[18] That Is Such A Cortez Move

199K 5.1K 2.5K
                                    

Chapter 18: That Is Such A Cortez Move

Isa sa mga paborito kong chapter 'to. You'll see why :)

-A&Z-

"Zade, ngiti ka nga."

"Wag mo nga kaming guluhin ni Tristan. Shoo!" Medyo tinulak ko pa siya para lumayo siya sa'min ng tutee ko. Busy kami ni Tristan sa first assignment niya sa Math (na chicken lang sa'kin) tapos etong magaling na Big Boss walang magawa.

Andreau huffed and sat beside Tristan, still holding his new dSLR. Kanina pa niya ako pinipilit picturan. Ano kayang topak nito? Sorry siya, hindi ako madaling maimpress sa gadgets. Kung libro pa yan, baka pansinin ko pa siya.

"Isang smile lang, please?"

Tumigil ako sa pagsusulat at siniringan siya. "Ba't ba ako kinukulit mo? Maghanap ka ng ibang gustong magpapicture. Alam ko namang maganda ak--"

"I know. That's why I want to take a picture of you."

What? "Baliw. Umalis ka nga dyan!" Pinandilatan ko na si Andreau kaso ang loko, kinunan ako ng picture. "What the hell, Francisco! Hindi ako natutuwa sa kalokohan mo ah!"

"Don't call me that," he hissed. "Isang smile lang eh! I'm just testing my new camera. Be a sport."

Godbless this infuriating man! Binitawan ko ang hawak kong ballpen, baka matusok ko sa mata niya ‘to sa sobrang irita. “Iba na nga lang guluhin mo! Isa pa Andreau matatamaan ka na sa’kin!” I made this ugly mad face at saktong doon niya ako kinunan ng picture. Medyo malapit sa mukha ko ang camera niya kaya halos mabulag ako sa flash. “What the hell!?!? Ang sakit non ha!”

It took me awhile to recover from that flash. Bwiset ang sakit talaga! I heard Andreau laughing beside me. “Hoy! Burahin mo nga yan!” sinubukan kong agawin yung camera niya kaso medyo malabo pa rin paningin ko kaya sumala ako. “Damn it, Andreau! You’re not funny!”

“I was right. Maganda ka nga dito sa picture!”

Hindi na talaga ako natutuwa! I was about to punch him when Tristan cleared his throat. Natigilan kaming dalawa ni Andreau, nasa gitna nga pala namin si Little Boss. “Kuya Andreau,” he turned to his cousin and gave him a serious look, “okay lang po bang gumawa muna kami ni Ate Zade ng assignment? Medyo marami pa po kasi ‘to oh.”

Oh god. Totoo ba ‘to, sinopla ni Tristan ang pinsan niya? We exchanged stunned looks, never pang ginawa yun ni Tristan habang kasama kami. “Uhh.. okay. Sorry for interrupting,” nahihiyang sabi ni Andreau. He got up and headed back to his unit. I can’t discern if he’s embarrassed, annoyed or both. Ikaw ba naman soplahin ng bata eh!

Todo ngiti si Tristan after isara ni Andreau ang front door. “Okay na Ate Zade! Gawa na tayo ng assignment!” He picked up his pencil and started rewriting his answers. Ba’t tuwang-tuwa ‘tong si Tristan? Hmm..

The Spaces In BetweenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon