[29] I Bet You Say That To All Girls

242K 5.5K 3.1K
                                    

This is a very long one! <3

#TSIB

-A&Z-

Chapter 29: I Bet You Say That To All Girls

“Wow.”

I blinked thrice. Totoo ba ‘to? Kulang ba ako sa tulog kaya ako nag-iimagine ng kung anu-ano? Si Ms. Marisse.. suot ang isang weddi—

“This isn’t a wedding dress, FYI,” she said too quickly, stifling a laugh. Pati yung nag-aassist sa kanya natawa sa’kin. Sino bang hindi? Mukha akong horny teenager na nahuling naninilip sa CR ng kapitbahay nila. Well, hindi naman talaga ako naninilip. Papasok lang ako sa condo nila at di naman ako aware na may gown fitting na nagaganap sa living room.

And.. wow.  

Hindi ko maalis ang tingin ko kay Ms. Marisse. Sobrang ganda kasi siya sa suot niyang backless white gown. Ang flowy ng lower portion ng gown niya, plus ang cute lang ng sequin details sa upper bodice. Kahit messy bun lang ang ayos ng buhok niya parang ready na siyang rumampa or something. This is one of the instances na unfair minsan ang buhay. Ugh.

“Ano, okay ba? Hindi ba masyadong maluwag?” tanong ni Ms. Marisse dun sa assistant niya. She flawlessly turned around a little para macheck ang likod ng gown. “Hindi naman siguro ako sisipunin dito ano?” Tumawa na lang ang assistant niya ang inaayos ang zipper sa gilid ng gown.  Pati siya mesmerized sa ganda ni Ms. Marisse, titig na titig eh. Sino bang hindi?

“Wow, ano pong meron Ms. Marisse?” tanong ko sa kanya habang paupo ako sa sofa. “May awards night ba or something? Ang ganda kasi ng gown niyo!” Okay Zade shut up, fangirling mode ka agad!

Tumayo si Ms. Marisse sa harap ng full length mirror at inadmire ang reflection niya dun. “Thanks Zade! Nope, this is for the charity ball. Two weeks na nga lang eh, medyo nagpapanic na ako for my gown!”

You’ve got to be kidding me. Sa ganda ng gown at ng ayos niya, nagpapanic pa siya sa lagay na yan? Nasaan ang hustisya?

“Zades, honestly.. okay na ba ‘tong gown ko?” humarap siya sa’kin at nagtwirl pa nang onti para makita ko ang buong ensemble ng look niya. “Isn’t it too plain? Too much? May kulang ba? My God I’m so so—“

“You look so great, Ms. Marisse. Seriously,” I replied appreciatively. “And to prove that, I literally spent a minute or two gawking at you earlier. Bagay na bagay po sa inyo, promise.”

Her face lit up in an instant, flashing a wide smile at me. “Thank you! Sure ka dyan ha? Although.. inasar ako ni Andreau kanina, baka raw pulmunyahin ako or something. Killjoy talaga yun kahit kelan!”

“Si Sir Shane po ba? Naki—“

“Ay naku, siya pa!” she even blushed a little. Ang cute talaga ng reactions niya pag nababanggit si Sir Shane! “He’s my biggest fan. Of course sasabihin niyang maganda ako kahit dyaryo lang suot ko. Si Tristan na nga lang ang ‘di pa nakakakita ng gown kaya medyo kabado ako.”

Speaking of, si Tristan talaga ang sadya ko kaya ako pumunta dito sa kanila. Nagtext kasi siya sa’kin kagabi (using Andreau’s phone) na kailangan daw niya ng tulong sa art project niya. Ayaw niya kasing magpatulong kina Ms. Marisse or Andreau, and to quote him“Hindi naman kasi sila artistic, Ate Zade. Tayong dalawa lang naman ang magaling sa colors eh! Please please please!” Sino ba naman ako para tumanggi sa cute na please please please ni Little Boss? Sa sobrang excitement ko napaaga ako ng punta sa condo, I completely forgot na may swimming practice pala sila every Thursday.

The Spaces In BetweenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon