[51] The One With The Girl Talk

154K 4.1K 924
                                    

SOBRANG FILLER NITO. Back to regular programming sa Chapter 52!

PS: Marisse x Zade talk is everything lol

**

Chapter 51: The One With The Girl Talk

**

"So.. what happened next?"

Ms. Marisse stared at me expectantly, eyes full of excitement. Mas humigpit pa ang pagkakayakap niya sa throw pillow habang hinihintay niya akong sumagot. Shit, ano pa bang sasabihin ko!? Ni hindi ko pa nga maprocess nang maayos yung nangyari kanina eh. Sure ba si Ms. Marisse na may naintindihan siya sa sinabi ko? May sinabi nga ba ako?

Nang pagtaasan na niya ako ng kilay, pinagpatuloy ko na ang kwento ko. "So... ayun nga po. I.. I told him that I love him. Then.. he just stared right back at me. For a second there nangmukha siyang isang nakanganga sa 'kin, and I therefore conclude na unflattering angle 'yon kay An--"

"Zades, tangent!" she all but shouted, blinking and shaking her head, trying to follow.

"Yes! Sorry. Um.. so.. Ayun nga po. Nakanganga lang siya sa 'kin for like two minutes? Wala naman akong masabi kasi nagulat ako sa tingin niya sa 'kin."

"Paanong tingin?"

Taking a deep breath, I said, "He stared at me as if I was what he wanted most and what he feared the most. It was... weird and unsettling."

"You don't know that I love you, Andreau."

Hindi ko talaga alam kung ano bang dapat kong maramdaman nung tinignan ako ni Andreau nang gano'n. Parang.. hindi siya makapaniwala na sinabi ko 'yon sa kanya, na talagang hinintay pa niya kung punchline ba 'yon o seryoso ako. I wasn't offended, though. Kung sa 'kin din naman mangyari ang ginawa ko sa kanya, malamang magtataka at magugulat din ako. Pero.. iba yung kanya eh. Imbis na marelieve siya.. parang mas lalo pa siyang naguluhan sa sinabi ko.

It took me awhile to catch my breath. "Andreau.. I love you," I managed to say in a steady voice. Napalunok na lang siya. "Hindi na 'to yung I love you dahil sa sobrang saya ko or I love you dahil ikaw ang best friend ko. I love you. Like I'm seriously in love with you. I'm saying this because I couldn't keep it in anymore. For once in my life hindi ko alam kung paano 'to sasabihin kasi ang dami kong nararamdaman ngayon at gusto kong maayos kong mapaliwanag sa 'yo lahat.. But all I could say now is.. I love you. I really do."

His shoulders had loosened up a bit after that. Medyo nag-alinlangan pa nga ako. Sincere ba ang pagkakasabi ko sa kanya? Tunog joke ba? Dapat siguro hindi ko muna sinabi, ano? Para nakapagpractice pa ako? Ano nang mangyayar--

Then doon lang nagregister sa 'kin ang nangyari sapast 10 minutes nitong usapan namin:

He took my "I'll always choose our friendship over a romantic relationship" way too seriously.

He (indirectly) told me that he's... in love with me. (Note to self: itanong kung kailan??)

He (clearly) believed that I won't ever fall in love with him.

I (finally) told him I love him, not in the way and situation I'd previoulsy imagined (but what the hell)

Oh shit. Nagconfess na ako sa kanya. I'm running out of mild expletives to use.

What's with us and timing, anyway? Sabi nga niya kanina, timing was never on his side. Gano'n din ata sa 'kin. This wasn't the timing I was aiming for.. but it felt so right. So screw timings na ba ang motto ko ngayon?

Ang tagal din naming tahimik ni Andreau, and frankly, I was amazed na kaya niyang matulala nang matagal and with minimal blinking. Talent kaya niya 'yon? I really don't know. At least gumaan ang atmosphere namin, or maybe it was just me. We feel something for each other. Knowing that made me feel so much better and scared at the same time.

The Spaces In BetweenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon