[14] Drinking Games

230K 5.4K 3.6K
                                    

I wrote this right after watching HIMYM's finale. Sana magustuhan niyo <3

#TSIB

-A&Z-

Chapter 14: Drinking Games

February 13

"Siguro ang sarap humalik ni Andreau!"

Muntik ko nang mabagsak ang laptop ko sa floor dahil sa sinabi ni Kesh. Buti na lang nakahiga ako sa kama ko, kundi pati ako nasa sahig na ngayon.

"What the hell, Kesh?” My sleepy eyes grew wide in an instant. Kanina pa kaming walang imikan dito sa dorm tapos.. bigla-bigla siyang magsasabi ng ganyan. Nawala tuloy antok ko!

Tinanggal ni Kesh ang earphones niya. "Ha? Kinakausap mo ba ako?"

"Are you kidding me?"

"Ang tahimik ko kayang nanonood dito!" hinarap niya sa'kin ang laptop niya. Ugh, pinapanood na naman niya yung movie nina Andreau at Sarah na No Ordinary Love. Kadiri, ba't ba kanta ang title ng halos lahat ng Filipino romance movies? Tagtipid sa OST?

Tinago ko ang laptop ko sa ilalim ng kama bago ko siya sinagot. "Di ka pa ba nagsasawa dyan ha? You've watched that for like nine times already!"

"OA ka naman, 7 times lang!" she corrected. "Eh sa Valentine's Day na bukas at kailangan kong kiligin!"

Rolling my eyes, I stood up and sat on her bed. Tinanggal niya ang earphones sa laptop niya at pinlay ang video. Saktong dun sa confession and kissing scene pala ang pinapanood ng roommate kong eskandalosa. "Just look at him here! Is it just me or parang mas kissable siya in person?" Kesh mused, totally giddy about the idea of Andreau's kissing prowess. "Is his lips redder like thi-"

"Keisha.. parang awa magtigil ka."

"Nagtatanong lang! Oh wait, here's my favorite part!"

Ugh. Isa sa mga dahilan kung bakit hindi ako mahilig manood ng movies ay yung paglilimit niya sa imagination ng tao. I mean, with books, may makikita kang iba every time na binabasa mo di ba? Sa movies kasi.. damn, lahat na halos na dun.

Gusto kong gumagala ang imagination ko!

I've seen this movie thrice and I gotta say may chemistry sina Andreau and Sarah. The story is quite good and pretty much Andreau-like. The only thing I hated about this is the kiss in the rain scene. Fine, kinilig din ako sa scene na 'to kaso.. may something na kulang. Well, mas gugustuhin ko pang mapanood 'tong movie na 'to kesa sa mga pelikula ni Jillian. Nakakapagtaka na may fans siya despite her acting skills.

As usual, iniyakan na naman ni Kesh ang sad ending ng movie (di nagkatuluyan sina Andreau at Sarah) at nagdrama tungkol sa true love, happiness and moving on. Ganito rin namin sinalubong ang Valentine's last year.

"Nga pala Zades?" sabi niya bago niya patayin ang ilaw. "Bukas ha. Don't forget."

The Spaces In BetweenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon