[27] Cross My Heart, Hope To Die

228K 4.6K 721
                                    

Chapter 27: Cross My Heart, Hope To Die

“Come ti chiami?”

“Mi chiamo A—“

“No no no.. It’s mee kyah-moh, not mee chee-a-moh, Andreau.”

“Fine,” he said, giving me an eye roll before continuing. “Mi chiamo Andreau Francis Cortez.”

“Parla Italiano?”

It took him a second to reply. “Uhmm.. Non parlo bene Italiano? Tama ba?”

“Yeah, doing good,” I praised him. Ngiting-ngiti naman siya. “Come sta?”

“Sto bene, grazie, e tu?”

“Wrong.”

“What?” Andreau said with disbelief in his voice. Kanina pa kasi niya ako niyayabangan na magaling na siya sa Italian kaya ganito kami mag-usap. Apparently hindi pa rin. “I answered correctly!”

“I asked you formally, Andreau. Sabi ko Come sta?

“What a second, you didn’t! You said Come stai!

“No, I didn’t.”

“Yes, you did,” he insisted, eyes wide and menacing. Kung hindi siguro ako babae kanina pa niya ako sinuntok sa sobrang irita niya.

“Ugh fine. Come stai?”

Napangiti na lang si Andreau sa’kin, thinking he won the argument. Mamaya na lang ako gaganti sa kanya. “Sto bene, grazie, e Lei?”

“Va mare.”

“What?”

“Nothing. I said nothing.” Umusog ako palayo sa kanya at dumikit sa pinto ng sasakyan ni Roldan. He tried to pinch my cheeks kaso mas mabilis ako kaya natapik ko ang kamay niya. “Parang tanga ‘to! Ano ba!”

Sumiksik din siya sa pinto ng kotse. “You’re not a good teacher,” he said flatly.

“Excuse me, magaling akong teacher. Ask Tristan!”

“Well Tristan’s just seven years old.”

“Mas matalino pa yung bata sa’yo, Andreau. Alam niya ang difference ng Come sta at Come stai.” Isang beses kasi nasa condo kami nina Ms. Marisse nang nagpatulong sa’kin si Andreau para sa quiz nila. Kakatapos lang gumawa ni Tristan ng Math assignment niya kaya nakigulo sila sa’min. Ayun, tinuruan ko rin siya ng ilang basic Italian sentences at mas mabilis pa siyang natuto kesa kay Big Boss,

May sasabihin pa sana siya kaso di niya tinuloy. He just glared at me. Hah, imbes na matakot ako sa Glaring Andreau e natawa na lang ako. Akala niya madadaan niya ako sa mga ganyang paandar ha!

“Ahemm,” Roldan interrupted us, watching us from the rear view mirror. “Are you guys fighting again?”

Nagkatinginan kaming dalawa ni Andreau. Pangatlong beses nang tinanong sa’min yan ni Roldan sa loob ng halos four hour drive namin. And just like the first two times, parehas lang ang sagot namin sa kanya. “We’re not fighting, we’re discussing.”

Tinawanan lang ni Kesh (na nakaupo sa shotgun seat) ang sagot namin. “Yeah right. Good thing hindi mo pa siya sinasakal dyan, Andreau. She could be so annoying sometimes, di ba?” Andreau nodded in agreement. “See Zades? Bago-bago rin.”

“Bullies!” sagot ko sa kanila bago ako matulog. May pahabol pang kurot sa braso si Andreau. Kahit kelan talaga parang bata ‘to.

Two hours pa bago namin marating ang Dasol, Pangasinan. August long weekend ngayon at sumaktong 21st birthday din ni Roldan this Saturday kaya niyaya niya kaming magcelebrate sa isang private resort dun. Nagulat nga kami ni Kesh na kaming apat lang ang pupunta eh, ni hindi sila nang-imbita ng ibang friends o ano. Well, sinubukan nilang iinvite si Kuya Lee kaso busy daw ito sa masteral niya at sa pagiging high school teacher. Until now kinikilabutan pa rin ako pag naiimagine ko siya na nagtuturo. Hmmm..

The Spaces In BetweenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon