[23] The One With The Surprise Visitor

207K 4.4K 696
                                    

Chapter 23: The One With The Surprise Visitor

For two weeks, Andreau and I played it cool.

After naming mag-usap, we agreed na wag na lang magcomment about the issue. Magsasalita lang kami kapag may nagtanong sa’min personally.

Personally. Hah. Si Ate Mel (dorm manager namin) lang ang nagkalakas loob na tanungin ako kung ano ba talagang score namin ni Andreau. Nagstick ako sa sagot na napagkasunduan namin ni Andreau: We’re friends. May ginagawa lang kaming project kaya madalas kaming magkasama. So far satisfied si Ate Mel pero may pahabol siya na Sayang naman, akala ko totoo na. Grabe, kunwari pa siya sa pagiging hopeless romantic!

Sa campus, no one asked me anything. Ewan ko nga. Akala ko mas ako ang tatanungin kesa kay Andreau kasi mas approachable ako kesa kay Big Boss. Pati si Delle na nag-inform sa’kin, aba hindi na ako nilapitan. As days passed nabawasan na rin ang pasulya-sulyap at bulungan ng tao. At least alam dito alam nila ang mind your own business. Hindi naman sila makakapasa sa subjects nila kung pagtsitsismisan nila kami ni Andreau eh.

Eh yung Dreausters? Ibang usapan sila.

I don’t really get them. Ang big deal sa kanila ng personal life ni Andreau, to the point na pati mga tao na nakadikit lang sa kanya sa pictures binibigyan agad ng malisya. Ni hindi nga masyadong nagpopost si Andreau sa Instagram niya (na recently ko lang nakita! Wala namang laman, puro scenery at pagkain lang!) kaya wala silang mapiga tungkol sa’ming dalawa.

Ginambala ba ako ng Dreausters? Totally. Ang Facebook ko na dating walang nag-aadd? Ayun, umabos na sa 500+ ang friend requests. Sumabog na rin ang messages ko. Hindi ko na sinilip kung ano yung messages, baka death threats o kung ano lang naman yon.

Si Mars ang pinakakinulit ng Dreausters, yamang din lamang na siya ang isa sa mga nagpost ng photos namin ni Andreau publicly. Siya na ang sumagot sa issue eight days after mapost ang issue sa Chismis Squad. Naimbyerna si Mars sa kulit ng fans sa kakatanong sa kanya thru Instagram at Twitter kung ano raw ba talaga kami ni Andreau. Kaya ayun,nagtweet siya ng:

They’re not together. May project lang silang ginagawa. Okay, you can calm yourselves now. It’s not the end of the world ;)

Kunwari pang kalmado dyan si Mars pero naiimagine ko na ang katakut-takot na mura habang tinatype niya yan.

Siyempre, hindi papahuli ang San Ignacio sa balita. Tumawag sa’kin si Nana Tinang the day after naming mag-usap ni Andreau. Ayun, excited pa nga siya dahil ang gwapo raw ng boyfriend ko at bakit di raw namin sinabi nung nandun kami. Nalungkot siya nung sinabi ko na hindi totoo. Inexpect pa naman daw ng mga tao sa’min na dun daw kami magpapakasal ni Andreau.

Wow, mas advance pa sila kesa sa Dreausters!

In fairness, ang hirap palang maging artitsta. Bilib din ako sa patience nila sa mga ganitong bagay. Paano pa kaya yung mga artistang nasabit sa mga OA at totally false rumors? Next time nga iinterviewhin ko na talaga si Andreau!

Two weeks.. wow. True to his word, things became okay.

Until.. a surprise visitor showed up.

xxx

SUNDAY, JULY 27

Mahal ko ang birth month ko at ang rainy season. Kaso minsan nakakalimutan ko yung kapag naglalaba ako at hindi natutuyo ang mga damit ko. Ayun, wala akong maisuot! Sa sobrang lakas ng ulan, ang 3PM meeting namin kina Andreau ay nalipat ng 7PM dinner meeting sa condo nina Ms. Marisse. Hindi pa ako nakakabisita ulit kina Tristan since lumabas yung blind item dahil busy kaming lahat. Nagulat nga ako nang itext ako ni Ms. Marisse, tinanong niya kung okay lang ako. Pati si Tristan, tinawagan ako at sinabi niyang aawayin daw niya ang Dreausters pag umiyak ako. Adorbs, right?

The Spaces In BetweenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon