[48] Like Real People Do

248K 5.8K 2.9K
                                    

Nalate 'tong update ko ng isang linggo!! Pasensya na, wrong timing ulit ang sakit ko uhuhuuh

All mistakes are mine. Chapter title from a Hozier song with the same title.

Guys, ang lapit nang matapos. Nae-excite ako huhuhu

Maraming salamat sa paghihintay! <3

****

Chapter 48: Like Real People Do

I've said this a couple of times already but I felt the need to emphasize this fact: Andreau Cortez is not a romantic.

Sorry sa mga rabid Dreausters, hindi perfect ang idol niyo.

Akalain niyo 'yon, sa kagwapuhan ng idol niyo.. ni hindi man lang siya naambunan ng kahit anong romantic shite? He's hopeless with romance. Siya na 'tong nakailang romcom movies at seryes ha! Wala man lang siyang na-adapt sa lahat ng characters niya. Fine, given na magaling siyang magpakilig (Shameless confession: kinikilig din naman ako sa kanya paminsan-minsan), pero hindi lang basta gano'n ang romance. I'm sure Kesh will disagree with this one, pero sa tagal ko nang kasama 'tong si Francisco... naah. Wala talaga.

Kaya nga medyo nag-expect ako na sobrang paghahandaan niya ang date namin. Yung itsura niya kasi noong sinabi kong payag ako sa date.. ibang klase talaga eh. Gano'n ang itsura niya noong nagsusulat kami ng script ng Tila. Too focused.. too critical.. Na aakalain mong pinaplano na niya ang perfect murder. He's so serious like that. And knowing him, he likes challenges, and it seemed nakahanap siya ng challenge in the form of his very charming and very cute cousin na si Mr. T. Aba, nakakahiya naman ata kung matatalo siya ni Tristan in terms of date preparations. Tristan charmed me so much on our date at hindi ako madadaan ni Andreau sa simpleng dinner date lang ulit. (Oo na, choosy na ako.)

Kay Kesh ko unang kinwento ang tungkol sa date namin ni Andreau. Mas naexcite pa nga siya kesa sa 'kin eh. As in tumili pa siya nang sobrang lakas (Himalang hindi kami inakyat ni Ate Mel) tapos kulang na lang makalas ang mga buto ko sa kakayugyog niya sa 'kin. Kung anu-ano rin ang pinagsasabi niya na hindi ko maintindihan; ang nagets ko lang yung paulit-ulit na "Yes! No to species extinction!!!. At sa sobrang excitement ni Kesh, siya pa ang nag-Google ng romantic date ideas at tinext niya kay Andreau ang lahat ng ideas na sat tingin niya magugustuhan ko. (Bottomline: wala akong nagustuhan sa mga suggestion niya. Sobrang cheesy kasi!) In the end, wala siyang nakuhang reply from Andreau. Buti nga sa kanya, pinapangunahan pa eh!

Monday na noong kinontact ako ni Andreau. Kinabahan pa nga ako nang slight kasi akala ko pag-uusapan namin ang date namin. Baka ako pa papiliin niya kung saan ko gustong pumunta.. or worse, baka sinunod niya ang suggestions ni Kesh. Pero ayun, bigo naman ako, kasi invitation para magjog pala ang pakay niya. Of course, I declined. Isa nga sa resolutions ko ang mag-exercse pero.. hello, ayoko talagang pagpawisan! Andreau knows that, pero siya 'tong forever epal, pinagpilitan niya na samahan ko siyang magjog. Nang hindi ko na sinagot ang mga tawag niya, bigla na lang siyang sumulpot sa tapat ng dorm namin at binigyan ng bribe si Kesh para pilitin akong magpalit ng exercise attire. (Isang Cadbury bar lang pala ang tatapos sa pagkakaibigan namin ni Kesh. I should've known.)

Wala na akong nagawa, sinamahan ko na siya. At first I thought magiging taga-masid lang niya ako sa jog niya (Quite a magnificent view, too) kaso.. no, ako pala ang magjo-jog. Yeah, that's right. Torture pala ang aabutin ko. Limang beses ba naman niya akong pinatakbo sa buong acad oval. FIVE TIMES. Kalahati pa nga lang nung unang takbo hindi ko na kinaya, yung lima pa kaya!? At ang dahilan niya? I'm just helping you with your resolution, Zades. Ayaw mo no'n, ako na ang magiging exercise coach mo? My service is free! Ayun, sa sobrang irita ko sa kanya, umuwi ako nang mag-isa. Sinundan naman niya ako sa dorm kaso ang himbing na ng tulog dahil sa walang awang torture na pinaranas niya sa 'kin. That idiork. Pasalamat siya... Nako.

The Spaces In BetweenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon