LWAV 14

20.4K 751 456
                                    


Chapter 14: Where's Darryll?

Aubrey's POV

Nagpapatugtog ako ng Torete habang nakatingin sa kisame, ang hirap palang mag-hanap buhay, sarili ko nalang kasi ang maasahan ko, wala ng iba. May nagsasabi naman sa'kin, mag-asawa nalang daw ako ng mayaman para yumaman din ako, ayoko naman ng gano'n, na easy money lang mas maganda kung pinaghirapan mo iyong pera, mas nakakagaan sa loob igastos kaysa 'yong pera ng iba.

Natapos ko na ang mga pinapagawa nila, ang hirap, parang mababaliw na ako sa sobrang sakit ng katawan ko para akong binugbog ng ilang wrestler. Bakit ba kasi ako ang inutusan nila, parang mga siraulo rin eh, pumikit nalang ako atsaka natulog.

__

Nagulat ako nang buhusan ako ng tubig kaya napabangon ako, "Hoy gumising kana, tanghali na." sabi ni El.

"Bakit ho kailangan niyo ako buhusan ng tubig?" sabi ko at nakakunot ang noo.

Bigla niya akong sinampal, napainda ako. "Aba, sumasagot kang baguhan ka? Hindi mo ba alam na kailangan natin gumising ng maaga tapos ikaw, tulog ka parin? Wala kaming mautusan!" sabi niya.

"Eh bakit ho kayo nananampal?" sabi ko at medyo mataas na ang bose

Buong buhay ko, walang nanakit sa'kin kung di ang tarantado kong tatay, wala ng iba kaya huwag niya akong sinasampal, ika nga, biruin mo na ang lasing huwag lang ang bagong gising.

"Kasi tanga ka! Sumasagot kapa." sabi niya at hinila ang buhok ko pababa.

Napangiwi ako sa sakit na hatid nito, Hinila niya ako papunta sa cr at inuupo ako sa sahig at tinutok ang mukha ko sa bowl. "Eto dapat ang bagay sa'yo para mahismasan ka na hindi ka dapat sumasagot sa'kin." sabi niya at nilublob ang mukha ko sa bowl.

Ilang beses niya akong nilublob at nang makuntento siya at sinabunutan niya ako ulit at hinila papuntang kusina. Nanunuod lang ang ibang maids at napansin kong wala ro'n si Madam.

"Eto lahat ang gagawin mong hayop ka, okay? Alam mo na ang gagawin ko sa'yo kapag hindi ka sumunod naiintindihan mo ba?" sabi niya at pinakita sa'kin ang papel na puro gawain nila.

"Bilisan mo ng hayop ka!" sabi ni En.

Huminga ako ng malalim at pinunasan ang mukha ko, "Gagawin ko ito lahat, huwag niyo lang akong saktan na parang kayo ang nagpapasweldo sa'kin, tao ako hindi hayop En, huwag niyo akong itrato na parang hayop dito dahil pare-parehas lang tayo ng trabaho rito, walang nakakataas, kaya umayos kayo." sabi ko at tinaasan sila ng kilay isa-isa.

Living With a Vampire | ✓Where stories live. Discover now