[45] My Favorite Book

231K 6.1K 4.1K
                                    

Chapter Summary: Zade finally understands Mr. Darcy.. and the other things.

Author's Note: Happy 2nd birthday, TSIB! Okay so dapat nung Feb 14 ko 'to ipopost kaso masyadong naging madrama ang life recently kaya nalate ng isang araw. Hindi pa naman siguro 'to late 'di ba? 

Chapter title was from a Stars song. And I think that song is the ultimate AZ anthem ;)

Mistakes are all mine! Masyado akong haggard at excited na ipost 'to kaya ie-edit ko na lang next time just in case may ugh kadiri parts. 11k words!

And oh. I'm sorry, guys.

**

Chapter 45: My Favorite Book

JANUARY

Hindi pa nangangalahati ang January pero hindi na agad nasunod ni Andreau ang isa sa New Year's Resolution niya: ang lessen the multi-tasking.

Sabi na nga ba eh. Too good to be true na magagawa niya ngayon 'yon, lalo na't sobrang busy niya this month. Just three days after his release from the hospital, dumiretso agad siya sa preparations for his China trip at sa pag-aayos ng last week ng Tila shoot. Kaya namang hatiin ang shooting sched ng Tila into two weeks eh, before his departure at pagkabalik niya ulit dito, pero ayaw niya. I don't work that way, Zades. If I can finish something in a time period, I will do it. Why prolong it anyway? Sayang sa budget. And besides, kaunting scenes na lang ang hindi pa naso-shoot. We can finish that in a week or less.

Hay. Bahala siya sa buhay niya. Ayaw din niyang makinig sa 'min ni Mars na wag muna masyadong magpagod at baka mabinat siya. I think nagkaron na si Mars ng trauma sa Sick!Andreau eh. Well, if I were in her position that day, baka magkatrauma na rin ako. Masyadong namiss ng katawan ni Andreau ang stress kaya ayan, banat nang banat. Magdamag na namang hindi natutulog sa kakaresearch at kakasulat ng draft ng thesis manuscript niya. Pasalamat siya at wala pa ako sa Manila nung first week ng January. Naku, sasabunutan ko talaga siya at papainumin ng pampatulog araw-araw. Hindi kasi makaintindi eh!

Second week of January nakaschedule ang last shooting week namin. Actually, medyo nagtalo pa kami ni Andreau dahil sa shooting na yan. I insisted na dapat nandoon ako sa set the whole week, na ayaw niyang payagan kasi nagi-guilty siya na "ninakaw" nila ako ng family niya during the holidays. Ilang beses ko nang sinabi sa kanya na okay lang kay Nana Tinang na umalis ako ng mas maaga, wala rin naman kasi akong gagawin do'n kundi magpakababoy at matulog. Hindi talaga siya pumayag sa gusto ko, pero pinagpilitan ko ang sarili ko. Ayun, hindi kami halos nagpansinan nung first day ng shoot. Lumambot lang ulit ang puso ko nung inaya niya akong kumain ng goto sa may kanto namin after the shoot. (Dapat pala next time taasan ko na ang standards ko. Nabibili lang pala ako sa goto. Abusuhin ang kabaitan ni Francisco sa susunod na away namin.)

For our last shooting day, iniwan muna namin ang maingay at matraffic na Manila para magshoot sa probinsya. Yung brief history kasi ni Tila ang last scenes na iso-shoot namin, at gusto ni Andreau na probinsya na probinsya ang dating. Good thing Andreau's AD found a small barrio somewhere up North, three hours away from Quezon City. Medyo na-excite naman ako, may shortcut kasi do'n sa probinsya na 'yon na pwedeng daanan para makapunta sa San Ignacio ng isang oras lang. Si Andreau na mismo ang nagsabi na bibisitahin namin si Nana Tinang once na matapos kami nang maaga sa shoot. Hindi ko na masyadong nag-expect sa sinabi niya. Medyo complicated ang scenes na iso-shoot at super perfectionist niya so asa pa akong matapos kami nang maaga.

Natapos namin ang kalahati ng scheduled scenes by 2:30 PM. Akala namin sasagarin ni Andreau na matapos namin lahat ng scenes bago magbreak pero naawa ata siya kay Eddie na nahihilo na sa gutom (hindi siya kumain ng lunch; ayaw niya kasi ng ulam) kaya nagpabili siya ng ensaymada sa maliit na bakery sa kanto. In fairness sa location na nahanap ng AD niya ha, wala masyadong tao. Himalang walang may rabies na Dreauster dito. Sana ganito lagi!

The Spaces In BetweenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon