[46] Of Realizations and Date Invitations

188K 4.7K 3K
                                    

So... kaya ko naman palang mag-update ng  7k words lang. Maglalaro sa ganitong word count or less ang mga susunod na updates! :)

Filler update! :)  I think 10 chapters to go na lang yay!!!

***

Chapter 46: Of Realizations and Date Invitations

It is a truth universally acknowledged that I, Scheherazade Pascual, am in love with Andreau Francis Cortez.

Uhmm.. okay. Baka multuhin ako ni Jane Austen sa mga kalokohan ko. But in case you're wondering and/or doubting, I love Andreau Cortez. Umaapaw.

Yuck, kadiri. Umaapaw? Ginawang balde ang sarili at tubig si Andreau? Nako, buti na lang hindi ko 'to sinabi kay Kesh. Nai-imagine ko na ang gagawin niyang sexual psychoanalysis sa tubig at balde na 'yon. Once kasi namali lang ako ng sabi about sa 'min ni Andreau, tapos tumili ba naman siya ng sobrang lakas sabay sabing OMG girl tagtuyot ka na ba down there? Hanap na ng jowa dali! (Kailangan ko na talaga siyang ilayo kay Mars. Mas nagiging overactive ang utak niya pag magkasama sila eh. Ibang klase.)

So.. umaapaw isn't the right word to describe this... feeling. Umaapaw.. so natatapon. Naaaksaya. Aba, sa ganda kong 'to, aaksayahin ko pa ba ang nararamdaman kong pagmamahal? No thanks ha, my love is precious! I've waited for this for a long long time tapos matatapon lang!? Lalo na't first time kong sa ganito! Hindi dapat inaaksaya ang ganitong feelings!

(Nagwala na naman ako? Hala ka, Pascual.)

Okay. Maybe other people think umaapaw's the right word to describe the Feeling.

Ako? Hmm. Nope.

Two words to describe the Feeling?

Contented and Calm.

So.. this is what it feels like to love someone. Parang iba naman ata yung nararamdaman ko sa mga nabasa kong libro. Lagi kasi nilang sinasabi na kakabog ang dibdib mo pag nandyan siya.. hindi ka mapakali pag ngingitian ka niya.. tapos parang mawawalan ka ng oxygen dahil shit i love him sobra. Gano'n yung kadalasang nababasa ko eh.

But me? Why am I so calm about it?

Maybe because I already acknowledged and accepted my feelings for him?

Hala, ewan ko na. Pero ibang klase pala 'yon, ang saya-saya sa pakiramdam. Buti hindi siya naweirduhan sa 'kin after ko siyang halikan. Ngiting-ngiti naman siya for no reason, though. Ako ang naweirduhan sa kanya.

In fairness, kinaya ko naman ang isang linggo na hindi ko siya nakita. Umalis siya sa ospital na sobrang clueless sa realization ko. Kabado nga ako nung magpaalam siya sa 'min nung umaga eh. Muntikan ko na kasing masabi yung "Ingat ka, love you". Eh 'di nawindang sina Ate Gaile at Nana Tinang don, 'di ba? At baka hindi na rin tumuloy si Andreau sa China dahil sa atake sa puso. Buti na lang marunong nang pumreno 'tong bibig ko kahit paano!

Gusto ko pa sanang magstay ng mas matagal sa San Ignacio para bantayan si Nana Tinang, kaso siya na mismo ang nagpapaalis sa 'kin doon. Nainis nga siya sa 'kin nung sinabi kong aabsent na lang ako ng isang linggo para samahan siya. Mag-aral na lang daw ako nang mabuti at wag ko na siyang masyadong alalahanin. Hello, parang ang daling gawin no'n! Hindi ko na rin pinilit, baka makasama pa sa lagay niya ang pagkukulit ko. I left San Ignacio three days after Andreau went to China, na saktong isang araw bago ang resume ng klase namin. Pinangako ko na lang kay Nana na bibisita ako sa kanila twice a month, as requested na rin ni Mima. Nagpromise din sa 'kin si Ate Gaile na araw-araw niya akong iu-update sa lagay ni Nana.

Nasa dorm na ako nung nabasa ko ang e-mail updates sa 'kin ni Andreau about his China trip. I was surprised to receive e-mails from him everyday. Wala naman akong sinabi na i-update niya ako sa mga ganap niya doon.. pero.. wow. Natouch ako na naisingit pa niya ang magmessage sa 'kin nang ganito. Pinakita kasi niya sa 'kin ang tentative schedule nila sa Shanghai.. at lagari talaga sila.

The Spaces In BetweenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon