[54] The Right Partner

169K 5.4K 1.9K
                                    

So.. third to the last chapter na. Wow. Kakastress.

Anyway, I'm very sorry kung ganito kaikli 'to. Short but sweet. And medyo mellow na since hindi ko rin kinaya ang kalandian nung Cortez sa 53. Pinaghahandaan ko na nang mabuti yung 55 kaya maikli 'to.

Bukas (June 21) ang birthday ni Andreau so ito na rin ang pabirthday ko hahaha

PASENSYA NA KUNG GANITO 'TO MGA BES. WALANG ANGST 'TO HA. Medyo bangag lang ako lately huhuhu and this isn't my best. Maybe ie-edit ko rin 'to someday huhuhu

Enjoy! :)

***

Chapter 54: The Right Partner

For the nth time today, I'm not in a fanfic.

If this were a normal day, my fangirl self would definitely be so giddy. Ilang beses ko na rin namang inasam na mangyari sa 'kin yung nakakakilig na scenes na nababasa ko sa books and fanfics. I'm kinda sucker for those scenes for my OTPs, so pwede bang mag-ilusyon na mangyari rin sa 'kin 'yon?

Hindi naman sa kulang ako sa kilig the past few weeks ha. Umapaw pa nga eh. I didn't ask that from him at all. Hello, nasa katinuan pa naman ako ano. At never kong nirequest na maranasan ang Flirty!Andreau. Nuh uh. Lagpas na sa daliri ko yung times na muntik na akong magcombust dahil sa mga pinaggagawa at pinagsasabi niya sa 'kin for the past three weeks. Seriously, I really have to talk to him about that. Kailangan niyang bawasan ang pagiging malandi or else hindi kakayanin nitong katinuan ko.

Gusto ko nang matapos 'to. I wanna go home. I wanna see him right now.

Is that too much to ask?

Apparently, the universe thought so. Yung inaasam kong fluffy scenes na mangyari sa 'kin? Kabaligtaran ang nangyari.

Kasi delayed ang flight namin.

Yep, I'm living inside a cliched fanfic hell.

Two hours delayed ang flight namin pabalik ng Manila. Two hours ang sinayang ko sa pagtunganga at pagpipigil ng inis. A tiny part inside me kinda expected this to happen.. pero nanalig ako na sa 'kin kakampi ang tadhana today at walang mangyayaring masama. Ibalato na sana sa 'kin 'tong araw na 'to, 'di ba? Ano ba naman yung magkaron ng himala at hindi madelay ang flight ng airline na 'to!?

Ugh. Nothing worth having comes easy talaga, ano?

(Kung nagawa kong kumalma, ibang usapan naman si Sir Edgar. Inaway niya yung airline representative nang wala siyang nakuhang sagot about sa definite time ng alis namin. Gagraduate rin kasi ang younger brother niya today at ayaw niyang mamiss 'yon. Same sentiment here, Sir.)

Anyway, Andreau didn't take the news well. Hindi man niya sinabi sa 'kin 'yon directly; naramdaman ko ang disappointment sa reply niyang It's okay, Zades. Two hours lang naman. May maabutan a pa naman siguro sa ceremony. Calm down, okay? Later :)

Akala niya madadaan niya ako sa emoji ha. Asa.

Thank goodness at mabilis lang lumipas ang two hours na paghihintay. Ibang klaseng kaba ang naramdaman ko nung, finally, nakasakay na kami sa eroplano. Plano ko talagang itulog na lang ang kaba at stress ko for the rest of the flight, but instead, natripan pa nitong utak ko na magthrowback ng mga kaganapan sa 'min ni Andreau for the past two years. Ayokong maging emotional sa ganitong oras, lalo na't si Sir Edgar ang katabi ko. Baka i-hot seat pa ako nito nang wala sa oras.

(Imagine my surprise noong bigla akong tinanong ni Sir Edgar kung tapos ba si Andreau sa pag-aasikaso ng university clearance niya. First time naming napag-usapan si Andreau no'n. Ang weird lang for me kasi he's always regarded me with professionalism and unlike my other professors, hindi siya masyadong nakikialam sa personal lives ng students niya. Nautal tuloy ako sa pagsagot sa kanya ugh.)

The Spaces In BetweenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon