[39] Of Soulmates and Venn Diagrams

218K 4.6K 1.5K
                                    

Dapat sa Anthology ko 'to ipopost kaso naisip kong mas okay na dito na lang sa TSIB. May nagtanong kasi sa Tumblr ko before kung nabasa ba ni Zade ang You're The One That I Want ending, bilang magkasama ng timeline ang TSIB at If I Fall.

So.. here's my answer to that question. Standalone one shot 'to pero may hugot. Takes place two days after Chapter 38.

PS: Sa mga hindi pa nakabasa ng If I Fall, don't worry. Included dito yung YTOTIW chapter ;)

**

Chapter 39: Of Soulmates and Venn Diagrams

Hindi ako iyakin nung bata ako. Tuwang-tuwa nga sa'kin si Mima kasi hindi siya nahirapan na palakihin ako. Kapag nadadapa ako, titignan ko lang daw yung sugat ko tapos tatakbo sa kanya para magpagamot. Nangingilid lang daw ang luha ko pero hindi bumabagsak. Isa 'yon sa signs na bumasag sa pangarap ni Mima na magiging artista ako paglaki ko.

Nung nagkaisip na ako, bilang na bilang ko kung ilang beses ako umiyak. Less than 30 lang, nung: namatay si Tata Greg, umalis ako kina Tita Angie (na unang tinuluyan ko sa Manila), napanood ko si Andreau sa Waiting Shed, umalis si Mima papuntang New York this year, series 2 finale ng Doctor Who ("Quite right, too."), death anniversary ng parents ni Andreau, nag-away kami dahil sa Twenty Four...

at eto, dahil sa isang bwisit na Wattpad story.

Sinubukan kong basahin yung You're The One That I Want ni notanotherfairytale sa Wattpad nung nasa San Ignacio ako for sembreak. Tapos ko na kasi yung most read English stories sa reading list ko at nagdecide akong i-try ang Filipino stories. Una kong binasa ang Those Three Words ni Mr/s Darcy (and I love it. Super!) at nakita kong nirecommend niya ang YTOTIW. Maganda naman ang taste ni MRSD sa books so I gave the story a shot.

It was.. okay. Typical high school pakilig story nung una pero eventually nag-improve ang writing style ni notanotherfairytale. Umikli ang chapters niya, at mas nagkaroon ng sense. Hindi ko trip ang ugali ni Denn Estrella nung una.. pero wow. Nag-improve rin ang characterization. Few chapters later naattach ako sa LeiDenn pairing! Nakakainis, ba't ba walang ganung ganap nung high school ako?

Matagal ang update interval ni notanotherfairytale. According sa comments, inaabot pa nga raw ng buwan bago siya mag-update ng YTOTIW. Badtrip nga eh, ang latest update na naabutan ko ay yung umamin na si Denn kay Leiza!

Sana nga nagbibiro lang ako. Pero eto? Tangina, ilang beses na nagbiro pero ngayon lang nagseryoso. Elizabeth, I'm falling in love with you.

Lord, kamusta naman po ang feels ko!? Ang simple.. ang bargas ng pagkakasabi pero nanlumo ako. Ba't ganito yung fictional characters minsan, ano? Wagas magpakilig!

Laking pasalamat ko na hindi siya nag-update nung sobrang busy ako sa project namin sa org. Nakakakaba kaya ang mga susunod na ganap! Anong sasabihin ni Leiza dun? Tatanggapin niya ba agad si Denn? I hope not! Aba, pahirapan niya muna si kuya! He stole her first kiss in the first place, lesson na rin 'yon ano!

Pero ibang klase rin yung timing nitong author na 'to. Kung kelan nasa jeep ako, saka nag-update ng YTOTIW.

Oo, sa jeep. Sobrang bastusan, ate?

Ang sama nga ng tingin sa'kin nung tita sa harapan ko. Hello, I couldn't contain my excitement anymore! Halos one month na rin simula nung nag-update siya ah. Buti na lang malayo ang mall na pinuntahan sa dorm namin, may 45 minutes din ako para magbasa!

Unang line pa lang tinamaan na ako. Hindi ako kinilig or what.. kinabahan ako.

Hindi nga niya maexplain ang nararamdaman niya nung sinabi sa kanya ni Denn ang mga salitang 'yon eh.

The Spaces In BetweenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon