Chapter 4

45K 924 25
                                    

Date uploaded : july 23, 2014

Chapter 4

Kyle

"Hhhaaachhhooo!"

Ayaw na ayaw ko talagang magkasipon. Ang bigat na sa ulo at katawan, wa poise pa! Nagluluha at mapula na ang mga mata ko, namumula pa ang ilong ko habang nag-uunahan palabas ang sipon ko! Wa poise to the highest level. Ang masama pa ay kaharap ko ngayon ang isang napaka-gwapong lalake na nag-aabot sa akin ng tissue!

"Bless you." Nakangising sabi nya sa akin.

Haaaiiist. Sure ako. Turn off na sya sa akin!

Well, ok na din yon. Hindi naman kami bagay, so ok na din na magpaka-wa-poise na lang ako. I took the tissue ang blew out my nose. Haaay, I feel so much better ng lumabas ang laman ng ilong ko.

"Thanks," I smiled at the man in front of me.

"You're welcome Kyle. You look cute even if you look like Rudolf."

Tinaas ko ang kilay ko. "Are you complimenting me or insulting me?"

"Complimenting, syempre."

Binale-wala ko na lang ang last statement nya. Pakiramdam ko kasi ay hindi naman compliment yon.

Nasa salas kami ng rest house ni Air. Nakabalot ako ng isang malaking kumot dahil kahit pinahiram na ako ni Gaygie ng damit ay nanginginig pa din ako sa ginaw. Mahina talaga ako sa lamig, kaya nga eto, ang tindi na kaagad ng sipon ko.

"Ok lang kung ayaw mong maniwala. But I still stand on what I said. You are really cute."

Hindi man lang ginawang beautiful..

"Whatever." Obvious na bolero ito. Siguro saksakan ng pagk-aplayboy nito. You can sense it on the way he talk, pati mga gestures nya, at siyempre, noong nagsabog ng kagwapuhan sa mundo ay sinalo nya lahat yon. Hindi lang yon, base sa performance nya kagabi, he's one heck of a great musician. I bet, maraming nagkakandarapang babae dito, at malamang din na tine-take advantage nya ito!

Warning bells! Kahit na atrracted ako sa kanya, I have to be on guard.

"Balik na lang tayo sa kinukwento mo kanina."sabi ni Air. " doon ka natulog sa van mo? "

"Oo. Bakit naman ako matutulog sa sasakyan ng iba? And let me get this straight. Hindi ako stalker na katulad ng pinaparatang sa akin ni Gaygie."

Kinuha nya yung cellphone nya ay parang may hinahanap sya. Maya-maya pa ay ipinakita nya sa kin yung picture na nasa screen.

"Is that your van?"

Nasa background ng picture yung van ko. Pero hindi doon natuon ang atensyon ko. Nagse-selfie si Air kasama ang isang babae na parang model at nakapulupot ito sa kanya. Ok, tama ang hinala ko. Playboy nga ito.

"Yup, van ko yan."

Binawi na nya yung cellphone.

"So that explains it. "

"Huh?"

"Napagkamalan mong van ko ang van mo."

"Paanong nangyari yon!"

"Bago yon di ba?"

Tumango ako.

"I just bought that van the other day. So, malaki nga ang chance na mapagkamalan mong sasakyan mo ito."

The other day lang yon? Ok, so he has a current girlfriend, and then he's flirting with me?

"Pero bakit bukas ang van at wala si Robert don?"

The AIR i BreatheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon