang balikat ko at pinapikit.

Pagkadilat ko ando'n na ako sa bayan nila, andaming tumitingin sa'kin at napapahinto, bahagya pang umaamoy.

Natakot ako kasi napatigil sa pagsasalita ang lahat, at nakatingin sa'kin. Parang andito kasi ako sa palengke nila, parang dumaan ang isang anghel sa sobrang tahimik.

"Tao." sabi n'ong creepy na lalaki.

Lumapit sa'kin 'yong lalaki, at inaamoy ako, unti-unti ng lumapit ang lahat at pinalibutan ako. Gosh, pano ba gagana 'yong powers na sinabi ni Teylan.

Tinaas ko ang kamay ko at biglang lumabas ang isang malaking yelo sa kamay ko, pero nanatili ito sa kamay ko, hindi ito pumunta kaninoman kaya naman napalayo silang lahat.

"Isa siyang black human!" sabi n'ong kaninang lalaki.

Tumakbo silang lahat, "May nakapasok na Derfodaroragon!" sabi nilang lahat at nagkakagulo.

Mga adik, ewan ko sakanila. Tinanaw ko nalang kung asaan ba rito ang mansion nila Darryll? Asaan kaya iyon?

Napatigil aki nang biglang may tumutok sa'kin ng mga patalim at nakapalibot sila sa'kin, kasama nila ang isang naka-itim na lalaki at ang puti niya infairness mas makinis pa siya sa'kin.

"Dalhin yan!" sabi n'ong lalaki kaya hindi ako nakapalag dahil hindi ko mailalabas ang powers ko.

Saan nila ako dadalhin? Nakaposas ako! Inangat ko ang kamay ko at nasira ang posas sa laki ng yelo, kaya napa-atras silang lahat, "Saan niyo ako dadalhin?" sabi ko.

"Hmm, miyembro ka nga ng Derfodaroragon, may salamanka ka." sabi niya.

"Excuse me, hinahanap ko lang si Darryll, wala akong paki-alam sainyong mga bampira kayo!" sabi ko at umirap.

"Paglumapit kayo sa'kin, papasabugin ko kayo ng ice ko!" sabi ko at nag tatapang-tapangan.

Lumuhod silang lahat nang dumating ang naka-kabayo na lalaki at may nakapaligid sakaniya na matatangkad na nakaitim na lalaki.

Si Darryll! ang gwapo, naka baba nag buhok niya at medyo kulay white. paking teyp, napalunok ako habang nakatingin sakaniya.

Bumaba siya ng kabayo at dahan-dahan akong tiningnan, sinimulan niya sa ulo hanggang paa. "Tao, bakit kayo natatakot?" malamig na tugon nito.

"Hi! Ay, oo nga pala nakalimutan mo na ako." sabi ko at ngumuso.

"Member kaba ng Derfodaroragon?" sabi niya.

"Hindi! Mga baliw itong mga bampirang 'to! Hindi ako member no'n, hindi ko nga alam iyon! May mission lang ako rito at tinulungan ako ni Teylan." sabi ko.

Medyo nanlaki ang mata niya, "Paano mo nakilala si Teylan?" sabi niya pero napatigil siya nang napansin niyang maraming nakikinig.

"Sumama ka sa'kin mag-uusap tayo." sabi niya at iniwan na ako ro'n.

Ay, wow! Kagaling, paano ako sasama kung iniwanan niya ako. Baliw parin siya hanggang ngayon

Sinundan ko lang ang kabayo niya at nakarating ito sa malaking mansion, anlaki as in!

Tiningnan ako ng mga tauhan at sinakal ako, totoo nga ang sinabi ni Teylan na kapag lumapit ka papatayin ka nila.

"Paki patay 'yan, kilala niya si Teylan, delikado 'yan." sabi ni Darryll at lumingon sa'kin bago pumasok ng mansion.

Hindi na ako makahinga, tinaas ko kamay ko at lumabas ang malaking yelo at tinapat ko sa lalaking may malaking katawan na ito.

Namatay ito at bigla akong sinugod ng andaming mga malalaking katawan na lalaki at may mga lumilipad pa na bampira.

Sobrang sama ni Darryll, "Tangina mo Morgan!" sigaw ko kaya napatigil lahat ng tauhan niya.

Ay ganon? Mumurahin ko lang siya tapos titigil na itong mga adik na ito, eh isang yelo nalang ang natitira sa'kin, such a waste.

Biglang nalaglag si Darryll mula sa isang bintana at walang ano ay, pula na ang mata niya at sinakal ako.

"ANO ang alam mo!...." sabi niya.

"Paano mo nalaman ang pangalan ko?" bulong niya at galit na galit.

Oh gosh, hindi na ako makahinga...


.....




Living With a Vampire | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon