[38] Possessive Pronouns 101

240K 4.5K 2.7K
                                    

This update: a 9k word vomit with a very weird title. Apologies if medyo magulo.. kailangan ko lang 'tong ilabas. Mas importante yung note sa end ng chapter so.. gora na!

(all mistakes are mine)

**

Chapter 38: Possessive Pronouns 101

So this is what a normal semester feels like. Again.

Normal, in the sense na pre-Andreau Cortez phase, wherein ang routine ko lang ay dorm-acads-org-dorm-Café Feliz-acads. Inoffer nga ulit sa’kin ni Sir TJ ang position ko sa café last time, kaso tumanggi ako. Honestly, stressed pa rin ako sa Tila stint namin ni Andreau last sem, plus bumalik na ulit ako sa org, ergo no time for a job. As much as gusto kong magkaroon pa ng extra income, gusto ko ring magfocus sa acads ko ngayon. Right now pinag-iisip na ako ng adviser ko ng thesis topic (!!!) kaya medyo ngaragan na.

So.. this is what it feels like na wala si Andreau sa buhay ko.. I mean, dito sa tabi ko sa Café Feliz. (Sobrang drama naman ng buhay ko.)

I kinda miss him here beside me.  Fine, another confession: I miss him. 

(Just don’t tell him that and we’re good.)

It’s impossible for me not to miss him. Hello, halos six months din kaming magkasama! Halos araw-araw kaming nag-uusap, nagkikita.. tapos ngayong sem biglang wala na. Yung dating Andreau and Zade na nag-aaway sa (infamous) corner table sa Café Feliz from 6:30 PM – 9:30 PM? Naging si Zade na kinakausap ang sarili from 6:00 PM – 7:45 PM.

Hay, life. Bakit ba kasi nasanay ako na kasama siya?

Okay lang sana kung nagkikita kami sa Skyline eh. Kaso hindi na muna ako nagtututor kay Tristan during weekdays since nagbreak si Ms. Marisse from Wanderlust ng ilang buwan. I get to tutor him on Sundays, though. Kaso busy si Andreau sa filming ng Tila kaya… okay, I must shut up now.

Alam ko namang dadating kami sa point na ‘to. I was actually afraid of.. this. We instantly fell into a routine together. Pero hindi naman ganun kabilis makalimutan ang routine, ‘di ba? Kaso.. parang ganun nga ang nangyari sa’ming dalawa eh. 

Ilang beses namang inassure sa’kin ni Andreau na magkaibigan pa rin kami kahit tapos na namin ang Tila. I believe in him. I really do.

But I couldn’t help to doubt just a tiny bit. What if hindi na kami maging okay? Na bumalik nga kami sa dati?

Damn it. I must stop thinking about what ifs. Walang magagawang matino ‘to sa’kin.

***

“Zade.. hindi ba talaga dadaan si Andreau ngayon?”

Dear Lord, pakibigyan pa po ako ng marami-raming patience. That was the third time Sir TJ asked me that question this afternoon, at dalawang beses ko rin siyang sinagot ng Hindi po eh. I won’t give him the same answer for the third time.

Sinara ko muna ang laptop ko bago ko siya sinagot. His hopeful face was kinda.. annoying. Really, annoying naman talaga si Sir minsan, pero extra annoying siya ngayon. “Sir.. ba’t niyo ba hinahanap sa’kin si Andreau? I’m not his keeper,” I replied in a very calm yet sarcastic way.

“Wala lang,” oh great, he didn’t even recognized the sarcasm. How expected. “Weird lang kasing makita kang mag-isa dito. For the past months kasi la—“

“Lagi kaming magkasama ni Andreau. I get it,” I finished his sentence in a very sarcastic way. Sana naman makaramdam na ‘to! “Sir.. tapos na po namin ni And—“

The Spaces In BetweenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon