[47] Of V-Day Madness and Second Dates

181K 4.2K 1.6K
                                    

See end of the chapter from some notes! :)

Another filler chapter. Thank you for reading!

***

Chapter 47: Of V-Day Madness and Second Dates

Interesting fact: alam niyo ba na ang world record for laughing non-stop ay tumagal ng three hours and six minutes? Isang Ethiopian guy daw ang nakakuha ng world record na 'yon, na dinaan na lang ang lahat ng kamalasan niya sa buhay sa pagtawa. Wala lang, nabasa ko yan sa isang magazine sa waiting room sa department namin sa campus last year. Sobrang na-amaze lang ako sa lalaking 'yon. Hindi kaya bumigay ang facial muscles at panga niya sa kakatawa? Tsaka baka utot siya nang utot after that laughing session, sa dami ba naman ng hangin na na-in take niya!

Sinabi ko 'yon kay Andreau nung magkita kami that day, and he concluded na si Kuya Lee ang pwedeng maka-break ng world record na 'yon. Um-oo naman ako don. Ibang klase kasing tumawa si Kuya Lee eh, iyak-tawa literal na parang hinihika pa.

But now.. I beg to differ.

Natalo na kasi ni Kesh ang iyak-tawa ni Kuya Lee.

Mga 10 minutes na nung natapos ang phone call ni Andreau pero hindi pa rin tapos si Kesh sa kakatawa. In fact, mas lumalala pa ang mga tawa niya every minute. Naku, natuluyan na ata 'tong roommate ko. Hindi naman nakakatawa yung sinabi ko sa kanya kanina eh. Kinwento ko lang naman na tinanggihan ko ang invitation sa 'kin ni Pipo for Valentine's Day dahil ka-date ko na si Tristan. Wala namang joke do'n o ano, pero bentang-benta sa kanya. Weirdo.

"Kesh! Tigil na nga dyan!" sigaw ko sa kanya sabay bato ng unan ko. Sumapul nga sa mukha niya pero ayaw niyang patinag. "Aakyatin tayo ni Ate Mel nito eh! Lagot ka do'n sige ka!"

Nagpatuloy lang siya sa pagulong-gulong niya sa kama, tawang-tawa pa rin. "Oh my god ka, Scheherazade! Nakakaloka ka 'di ko kinaya! Si Tristan talaga date mo? Hahahaha!!"

"Wala namang masama do'n ah! Tsaka ba't niyo ba ako jina-judge ni Andreau ha? Okay namang maging date ako ni Tristan! Inggit lang kayo!"

Speaking of Francisco.. walanghiya siya. After niya akong paghintayin sa shocked silence niya, napamura na lang siya at biglang kinancel ang tawag. Ni wala man lang pahabol na text na "Sorry, napindot ko" or "Sorry, I'll call you again". Aba, bahala siya sa buhay niya! Siya pa ang may karapatan na ma-upset sa mga ganap ha. Hindi pa ba siya thankful na hindi si Pipo ang ka-date ko? At least kilalang-kilala niya si Tristan. Masyado namang kinacareer ni Francisco ang pagiging best friend ko, lakas maka-bakod!

(Oo na, he's kinda cute like that. But.. was he really jealous? Or upset? Or both? Hay mga lalaki talaga, hindi ko kayo maintindihan!)

Finally, Kesh stopped laughing and sat down on her bed. Kadiri, iyak-tawa na rin siya tulad ni Kuya Lee. "Oh Zades, kung alam mo lang ang gulong pinasok mo. Sobrang epic nito! Mars and Dan will love this!"

"Gulo? Anong gulo ang pinagsasabi mo dyan?" I asked, suddenly confused.

"Teka, ba't ba ang dami mong tanong? How the earth Tristan asked you to be his date? Kailan? Saan?"

Oh there it is, her Psych voice. I hate it so much kasi hindi ako makakatakas sa boses na 'yon. "Nung nasa Baguio tayo! Kaya nga matagal na a--"

"BAGUIO!?" she exclaimed, eyes wide. "Noong December ka pa niya tinanong!?"

I nodded. "Kaya nga matagal nang nakablock sa schedule ko, 'di ba?"

"PAANO?"

"He asked me on our first day there. Nung sinamahan ko siyang kumuha ng cookies and milk bago kami manood ng movie."

The Spaces In BetweenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon