[15.2] Twenty Questions

180K 5.1K 2.3K
                                    

Chapter 15.2: Twenty Questions

 

Okay, just to be clear: hindi Kathniel ang character portrayers nina A&Z. Naitanong ko lang kung sinong naiimagine niyo hahaha. Calm your tatas, guys <3

Kaya ko favorite ngayon ang TSIB (bukod sa sobrang light niya, unlike ng the-story-which-must-not-be-named) kasi nakakapagfocus ako sa build up ng isang relationship, na I think hindi ko masyadong nagawa sa TDG, IIF at TMEUAS. Step by step process ba. Okay feeling ko ako lang ‘to hahaha

Here we go! Mapapadalas ang updates nitong TSIB sa mga susunod na linggo, until mareach ko ang 20th chapter. After that, writing break ako! :>

-A&Z-

Malamang, ikaw. Tanga ka ba?

Yan ang gusto kong isagot sa tanong niya. Ikaw, Andreau. Ako pa nga humalik sa’yo eh. Bago ka sumuka. Don’t you remember?

Pinalaki ako nina Nana Tinang at Mima na nagsasabi lagi ng totoo. Masama raw magsinungaling. Sakto pang Holy Week ngayon kaya.. pressure.

Lord.. anong isasagot ko?

He was patiently waiting for my answer. Hindi ko naman mabasa kung hinuhuli lang ba niya ako o talagang curious lang siya sa’kin. And hello, ba’t niya itatanong ‘to? He has a motive behind this.

Kung magsasabi ako ng totoo.. malamang may magbabago sa’ming dalawa, better or worse. Kung magsisinungaling man ako.. may dalawang bagay na dapat i-consider:

a.     I’ll tell him na wala pa akong first kiss (which may lead to another possibility na bigla niya akong halikan dito. Dear Lord! I might die here.)

b.     I’ll tell him na meron na… pero sa friend ko (na hindi naman totoo)

The last one’s the most appealing. Hindi naman niya kilala mga kaibigan ko nung high school, at imposible namang ipahanap na niya ang mga ‘yon. Kung alam man niya na nahalikan ko siya.. hindi na magiging big deal para sa kanya yun. Ako na lang ang magdadala ng burden ng kiss na ‘yon.

God, mas pinag-isipan ko pa ‘to kesa sa final exams ko.

“Uhmm.. my high school friend,” nahihiya kong sagot sa kanya. Mapansin kaya niya na nagsisinungaling ako? “Nung JS Prom.. 4th year high school.”

“Oh.. sneaky guy,” yan lang ang sinabi niya. Pumasa na ba ako? Okay na ba? Ako na ba magtatanong? Ba’t.. wala naman siyang reaksyon? Ang hirap naman niyang basahin!

Eh ikaw.. sinong first kiss mo?

Imposibleng ako ang isasagot niya dyan. Ilang beses na kaya niyang nahalikan sina Jillian at Sarah! Plus yung iba pang napartner sa kanya sa drama anthology show ng network nila. Sana hindi si Jillian, kadiri naman!

Andreau fell silent and his face went red. As in red. “Sabi na nga ba.. gaganti ka. Fine.. basta.. hindi si Jillian.”

“That’s not a valid answer. Alam kong sasabihin mong hindi ko binanggit yung pangalan ng friend ko. Fine, si Jake,” May classmate akong Jake nung high school kaso bading. As if Andreau will know.

“Just.. promise you won’t laugh. Ikaw lang ang pagsasabihan ko nito.”

Shit, this is serious. O baka naman pinagtitripan lang niya ako? Wag kang masyadong magpadala sa acting niya, Pascual. “Okay.. I promise.”

The Spaces In BetweenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon