[26] She's My Girlfriend!

214K 4.8K 2.3K
                                    

Chapter 26: She’s My Girlfriend!

Last time sinabi ko kay Andreau na ”Once you do something you love, you do it with everything you have.”  I thought hindi siya nakikinig sa litanya ko nung nag-away kami last week. I must not underestimate his sharp memory, ako lang ang napapahamak eh.

Sa almost one year at six months na nakilala ko si Andreau, alam ko na ang mga ayaw at gusto niya. He likes 70’s and 80’s movies, brewed coffee, jazz music, chocolates, salty French fries.. and the list goes on.

Pero.. wala sa listahan niya ang baking.

“Ouch! Goddammit!” my head snapped to his direction and I caught him sucking his thumb. Paano ba naman, kinuha niya ang baking pan with bare hands! Basta na lang niyang nilapag sa counter ang pan at tinitigan ito. “Damn it, not good enough.”

Halos three hours na niyang pinapahirapan ang sarili niya sa pagbi-bake ng birthday cake para kay Tristan. 7th birthday kasi ni Little Boss bukas at gusto ni Big Boss na maiba naman ang regalo niya. Kung paano niya naisipan na magbake ng cake? I don’t really wanna know and ask. Baka matawa lang ako.

Andreau gingerly removed the burnt cake from the pan and placed it on the tray with the other failed ones. “Pwe,” sabi niya after niyang tikman ang cake. “What the fuck’s wrong with this cake?” Muntikan na niyang ihagis ang buong tray sa sobrang inis.

Ako? Aba wala akong gagawin dyan. Una, wala akong kaalam-alam sa baking. Ang tanging gusto ko lang ay ang finished product. Pangalawa, sinabihan ako ni Andreau na wag siyang pakialaman kaya sa sala ako pumirmi at nanood na lang ng TV. Sinisilip ko lang siya mula dito sa kinauupuan ko. Ang ganda ng view ko dito in fairness!

Seryoso na ako sa panonood nitong Phineas and Ferb (influenced by Little Boss) nang..

“Zades, I need your help.”

Hah. Sabi ko na nga ba.

Pinatay ko muna ang TV bago ko siya pinuntahan sa kitchen. Gosh, ang dating pang-magazine sa linis na kitchen niya.. wow. Ang gulo. Nagkalat ang utensils sa counter at sink, may flour at eggshell bits sa floor, nakatiwangwang ang mixer, nanigas na ang chocolate sa bowl at.. ang daming sunog na cake.

At si Big Boss? He looked.. adorable in a messy way.

May kaunting chocolate at cake batter siya sa pisngi, tapos namuti na ang ilong at buhok niya dahil sa flour. Plus.. he totally rocked the Kitchen Nerd apron he’s wearing. Kaso asa pa siya na marunong siya sa kusina.

I couldn’t hide my smile from him. Refreshing na makita ang unguarded moments ni Andreau Cortez. Pasimple ko siyang kinunan ng picture habang naghuhugas siya ng kamay. Future blackmail prop.

“So.. anong kailangan mo, Boss?”

“Tss. Don’t call me that.”

“Okay. What gives?”

With a slight frantic look, he turned back to the counter and lifted up the tray of cake rejects. “Look at these! Damn it, I wasted three fucking hours for nothing!” He slammed the tray down with more force than necessary. “Damn it!”

Oh, Pissed Off Andreau pala siya ngayon. Isang indicator na nasa ganung mode siya ay kapag nagmumura na siya. Just like now. “Andreau…”

“Okay, I’m sorry,” he said quickly. ‘This is so frustrating. Bakit sa cooking shows madali lang ‘to?

“Well experienced kas—“

“And I fucking burned every damn cake!” he confessed on a near wail. “I swear I got the temperature right. The oven has a timer so why the hell that happened!”

The Spaces In BetweenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon