LWAV 51

8K 264 72
                                    


Chapter 51: Darryll?

Aubrey's POV

Nagising ako sa bahagyang pag-alog sa'kin ni Teylan. "Babe, gising na magche-check-out na raw tayo maya-mayang konti." sabi niya at ngumiti.

Bumangon na ako agad dahil baka hindi ako makaligo pag-alis. Pagkaligo ko, nag-ayos na ako ng mga gamit ko.

"Si Darryll?" sabi ko kay Teylan.

"Nasa kwarto siya ni Phoenix, do'n daw siya natulog." sabi ni Teylan.

Napa-isip lang ako kung ano bang ginawa namin ni Teylan kahapon. Naalala ko pero parang ayaw ko na lang isipin.

Nang matapos na kami ni Teylan magligpit ay lumabas na kami at hinintay sila Phoenix.

Nakangiti agad si Darryll sa'kin na parang excited ako makita pero bigla niyang nilapitan si Teylan at inakbayan ito.

Napangiti ako nang napansin kong ngumiti si Teylan. Ano kayang pinag-uusapan nila? Napatingin ako kay Phoenix nang bigla siyang nagsalita.

"Tulungan na kita." sabi niya at kinuha ang mga gamit ko.

"Ay, thank you." sabi ko.

Pagkatingin ko ulit sakanila, nagtatawanan na sila. "Ang saya nila noh?" sabi ni Phoenix.

"Oo nga eh, hindi ko nga alam. Ngayon ko lang sila nakitang nagtatawanan." sabi ko kay Phoenix habang naglalakad kami.

Napatingin ako sa bangka, pero hindi lang siya ordinaryong bangka. Hindi katulad nung sinakyan namin no'ng papunta, iba na ngayon.

"Naisip ko kasi na gabi na, so kailangan natin ng mas malaki at comportableng sasakyan." sabi ni Phoenix.

Pumasok kami sa isang pintuan ng bangka, may complete set siya rito katulad sa bahay at may maliit pa na lounge. Tumango-tango ako at ngumiti kay Phoenix.

Inilapag ko muna ang mga gamit ko sa sahig at umupo sa isang pahabang sofa. Napatingin ako sa paligid nang hindi ko nakikita sila Teylan at Darryll.

Kami lang ni Phoenix ang nandito sa loob, "Asaan sila Teylan?" sabi ko sakaniya.

"Nasa top sila, mag-uusap daw ata." sabi niya habang nagtitingin ng makakain sa ref.

Ano kayang pag-uusapan nila, sige bigyan ko muna sila ng oras magkapatid baka may pag-uusapan sila about something.

Tinuon ko nalang ang pansin ko sa TV na nasa harapan ko. Nanuod nalang ako ng spongebob at sakto naman ay binigyan ako ni Phoenix ng isang malaking doritos.

Lumipas lang ang oras at nanunuod lang ako ng spongebob at kung minsa'y nililipat ko sa power puff girls at mr. bean. Nang makarating na kami sa aming destinasyon, tsaka lang pumasok si Teylan at Darryll pero hindi pa rin nila ako pinapansin.

Paglabas namin sa bangka, nag-uusap pa rin silang dalawa. Kinuha ko na ang mga gamit ko, at naglakad papalabas ng dock.

Pagsakay namin sa kotse, antahimik lang ni Teylan at Darryll. Kaya ako nalang ang nagsalita, nakakahiya naman sakaniya.

Living With a Vampire | ✓Where stories live. Discover now