LWAV 30

14.7K 553 404
                                    


Chapter 30: Talk

Aubrey's POV

"May pag uusapan kami ni Aubrey, kaya sa ayaw at sa gusto mo, akin si Aubrey." sabi niya.

"I mean akin na si Aubrey." dagdag pa nito.

"You can tell it to her here, why bother bringing her home?" sabi ni Darryll.

"It's none of your business, try mong di mangi-alam mapapadali buhay mo." sabi ni Teylan.

Namumuo ang tensyon sakanilang dalawa kaya nagsalita na ako, "Mga bes, kalma tayo. Kung gusto niyo mag-away sige pag-awayan niyo kagandahan ko." sabi ko at tumawa.

Napatingin silang dalawa sa'kin at nakakunot ang noo, "Baliw." sabay nilang sabi at nagtinginan ulit.

"Sabagay, may iba kasi kayong gusto! Sige na Morgan mag-uusap lang kami para hindi na kayo magtitigan kala niyo may mangyayari mga letse." sabi ko at niyakap si Teylan para mailayo siya.

"I said no hugs diba, makayakap ka naman." sabi niya.

"Eh so? Paki alam mo?" sabi ko at dumila.

"Kagatin ko 'yang dila mo." sabi niya at kinagat ang pang-ibabang labi.

Natahimik na ako, nagulat ako nang kargahin niya ako. Nasa harap niya ako at binubuhat na parang baby, nasa puwitan ko ang braso niya para maging suporta para hindi ako mahulog.

"Bakit kailangan mo ako buhatin?" sabi ko.

"Why don't you look down?" sabi niya kaya napakapit ako sakaniya lalo nang nakita ko na nasa ere kami kung saan ka niya iniwan.

Nakayakap ako sakaniya habang nakasandal ako sa balikat niya, na akala mo ay isang sanggol talaga. Bakit ba feel na feel ko eh.

"Ang bango mo." sabi ko.

"Huwag mo akong amuyin!" sabi niya.

Humarap ako sakaniya at gosh, ang lapit talaga namin sa isa't isa. Tiningnan ko ang mata niyang may mahahabang pilik mata at sa itaas ng mata niya ay nando'n ang nakaka-attract niyang kilay.

Living With a Vampire | ✓Where stories live. Discover now