[28] The Big O

237K 5.1K 2.1K
                                    

A quick AN: I admit, hindi talaga ako magaling sa narration when it comes to writing. Mas nauuna ko pang isulat ang dialogues kesa sa narrations kaya minsan nahihirapan ako. Thank you sa nagcomment about sa narration sa last chapter (you know who you are!) for pointing out something. Nahirapan talaga ako sa Chapter 27 heehee. I'll do better next time! :)

Sa mga nagtatanong po, purely POV ni Zade 'tong TSIB. And it's her birthday today so.. Happy Birthday, Zades!

PS: Ito ang first chapter na pinabasa ko sa beta reader. Mas umayos 'to dahil sa comments niya HAHAHA. This one's for you :)

PPS: Kung nabasa niyo ang Wallbanger, familiar sa inyo yang title. HAHAHA k I'll stop.

xxx

Chapter 28: The Big O

 

Ano kaya ang feeling ng isang artista?

Before wala talaga akong pakialam sa showbiz. Nada. Balita nga lang ang pinapanood ko sa TV eh. Ni hindi ko kilala kung sinong kaloveteam nino at kung anong number one sa ratings sa primetime Wala rin akong pakialam sa movies (seriously, ba't ka gagastos ng 200php para manood ng sine?), albums ng mga artista na di naman marunong kumanta (sayang sa CDs), special magazines with artista covers (isumbong ko kaya si Kesh sa Andreau Cortez magazine collection niya?) at pag-attend ng concerts ng mga artistang nagpipilit na all-around perfomers. Kaya nga kawawa ako ngayong college eh. Ang hilig magpabonus ng mga prof ng kung anu-anong pop culture reference. One time nga tawang-tawa si Andreau sa'kin nung hindi ko alam ang sagot sa tanong na Anong barko ang sinakyan nina Jack at Rose? As if requirement para magkagraduate ng elementary ang panonood ng Titanic!

Kaya lang naman ako nagkaron ng pakialam dahil kay Andreau.

Medyo matagal na kaming magkakilala and hindi ko pa rin gets kung bakit siya nag-artista. Alam ko namang nadiscover siya sa isang commercial blahblahblah pero.. yun na ‘yon? Dahil sa commercial gusto na niya agad umarte?

My god. Sa sobrang rational, talented at talino ni Andreau.. gusto lang niyang maging artista? Don’t get me wrong ha, he’s a great actor and all pero.. mas magaling siya sa scriptwriting and directing. Mabusisi siya sa details and sobrang imaginative niya. Plus yung dialogues na naisip niya sa Tila.. quotable talaga. Nagulat nga ako sa sarili ko na kaya ko palang makipagsabayan sa super bilis na DSL connection ng utak niya. Kumbaga, nasa point K na siya habang ako nganga sa point C. See, foreign DSL service ata ang kanya.

Tinanong ko rin sa kanya yan nung pauwi kami galing Pangasinan.  Nag-iinarte pa nga siya bago sumagot eh. As always, nganga na naman ako sa sagot niya: It’s like seeing and living this world inside a different body, Zades. Every role is a challenge, an adventure. Sometimes it’s tiring and frustrating; but once you get your shit together and do it right, goddamn worth it.

I was like.. yun na ‘yon? Masama ba akong kaibigan kung sasabihin kong nanghihinayang ako sa talent ni Andreau as a scriptwriter/director? I really don’t get him. At. All. Maybe this is my thickheaded side speaking pero.. I’m not really satisfied.

So.. you’re not satisfied at all?

Yeah. I thought your answer’s enough. I was wrong. May kulang. Walang Eureka moment sa’kin.

That’s what she said.

What?

Nothing. So.. you want me to elaborate more?

Uhuh. Hindi ko talaga magets kung bakit ang dami niyong hooked sa acting. Sorry.

Well.. you don’t want me to tell you so I guess.. I have to show you.

The Spaces In BetweenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon