[30] Belle of the Ball

241K 5.6K 2.7K
                                    

Correction sa Chapter 29: anagapesis pala yung right word!

Dialogue-heavy chapter ‘to. Sorry, ang daldal kasi nila ;)

 -A&Z-

Chapter 30: Belle of the Ball

“Kuya sure ka bang wala nang ilalakas pa ‘tong aircon?”

The driver sighed deeply for the third time tonight. Pangatlong beses na kasing tinanong ni Mars sa kanya yan, at isa lang ang sagot niya. “Max na po yan, Ma’am,” he answered patiently. “Pero kung gusto niyo po tigil muna tayo? Fresh air?”

Nilingon kami ni Mars dito sa backseat. “Ano Andreau, stop muna tayo? Sure ka bang okay ka lang talaga?”

I stole a glance at my date tonight.. and boy, konti na lang talaga ‘di ko na mapipigilan ang tawa ko. He’s still blushing profusely because of the kiss I’d given him earlier. And that happened like what, 20 minutes ago? Ni hindi man lang niya ako kinausap o tinignan habang nasa elevator kami, o kahit ngayon dito sa kotse. My God, ano bang meron dun sa ginawa ko at ganyan siya?

Hah, so that was my effect on him. Good to know. Ayoko namang ako lang ang parang siraulo ngayong gabi, dapat damay-damay na! And it was just a friendly kiss, for heaven’s sake! Bakit ba kailangan pa niyang magblush? Akala tuloy ni Mars inaatake si Andreau ng allergy or something dahil sa pamumula niya. Tinanong niya ako kung napano ang baby (yes, tawag yan ni Mars kay Andreau.. pag kaming dalawa lang ang magkausap) niya, kibit-balikat na lang ako. Aba, maissue pa eh! Masama nang madagdag pa si Mars sa little fan club nina Roldan at Kesh!

I felt something hit my leg, only to realize that Andreau was kicking me. Umusog ako lalo sa may pinto ng kotse at ‘di siya pinansin. Ano na naman kayang problema nito?

Nang sinipa niya ako for the fourth (see, he could be physical sometimes?) time, dun ko lang siya tinignan nang diretso. His face was still red, alright, pero mas kalmado na siya ngayon. Kung ‘di pa niya ako sinipa ulit, ‘di ko mapapansin na winawagayway niya ang phone niya.

“What?” I mouthed at him, totally annoyed. He rolled his eyes and pointed at my clutch bag. Ah okay, tingnan ko raw ang phone ko. So kailangan pa niyang manakit para sabihin lang sa’kin ‘yon? Weirdo.

Oh, he texted me. My head snapped right back at him but before I could even open my mouth, he practically shoved his phone at me. Problema nito?

Tingnan ko na lang ang phone ko para walang gulo. Napataas na lang ang kilay ko sa text niya.

Stop laughing!

Laughing? Ako? Siraulo ba ‘to? Hindi ko nga siya tinatawa— who am I kidding, namumula na rin naman ang mukha ko sa pagpipigil sa tawa. And he noticed that?  Ni hindi nga niya ako tinitig— damn, the rear view mirror!

I’m not laughing!

Hah. Kitang-kita kita.

Hindi nga sabi. May narinig ka ba? Btw, nice word play there.

Thanks. Don’t change the subject. Stop laughing.

I threw him a dirty look, to which he responded with an annoying smirk. Siya lang siguro ang taong kilala ko na kayang magsmirk kahit nagbublush. Alien talaga siya minsan.

Stop blushing! Nilagyan ko pa ng blushing emoji para mas lalo siyang mairita.

I’m not! Blame these damn blood vessels!

The Spaces In BetweenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon