LWAV 32

14.2K 505 386
                                    


Chapter 32: Reyna

Aubrey's POV

Umiwas na ng tingin si Jennie at tiningnan si Darryll. "Tayo ang maging mag-kapares mamaya sa handaan." sabi ni Jennie.

Unti-unting tumingin si Darryll kay Jennie, at hindi makasagot na para bang nabigla sa mga nangyayari.

"Dala ko na ang susuotin ko, ako ang prinsesa at ikaw ang prinsepe." sabi ni Jennie.

"Maari." sabi ni Darryll.

Sumabog ang kasiyahan sa mukha ni Jennie. "Talaga, sige mananatili muna ako rito hanggang magsimula ang handaan." sabi niya at tumingin sa'kin, "At ikaw, umalis ka rito." sabi niya.

Tumingin ako kay Darryll at para ako na-istatwa sa kitatayuan ko, Hindi niya man lang ba pipigilan ang pagpapa alis ni Jennie sa'kin? Atsaka bakit sya pumayag na maging magka date sila ni Darryll?

"Hindi, hindi ako aalis dito, ako ang ka-partner ni Morgan mamaya." sabi ko.

"Akin si Morgan, walang iyo rito. Kasintahan ko si Morgan, at itigil mo na ang pag-gagawa mo ng kalokohang istorya sa iyong isipan." sabi niya.

Nang nagtama ang tingin namin ni Darryll para akong nanlumo, Hinahayaan niya lang ako ipagtabuyan ni Jennie. Nasasaktan ako dahil kahit wala pa siyang salita na gusto niya si Jennie iyon ang lumalabas.

Pumayag siyang maging kapartner ni Jennie sa handaan mamaya, malamang ay gusto nila ang isa't isa.

Tumulo ang luha ko habang nakatingin sa'kin si Darryll, Umiwas na ako ng tingin at umalis sa silid na iyon.

Kahit masakit, wala akong magawa dahil ang pinang hahawakan ko lang naman ay ang isang pangakong agad napako.

Sumipol ako nang sumipol at luminga sa paligid, at nang nakita ko si Teylan, niyakap ko siya ka'gad.

"No huggings." sabi niya pero hindi ko siya binitawan, umiyak lang ako nang umiyak sa dibdib niya.

"Ansakit sakit Teylan!" sabi ko.

"Babalik kana sa'kin kasi sinaktan ka ni Darryll? babalik ka lang sa'kin kung kailan mo gusto, nice." sabi niya.

"Umiiyak na nga ako, niloloko mo pa ako. Akala ko pa naman icocomfort mo ako!" sabi ko.

Living With a Vampire | ✓Where stories live. Discover now