LWAV 42

10.9K 368 88
                                    


Chapter 42: Bar

Aubrey's POV

Dahil ni-request ni Teylan hindi na rin kami nagdalawang isip ni Darryll sumama sakaniya. Nagbihis lang kami ng casual at dumiretso na rin sa bar.

Hindi naman masyadong pangit ang nakita kong itsura ng bar at malayo sa iniisip ko madalas kasi may mga taong pumupunta sa bar para lang magkaroon ng one night stand para malibang sila at takasan ang pagka-heartbroken.

Hinigit ni Teylan ang bewang ko nang makapasok na kami sa loob ng bar, Siguro dahil maraming tao at baka kung saan pa ako dalhin ng mga iba rito. 

Pumunta kami sa counter para bumili ng drinks, "Hindi ka pwedeng uminom." sabi ni Teylan sa'kin.

"Ano iyon, kakayaya mo lang sa'min na inom pero bawal ako uminom?" sabi ko

"Pwede kang uminom pero hindi alak, juice lang." sabi niya at tinaas ang kilay na parang hinihintay na magprotesta ako.

"Fine." sabi ko.

He smiled, "Don't worry hindi naman ako magpapakalasing gusto ko lang uminom, atleast kasama naman natin si Darryll he can join-" napatingin kami kay Darryll na hinahawak-hawakan na ng mga babae.

Hindi niya iyon pinapansin at nakatingin lang siya sa'kin, so all this time kanina pa siya nakatingin sa'kin habang nag-uusap kami ni Teylan? "I guess not." sabi ni Teylan at hinila ako sa isang table sa gilid.

Malayo ang pwesto na ito sa dance floor, natawa nalang ako dahil naka-upo si Darryll at andaming nakapaligid sakaniya na babae. "Hey, put your attention on me, nakatingin ka nanaman kay Darryll." sabi ni Teylan.

"So ano bang pumasok diyan sa utak mo at naisip mo biglang uminom huh?" sabi ko at sumimsim ng grape juice na binili sa'kin ni Teylan.

"I just want to think, minsan kasi nakakasawang ikaw nalang iyong palaging tumatakas. Bakit hindi ikaw ang pumunta 'di ba? Kaya naisip ko na mag-isip naman sa ibang lugar or mag-isip sa maingay na lugar for something new naman." sabi niya at ngumiti.

Tumayo si Teylan at pumunta sa dance floor habang dala-dala ang inumin niya. Kitang kita ko kung paano niya ako lagyan ng invisible barrier, napangiti nalang ako dahil he can really sweet kaso sa ibang paraan, iyong iba kasi kung ano-ano gagawin para mapakilig ka pero si Teylan jusko, titigan at ngitian ka lang niya kikiligin kana at isama mo pa ang hidden sweetness niya parang sobrang unique niyang lalaki na wala ka ng makikitang mas better sakaniya.

Napatingin ako sa gilid ko nang biglang may umupo, "Hello! Wala akong kasama kaya makikipag kaibigan nalang ako." he said.

"I am Phoenix Dellano and you are?" sabi niya at iniabot ang kamay pero dahil nga nasa loob ako ng barrier ni Teylan hindi ako maaring makipag-shake hands sakaniya.

"I am Aubrey." sabi ko at ngumiti.

"Such a beautiful name, bagay saiyo." sabi niya at ngumiti.

"And by the way, why are you drinking juice?'' sabi niya at bahagyang tumawa.

"Bawal daw kasi ako uminom, sumusunod lang." sabi ko.

"Oh c'mon Aubrey, enjoy life while you are still young." sabi niya at medyo lumapit sa'kin, "You cannot die breaking the rules." he smirked at inilapag ang isang glass ng alak sa lamesa.

Lumingon ako sa paligid kung andiyan ba si Teylan, nang masigurado kong wala si Teylan kinuha ko ang baso pero hindi ko ito makuha parang naka-glue iyong baso sa lamesa.

Napatingin ako sa harapan ko, nakatayo si Teylan sa harap ko at nakahalukipkip, "You want me to punish you?" sabi niya at iba ang titig sa'kin.

Bigla siyang napatingin kay Phoenix, "And you, huwag mong dinadala ANG GIRL FRIEND ko sa landas mong manginginom. I am sorry but please do not bother her ever again or if you don't I'll just gonna punch your face, really and certainly hard." he smiled with full of sarcasm.

"Can you stop meddling to our business here, who are you by the way?" sabi ni Phoenix.

"You'll be terrified if I tell you." sabi ni Teylan at ngumisi.

Lumapit si Teylan kay Phoenix at may ibinulong ito pero sorry kaya ko itong marinig. Pinatagos ko ang boses ni Teylan papunta sa direksyon ko.

"One wrong move, You'll ended up dying." sabi ni Teylan at iniangat na ang ulo atsaka ngumisi.

Phoenix rolled his eyes and stood up, "See you around Aubrey." sabi niya at itinaas ang kamay.

"Tuwang tuwa ka naman dahil nakakita ka ng gwapo?" sabi ni Teylan.

"Of course not, hindi ako gano'n kababaw para sumaya na agad dahil lang do'n atsaka andiyan ka naman bakit pa ako maghahanap ng gwapo?" sabi ko kaya biglang na-istatwa si Teylan sa kinatatayuan niya at unti-unting ngumiti.

"Palagi mo nalang ako pinapakilig noh?" sabi niya at inilapit ang mukha niya sa aking mukha. 

Na-amoy kong amoy alak na siya, "Do you love me?" bulong niya.

"Yes, I do love you." sabi ko.

"Wala ka ng feelings kay Darryll?" sabi niya.

Natahimik ako sa tanong niya, kaya bigla siyang napa-ayos ng upo. "That silence made my heart ache." he said while wearing his serious expression.

Hindi ko alam ang isasagot ko sa tinanong niya dahil alam ko sa sarili ko na kahit mas mahal ko si Teylan may natira paring kaunting feelings para kay Darryll and sana hindi na siya tumubo katulad ng dati dahil ayawv kong saktan si Teylan, ayokong mag-away sila ng Darryll dahil lang sa'kin.

And then one day, if I choose Darryll, Teylan will be left alone. I want to give him the love he wants me to give to him not because of sympathy but because I just love him the way it is, no other reasons. 

Hindi ko siya pipiliin dahil lang gusto kong maramdaman niyang hindi siya nag-iisa but I also want him to know na siya talaga ang gusto kong lalaki at hindi si Darryll. 

Hinawakan ko ang pisngi ni Teylan, "The catastrophe is beyond of care but love can be a catastrophe and that makes my answer no." sabi ko.

He smiled, "I love you too." sabi niya at hinalikan ako.


___



Living With a Vampire | ✓Where stories live. Discover now